Chapter 40
“Ano nang balak niyo? Tapos na si James sa pag-aaral.Nagtatrabaho na siya sa kompanya ng tatay niya. Bakit hindi pa kayo umamin?” tanong ni Kyra sa pinsan na busy sa pamimilli ng damit pang-opisina sa Mall.
“Nagmamadali? Di ganun kasimple iyon. Masyadong vocal si Mama sa galit niya kay James kahit napakatagal nang nangyari iyon. Hanggang ngayon demonyo pa rin ang nickname ng pobre kay Mama. Pero ako nang bahala dun, Kyra. Darating din tayo dun. Bagay ba ito sa akin?” baling ni Devon kay Kyra habang inilapat ang isang black collared dress sa katawan.
“Oo, bagay. Wala naman atang hindi bagay sa’yo e. Pero teka maiba ako, nung isang araw halos pumutok ang ugat sa sentido ni Tita Linda. Sino ba kasi iyong laging tumatawag sa inyo tapos hindi magsasalita kahit magkanda patid ang litid ni Tita sa paghello? Lahat na ata ng tono ng hello nagamit na ng Mama mo.” wika nito kay Devon.
“Hindi ko nga rin alam e. Dumadalas na nga iyong tawag na iyon e. Si Mama ayaw namang ako nalang ang sumagot. Minsan nga naiisip ko hindi kaya ung abnormal at baliw na Rica iyon. Gusto nanamang manggulo?” sagot ni Devon sa pinsang napa-isip din sa sinabi ng huli.
“Napakatalino mo talaga! Walang impossible sa lukaret na iyon. Ganun pa ba kafresh sa kanya ang isang taon mahigit? Pero may balita ka ba sa babaeng kolorete na iyon o baka naman naipasok na sa mental?” pambubuska ni Kyra kay Rica.
“Langya naman talaga kung siya iyon. Idadamay pa si Mama. Naku wala akong balak alamin kung anong nangyayari dun. Basta masaya na kami ni James iyon ang importante sa akin ngayon.”
“Pati ang pag-amin nyo sa magulang mo, importante din iyon. Hindi naman kayo pwedeng poreber na maglihim. Tandaan, walang lihim na hindi nabubunyag.” Wika ni Kyra at sinamahan si Devon sa kahera.
***
Nagulat si Devon sa tunog ng telepono sa bahay nila. Iniwan nito ang palabas sa tv at dali-daling sinagot ang telepono bago pa siya maunahan ng ina na nasa kwarto’t nagpapahinga.
“Hello!” bati ni Devon sa kabilang linya, “Hello?” isa pang bati ni Devon nang walang rumispunde sa unang bati niya. Iyon na marahil ang taong nagpapahighblood sa ina, medyo kinabahan naman si Devon na isiping baka nga si Rica ang tumatawag nang.
“Baby?” mahinang wika ni James na lalong nagpagulat kay Devon.
“Baby! Why are you calling here? You’re the one calling here and doesn't talk?” bulong ni Devon sa kabilang linya.
“Guilty.” Tipid na sagot ni James.
“Susmeyo naman.” Wika ni Devon at tinakbo ang kwarto niya bitbit ang cordless phone, “You are giving Mama a hypertension because of your calls. Don’t do that again.” Babala ni Devon dito matapos maisara ang pinto ng kwarto.
“I’m sorry, that’s not my intention. Please don’t be mad but I’ve been trying to tell your mom about us but everytime I hear her voice it’s as if I lost my tounge.” Pagpapaumanhin ni James sa nobya na ngayon ay hindi malaman kung matutuwa ba o magagalit sa ginawa nito.
“You’re going to tell Mama without consulting me? What were you thinking? You could give Mama a heart attack.” Naiinis na wika ni Devon.
“I’m really sorry. I thought you’ll be delighted. I just want to take the initiative and possibly surprise you. I think it was a bad idea. I’m really sorry. Forgive me please.” Pagmamakaawa ng binata sa nobya na napahawak naman sa batok niya. Alam ni Devon na maganda naman ang intensyon ni James pero batid niyang hindi magandang paraan iyon ng pag-amin.
“Leave this to me, Baby. I think it would be best if I’ll be the one to tell her but we still need some time. Okay?” mahinahong wika ni Devon.
“Okay.” Mahinang wika ni James.
Hindi na rin sila nagtagal sa pag-uusap sa telepono at bumaba na rin si Devon sa sala.
No comments:
Post a Comment