Chapter 9
Sa school ay balik naman sa normal na nakikipagkwentuhan na uli si Devon. Hindi na niya gustong balikan ang nangyari sa nagdaang araw. Oo, masakit pero pinanghahawakan niya ngayon ang pangako nila ni James sa isa’t isa. Iyon na marahil ang tanging bagay na nagpapasigla sa kanya. Ngunit magkaganun man ay di pa rin nagtangka sina Brett, Fretz o Ivan na magtanong kay Devon tungkol sa nangyari. Masaya na rin silang nakikita si Devon na nanumbalik ang sigla nito. Kahit pa kating-kati na si Ivan na mang-urirat ay di naman ito pinayagan ni Fretzie dahil alam niyang hindi makakabuti ang binabalak ng nauna.
Samantala, si James dala nang naganap sa kanila ni Ivan nung isang araw ay napatawan ng community service sa school pagkatapos ng klase. Kasalukuyan silang naglilinis ni Ivan ng gym nang di mapigilan ni Ivan ang magtanong.
“James, I haven’t been able to talk to Devon. I know you two are having some problems. I’m may not be in the right position to ask this but, is Devon pregnant or something?” bulalas ni Ivan na parang namangha rin sa sarili at nasabi ang kanyang agama agam kay James.
“What?! Devon is pregnant? Where’d you get that? You thought I impregnated your bestfriend?” di makapaniwala si James sa narinig mula kay Ivan. Di niya malaman kung maiinis ba siya kay Ivan o matatawa dito. “I get it! That’s why you were so mad the other day. You’re a silly man. ” at tuluyan nang napatawa si James.
“Sorry about that James. I was so confused and worried about Devon. That was my bad.” Napakamot sa ulo si Ivan at nagpatuloy sa pagmop.
“You want me to be honest with you, Ivan” seryosong tanong ni James na nagmamop din sa kabilang side ng gym.
“Of course, James! You’re my bestfriend’s man.” Nangingising sagot ni Ivan.
Tumigil naman sa pagmop si James at lumapit kay Ivan at napatigil na rin ang isa sa ginagawa.
“Here’s the deal, Ivan. You know that we’ve been keeping our relationship to Devon’s parents. But it’s no secret now.” Wika ni James na sabay singit naman ni Ivan. “Well, that’s good news right? You should be happy that you two can go out whenever and wherever.” Wika nito.
“I wish it’s that simple. You should know, Ivan. You know her mom than I do.” Pagpapatuloy ni James.
“Oh! Okay, I’ll let you continue.” Ani Ivan.
“Okay, so her mom caught us together. I won’t go into details about it but to cut the story short, she wasn’t excited about meeting me and wanted us to break up. Devon agreed and so we’re done. ” lungkot na saad ni James. Nagulat naman si Ivan at saka nito naintindihan kung bakit naging matamlay ang dating bubbly na si Devon.
“This is a harsh world, James. I’m really sorry to hear that. Devon loves you to death. You’re our only topic whenever we’re together.” Pagsasalaysay ni Ivan. Namangha naman si James sa narinig at di makapaniwalang nagpag-uusapan pala siya ng mga ito.
“Really? I didn’t know that. Well, I know she loves me but I didn’t know she was talking about me when she’s with you.” Manghang sagot ni James kay Ivan. “Yes, she always does. Of course, I too will tell her about Trish. You know her, she’s a sophomore here.” Pagbibida ni Ivan.
Natulala naman si James sa narinig. Nagselos siya sa wala, kung di sana sila nagkaaway ni Devon dahil sa pagseselos nito kay Ivan di sana’y sila pa. Pero iwinaksi na rin nito ang naisip dahil kahit ano pa ang gawin niya nangyari na ang lahat.
“If I wasn’t so into my pride and get to know, we might have been hanging out eversince.” Nasabi ni James na nangingisi sa mga pangyayari.
“I was just waiting for you.” Tapik ni Ivan sa balikat ni James. “Well, minus the gayship.” At natawa silang pareho.
“I have an idea, James!” bulalas ni Ivan. “I’ll be your wingman for Devy. I mean, I’ll be your connection to her. Her mom and I are close and I’ve been Devy’s confidant especially whenever you two go out. I hope you know that she uses my name just so her mom will allow her to go out.” Pagtatapat ni Ivan kay James na ngayon ay sobrang manghang mangha na talaga sa natutuklasan. Kung tutuusin pala ay napakalaki ng utang na loob nito kay Ivan. Naliliwanagan na si James ngayon.
“Well, that sounds awesome. But what’s the catch?” tanong nito kay Ivan.
Natawa si Ivan sa sinabi ni James, “I just want Devy to be normal again. Don’t you want that too?” pagpapatuloy nito.
“Oh, I do! What’s your plan?” masiglang tanong ni James na parang nabuhayan ng loob. Kahit hindi niya makasama si Devon basta malaman niya ang nangyayari dito ay okay na sa kanya. Di na kasi maari kay Fretzie dahil naghinala na ang mommy ni Devon na may kinalaman ito sa pagsisinungaling ng anak sa kanya.
“It will be simple, James. We’ll go back to the basics. Since she’s grounded and won’t be able to use her cellphone, you will write her instead. I will be your messanger.” Tuwang saad ni Ivan. Napangiti naman ng pagkatamis tamis si James sa ideya.
“That’s classic, Ivan! You are awesome! I feel sorry for punching you. Forgive me.” Wika nito at inilahad ang kamay tanda ng pakikipagbati kay Ivan. Tinanggap naman iyon ni Ivan at nagkasundo na rin silang tapusin ang paglilinis ng gym.
Nang matapos silang maglinis ay nagpaalam na rin sila sa isa’t isa.
“James, just let me know when you want us to start. Have a good night!” pagpapaalam nito. At tumango naman si James at nagpaalam na rin ito.
No comments:
Post a Comment