Chapter 35
Kinabukasan sa trabaho ay nakatanggap ng magandang balita si Devon. Napili siyang umattend sa isang malaking seminar na gaganapin sa Maynila. Tuwang tuwa namang tinanggap ni Devon ang imbitasyon at lalo nitong ikinatuwa nang malamang aalis na sa darating na Sabado. Nagpaalam agad ito sa ina at excited pa ang ina sa pagkakapili sa anak.
Habang inaantay ni Devon ang araw nang luwas nila sa Maynila ay hindi pa rin tumitigil ang pagsusuka niya. Pero hindi pa rin ito nagsabi sa ina dahil bukod sa pagsusuka ay hindi pa rin siya dinadatnan. Panay nalang ang convince niya sa sarili na dala lang ng stress ang nararamdaman niya at pinagwalang bahala nalang ang mga nararamdaman niya.
Araw na ng biyahe ni Devon paMaynila.
“Ma, okay lang po talaga sa inyong maiwan dito mag-isa? Bakit kasi di nyo pa patigilin si Papa sa trabaho wala naman na po kayong pinapag-aral?” tanong ni Devon sa ina habang inaayos ang gamit na dadalhin sa seminar niya sa Maynila.
“Ayus lang ako dito andyan naman ang Tita Lani mo. Hindi pa ready ang Papa mong magretire, marami pa kaming bayarin, akala mo. Ito dalhin mo, maganda ka sa damit na ito. Bagay sa morena mong kulay.” Nangiting wika ni Aling Linda habang inaabot sa anak ang pulang v-neck dress at ngiting kinuha naman ng anak.
“Isang linggo lang naman po ako dun, Ma. Babalik ako agad. Promise.” At tuluyan nang sinara ang maleta.
****
Pagkalapag nang eroplanong lulan ang grupo nina Devon ay agad silang dumiretso sa tutuluyang hotel. Pagkarating ni Devon sa kanyang kwarto ay diretso banyo niya at sumukang muli pero ngayon ay sumasakit na ang balakang niya. Tinawagan nito si James habang may parang tumutusok sa kanyang puson at napapaigik siya sa sakit.
“Baby, I’m already here. Can you please come as soon as possible?” wika ni Devon na may konting daing sa boses nito.
“Great! I’ve been waiting for your call. I’ll be there in a few.” Mabilis na wika ni James at di nito napansin ang munting daing ng nobya sa kabilang linya. Dali dali naman itong sumakay sa sasakyan niya’t tinungo ang hotel na tinutuluyan ni Devon.
Isang katok ang nagpabangon kay Devon sa kama habang sapo nito ang balakang at tinungo ang pinto para mabuksan. Pagkabukas ni Devon ay isang masayang James ang sumalubong sa kanya na may dala pang isang dosenang puting rosas. Nang makita ni James ang estado ni Devon ay nabitawan nito ang hawak na bulaklak at hinawakan ang namumutlang muka ni Devon na nanlalamig.
“What’s happening? You don’t look well. Let’s get you to the hospital.” Tarantang wika ni James. Hinang hina namang tinuro ni Devon ang keycard ng kanyang kwarto na nakapatong sa tv stand. Mabilis na kumilos si James at dinampot ang keycard sabay akay kay Devon palabas ng kwarto nito.
Pinaharurot ni James ang sasakyan patungo sa Makati Med. Dinala agad si Devon sa emergency room. Kabadong kabado si James at mahigpit na hawak ang nanlalamig na kamay ng nobya habang inaantay nila ang doctor na aattend kay Devon.
“Nurse! What’s taking so long? She’s hurting. Can you get a doctor to check on her?” sigaw ni James na medyo naiinis na sa kakuparan ng pag-iintindi sa nobya niya.
“Sorry, sir. We have a lot of patients who need more attention. The doctor will be with you, please wait.” Sagot ng nurse na nakabantay sa entrance ng emergency room. Ikinalisik naman ng mga mata ni James ang narinig sa nurse pero naramdaman niya ang mahinang pisil ni Devon sa palad nito. Pinunasan naman ni James ang butil-butil na pawis sa noon g dalaga.
“Devon Soriano.” Tawag ng doctor mula sa isang examination room pagkalipas ng ilang minuto. Dali namang itinaas ni James ang kamay at inalalayan si Devon papunta sa doctor.
“How are you feeling, ija?” tanong ng doctor sa dalaga.
“Sumasakit po ang puson at balakang ko at kanina po sumuka ako. Mga ilang araw na rin po akong sumusuka pero kanina po parang may tumutusok sa puson ko.” Hinang hinang paliwanag ni Devon sa doctor. Awang awa naman si James sa pinagdadaanan ng nobya.
“Regular ba ang cycle mo?” tanong ng doctor na parang alam na ang pinatutunguhan ng konsultasyon.
“Regular po ako dati pero dalawang buwan na pong parang konting dugo lang o minsan halos wala pong lumalabas sa akin.” Sagot nito at biglang napangiwi ng maramdaman nanaman ang kirot pero ngayon ay nasa tagiliran na niya. Napatango naman ang doctor.
“Baka buntis ka, ija? Ikaw ba ang boyfriend ni Ms. Devon?” baling nito kay James.
“Yes. But she already took a pregnancy test and it’s negative, doc.” Maagap na sagot nito.
“Okay, but that doesn’t mean that she’s not pregnant. Home Pregnancy Tests are not all the time accurate especially if the body has not started secreting enough HcG. I think we need to get a blood sample to check if Ms. Devon here is really not pregnant.” Wika ng doctor at nagkatinginan naman ang magnobyo at napakapit si Devon kay James.
“For now, get her some pain reliever.” At nagsulat ng prescription ang doctor at iniabot kay James, “This should ease the pain but it won’t have a bad effect on the baby that is if she’s pregnant.”
No comments:
Post a Comment