Chapter 3
“Susmeyo! Muntikan na, dyosa!” pagmamaktol na sabi ni Monette pagkadating sa boarding house na tinutuluyan. Habang ang kaibigang si, Lenny na kung tawagin nito ay dyosa, ay naglilinis ng kuko malapit sa bintana ng kanyang kwarto.
Maganda si Lenny, maputi at makinis. Samantalang si Monette, ay may angking kagandahan din at kayumanggi ang kulay. Di nga lang pala-ayos itong si Monette tulad ni Lenny na kikay pero kahit simple siya ay lutang pa rin ang natural na kagandahan nito. Magkababata si Lenny at Monette, magkaiba ang kinagisnang buhay pero magkasundo sila. Naninilbihan ang pamilya ni Monette kina Lenny sa probinsya nila. Pero gayun pa man hindi naging handlang sa pagiging magbest friends nila ang estado nila sa buhay. Kaya nung magkokolehiyo na si Lenny ay pinakiusapan niya ang Papa niya na ipasama si Monette sa kanya sa Maynila para makapagtapos din ito sa kolehiyo tulad niya. Tinulungan ng Papa ni Lenny si Monette na makakuha ito ng exam para sa scholarship. Swerte namang nakapasa si Monette kaya sila magkasama ni Lenny sa boarding house na pagmamay-ari ng huli. Hindi naman tinatratong katulong ni Lenny si Monette sa boarding house dahil may sarili siyang katulong pero sadyang masipag si Monette at dala na rin siguro ng utang na loob ay pinagsisilbihan rin niya si Lenny kung hindi siya busy. Tumatanggi si Lenny pero mapilit si Monette kaya hinahayaan nalang niya ito.
“Bakit? Anong ganap sayo?” pagbabaklang wika ni Lenny na panay pa rin ang kutkot sa kuko.
Kinuha naman ni Monette ang mga gamit panglinis ni Lenny pati na rin ang paa nito at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ng kaibigan.
“Naku kasi, kanina muntikan akong marape!” panimula nitong kwento kay Lenny na siya nitong ikinagulat.
“Gaga ka! Seryoso ka ba dyan? E bakit parang hindi ka naman natrauma o ano man? Details please.” Wika ng kaibigang nawindang sa sinabi ni Monette.
“Di naman kasi talaga natuloy kaya nga muntikan. SInagip kasi ako ni prince charming.” Sabay angat ng muka ni Monette at kindat kay Lenny.
“Ahuh! So, tinuloy mo pala ang pagdaan sa kanila! Iba ka talaga, friend. Talagang pagmay ine-aim ka, kahit ano pa yan, talagang ginagawan mo ng paraan para maachieve. Clap clap clap” manghang wika ni Lenny. “Pero teka, ikwento mo nang buo. Ikaw nang on stalker mode kanina.” Pagpapatuloy nito.
“Ganito kasi ang buong kwento, dyosa. Pagkatime-out ko talagang minake-sure ko na papauwi na rin siya at di siya ang natoka for closing. Pagkaalis niya, mga 15 minutes sumunod ako” at ikinuwento ni Monette ang buong pangyayari kanina habang patuloy na kinukulayan ang kuko ng kaibigan. Habang si Lenny naman ay panay ang mustra na kinikilig siya sa tuwing mababanggit ni Monette ang pangalan ni Prince Charming.
“Makulit pala siya, dyosa. Kala ko kasi tahimik ganyan. Nakakaintriga kasi ung pag-uugali niyang un. Kaya siguro ako nahulog sa kanya at muntikan pang mawala ang pinagkakaingatan kong kayamanan para lang mapansin niya” masayang paglalahad ni Monette habang hinihipan ang pinapatuyong kuko ni Lenny.
“Naku, friend ha. Ibang level na yan. Pero ang galing mong tumayming ano? Siguro, itinadhana na rin talaga un, kumbaga ayun sa libro ni Paulo Coelho, the universe conspires to make it happen. Ang cute!” kilig na saad ni Lenny sa kaibigang nakayuko pa rin pero halatang kinikilig rin.
“I know right?! Kaya love ko ang “The Alchemist” e. Nagpapatotoo siya sa buhay ko. Chos!” pagbibirong tugon ni Monette. “Ayan, tapos na ang mga kuko mo. Ganda talaga ng paa mo, well, di lang paa kundi ang iyong buong pagkatao. Walang halong char iyon dyosa.” Sabay kulbit sa tagiliran ng kaibigan at tumayo sa pinagkakaupuan.
“Loka ka talaga, monmon! Kaya love na love kita e. So ano na ang susunod mong plano?” pang-uusisa ni Lenny sa kaibigan.
“Siguro naman, dyosa with that experience e pwede ko na siyang kausapin pag nasa trabaho kami. Para di na niya ako nahuhuling nakatitig lagi sa kanya.” Tugon ni Monette na parang pati sarili niya e kinoconvince niya sa sinasabi niya.
“What? Bakit ka naman nagpahuli?. Kaloka ka talaga. Ngayon ko lang nalaman na natutulala ka din pala sa lalaki. Pero naku, friend, hinay-hinay lang ha. Baka sobra kang matuwa maiuwi mo iyon dito. Magagalit ang nanay mo.” Pagpapaalala ni Lenny sa kaibigan,”Kung magkakataon, friend. First boyfriend mo ito” kinikilig na pagdudugtong nito.
“Hoy, Lenny, umayos ka! Wala pa nga e baka mabati mo. Hahaha!” natatawang sabi ni Monette na medyo nananalanging sana’y magdilang anghel ang kaibigan.
“O sya, hahaba nanaman ito. Mag-aayos na ako’t matutulog na. Salamat sa pakikinig ha. I love you, dyosa!” pamamaalam nito sa kaibigan at niyakap siya nito, “Salamat sa paglilinis ng kuko ko, you didn’t have to pero ginawa mo pa rin. Love you din! Good luck kay Prince Charming ha. Sa susunod uling kabanata. Sana iyong mas exciting iyong may PG rating naman para maiba lang.” tukso ni Lenny na natatawa na rin sa pinagsasabi niya.
“Pasaway ka talaga. For now, ipapaubaya ko muna sa’yo ang PG rating baka ikagunaw ng mundo mo pagnakipagsabayan ako sa’yo” pagbibiro nito sa kabigan sabay hagalpak naman ng tawa ni Lenny.
“O sige na, ikaw tong ayaw pahabain pero napakaraming sinasabi. See you tomorrow. Matulog ka sana ng mahimbing” huling hirit ni Lenny bago lumabas ng kwarto niya si Monette. Natutuwa siya sa kaibigan dahil kailan lang nagsimulang magkwento ito tungkol sa lalaki. Naisip niyang itinataon talaga ni Monette ang mga bagay bagay tulad ngayon na graduating na sila. Kaya mataas din ang pagtingin nito sa kaibigan.
next na mare!!
ReplyDeleteNext na po :)
ReplyDelete