Chapter 36
Uminam naman ng kaunti ang pakiramdam ni Devon matapos inumin ang pain reliever. Nasa waiting area na sila ng emergency room at natapos na ring kunan ng dugo si Devon. Nakapahilig ang ulo ni Devon sa balikat ni James habang hawak nila ang kamay ng isa’t isa. Panay naman ang dasal ni James na wala naman sanang masamang mangyari sa nobya niya. Nang tawagin silang muli ng doctor sa examination room.
“I have here Dra. Sanchez, she’s an OB Gyne. Ms. Devon, you’re result came out as positive. You are pregnant. But we need to further check so an ultrasound is needed here.” Malumanay na wika ng unang doctor na nagcheck kay Devon. Di malaman ni James kung matutuwa ba siya sa narinig na balita dahil hindi niya nagugustuhan ang epekto nito sa nobya na halatang nahihirapan.
“Let’s go to my clinic upstairs so we can start the ultrasound.” Wika ni Dra. Sanchez sa dalawa at agad namang sumunod ang magnobyo dito.
Nang marating nila ang clinic ng doktora, ay agad nang pinahiga si Devon sa examination bed. Nagsimula na ang ultrasound at hindi maipinta ang muka ng doktora kaya kabadong kabado si James na halos mabali ang leeg sa pagsipat sa muka ng doctor, kay Devon at sa monitor.
“When was the last time you had your last menstruation, Ms. Devon?” wika ni Dra. Sanchez habang iniikot ang pangultrasound sa tyan ng dalaga.
“Nung October po, Doktora.” Sagot ni Devon.
“That means your baby should be in it’s 3 months. But the thing is, I don’t see anything in your uterus.” At tinuro pa nito ang monitor kung nasan ang uterus ni Devon.
“What do you mean po? Hind po talaga ako buntis?” takot na tanong ni Devon.
“But wait, hear that faint heart beat?” tanong ng doktora sa dalawa. At napangiti naman ang magnobyo nang marinig nga ang mahinang tunog at ibinaba ng doktora ang tranducer probe.
“Just as I suspected. There’s your baby, see that small mass.” Wika ng doktora at kinabahan naman bigla si Devon sa tono nito at napakapit kay James.
“I believe you have an ectopic pregnancy, Ms. Devon. You’re lucky, you’re fallopian tube hasn’t ruptured yet. We need to take the baby out or it will harm you.” Sabi ng doktora at nabigla naman si Devon sa narinig.
“Bakit po? Pano pong aalisin nyo ang baby ko? James, ayoko ko.” Naiiyak na wika ni Devon habang nakatingin kay James.
“Is there another way to save them both? I don’t understand why you have to say that.” Wika ni James na parang pinanghihinaan ng tuhod sa narinig.
Pinaliwanag naman ng doctor ang sitwasyon ni Devon at ng bata. Mariing sinabi nito na bihira ang batang nabubuhay na wala sa bahay bata. Kung papatagalin pa nila ito ay tiyak na mapapahamak din ang buhay ni Devon. Gulat na gulat naman sina James at Devon at magkaholding hands na pinakinggan ang doktora.
“Baby, we need to do this.” Malambing na wika ni James kay Devon habang hinahaplos nito ang muka ng nobya. Nangingilid naman na ang luha ni Devon. Siguro kong hindi niya narinig ang mahinang tibok ng puso ng anak ay makakaya niya pa pero ayaw din naman niyang mapahamak.
“What should we do, doc?” matigas na tanong ni Devon.
“With your case since, I don’t think we need a surgery. We will abort the baby by what we call methotrexate treatment. This will terminate your pregnancy. Don’t worry you’ll still be able to make a baby just make sure to wait for more than 3 months.” Paliwanag ng doktora sa dalawa. Napapikit naman si Devon sa narinig, parang kinurot ng ilang beses ang puso niya habang iniisip na kikitilin niya ang buhay ng panganay.
“It’ll be okay, Baby. I’ll be here for you.” Wika ni James at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Devon. “Let’s do that, doc. I don’t want her to suffer so much.” Baling ni James kay Dra. Sanchez.
Agad namang pinag-ayos ni Dra. Sanchez si Devon at niresetahan ito ng gamot. Binilinan din niya ang dalawa na bumalik sa susunod na linggo para macheck kung natanggal na nito ang bata. Nang marinig ito ni Devon ay umapila siya dahil iyon ang balik niya sa Davao. Pero sinabi ni James na gagawa sila ng paraan para makabalik.
No comments:
Post a Comment