Saturday, May 14, 2011

Trial and Error: XVII

Chapter 17
“Can you just come back later, Mr. Reynolds?  We’re not yet done eating.” Paki-usap ni Ms. Garcia kay James.

“Okay, Miss. Thanks!” at tumalikod na ang binata at sinabi kay Ryan na mamaya nalang uli.

Samantala sa restaurant, masayang kumakain ang magkakaibigan.

“Bessy, san nga pala dapat iyong punta mo kanina?” patay malisyang tanong ni Fretzie kay Devon habang nasubo ng pagkain. Bahagyang sinipa naman ni Devon ang paa ni Fretzie sa ilalim ng lamesa. “Ouch! Bakit?” gulat na baling ni Fretzie kay Devon. Nainis naman si Devon dahil parang di siya nagegets ng bestfriend.

“Ah, e dadaanan ko kasi dapat iyong ano, iyong pinaprint kong write up para sa last newsletter natin. Naalala mo?” parang tangang pinanlalakihan na ng mata ni Devon si Fretzie. Para namang nagkaideya na si Fretzie sa sagot na ibinigay ni Devon. Pero nakikinig naman ng maigi si Aling Linda sa usapan ng dalawa at inoobserbahan ang mga ito.  Nangamba tuloy si Devon na baka may masabi nanaman siyang di tama. Kung bakit naman kasi ngayon pa naisip ni Fretzie na magtanong ng ganun sa kanya.

“Ahh, oo tama, Bessy! Naalala ko na.  Hinahanap na nga pala iyon ni Miss Flores. Mamaya daanan natin bago tayo bumalik sa klase.” Pagsalo ni Fretzie kay Devon habang nakatingin ito sa kaibigan na parang nangingiti’t nagpapasalamat at nagets agad ni Fretzie.  Iba naman ang tumatakbo sa utak ni Fretz, iniisip niyang may hindi sinasabi ang kaibigan sa kanya.

“Kumain pa kayo.” Alok ni Mang Greg sa magkakaibigan.”Parang kailan lang ano, Linda? Magkakacollege na ang mga ito. Brett, nakakaintindi ka ba ng tagalog, ijo?” baling ni Mang Greg kay Brett.

“Yes, Tito. But I can’t really speak tagalog, konti leng.” Tikom na ngiti ni Brett at napangisi nanaman ang magbestfriend sa narinig mula sa binata.

“Naku e dapat mag-aral ka dahil Pinay ang girlfriend mo. Si Devon ko ba may boyfriend?” tanong ni Mang Greg na nagpalaki sa mata ni Aling Linda pero inaantay nitong magsalita ang mga kaibigan ni Devon. Walang gustong sumagot na pinagtaka naman ni Mang Greg.

“Bakit? Meron siguro ano? Okay lang namang magboyfriend para may inspirasyon basta alam ang limitasyon. Di ba, Mommy?” ngiti nito sa ina ni Devon na di malaman kung matutuwa ba sa sinasabi ng asawa o ano.

“Ewan, basta sa akin unahin ang pag-aaral.” Ani Aling Linda sa asawa’t sabay tingin kay Devon na di malaman kung panong upo na ang gagawin.

“Pa, wala po akong boyfriend.” Mahinang sagot ni Devon sa ama.

“Walang nagkakagusto sayo, anak?” tanong ni Mang Greg na nagpasingit na ng tuluyan sa mga mata ni Aling Linda pero wala pa ring imik ang magbabarkada.

“Meron naman po, kaso Pa pwedeng ibang topic na lang po. Magkwento kayo sa byahe nyo, ganun.” Ngiting turan ni Devon sa ama.

“Parang may nililihim ka sa akin ha. Ikaw Ivan, may girlfriend ka na? Kung wala pa, wala ding boyfriend si Devon.” Natatawang sabi ni Mang Greg.

“I have, Tito.” Mabilis na sagot ni Ivan.

“Tumigil ka na Daddy. Mga bata pa yang mga yan. Tapusin nyo na nga ang kinakain nyo’t makabalik na kayo sa school.” Suway ni Aling Linda. Tahimik namang sinunod ng lahat ang sinabi ni Aling Linda na parang batas military lang kung mag-utos. Napapa-iling naman si Mang Greg sa inasal ng asawa at naisip nitong sadyang istrikto ang napangasawa niya.

Matatapos na silang kumain ng biglang magring ang cellphone ni Brett. Basa nitong si James ang tumatawag kaya dali daling inexcuse ang sarili sa hapag at sinagot ito.

“You looking for someone? Sorry, dude I won’t be able to give her the phone. Her parents are with us.” Dirediretsong wika ni Brett sa kabilang linya.

“No, I need to speak with Ivan actually. Is he there?” sagot naman ni James.

“Yes, he is but he’s talking to Tita Linda. You can leave a message for him, if you want.” Sabi ni Brett na patuloy sa pagsilip sa mga kasamahan.

“Great! Please tell Ivan I need to talk to him later prolly at 3pm. I’ll swing by your classroom.” Mabilis na pagbibilin ni James. Kanina pa siyang kating kati na makausap ang nobyo ng kinabubwisitan niyang babae.

“Okay. Is that it? We’re about to leave. We’ll see you there in a few minutes. Bye for now.” Di na inantay ni Brett ang pagsagot ni James at tinapos na nito ang tawag.  Sakto namang parating na ang mga kasama nito.

“Who was that?” tanong ni Fretzie.

“The househelp. She’s asking me if I’ll have dinner at home.” Matipid na sagot ni Brett at hinawakan na ang kamay ng nobya at sabay na lumabas ng restaurant.
*****
Tagal inantay ni James na mag alas-tres.  Di na siya makale dahil nang balikan niya si Ms. Garcia sa faculty room ay wala na ito dun kaya ang tanging naisip niya ay ang kausapin si Ivan.

“Baby, I’ll talk to Ivan. Trish saw me at the vacant building and I think she already knew. She threatened me that she’ll tell your mom about us tomorrow at the graduation. I might need to tell Ivan the truth. Don’t worry I have this under control.” Sabay pindot ng send sa kanyang cellphone.

Naramdaman nanaman ni Devon ang pagvibrate ng cellphone niya kaya pumunta ito sa restroom. Puno nang kaba si Devon matapos mabasa ang mensahe ni James. Ito na nga ba ang sinasabi niya, kung magkataon ay wala na talaga itong pag-asang maayos pa sila ng ina.

“R u sure we can fix this? I don’t know Trish is capable of doing this thing. I’ll talk to Ivan too. What time are guys meeting up?” reply ni Devon na sapo ang batok sa pagkabahala. Hindi niya lubos maisip kung bakit gagawin ni Trish iyon.  

“We’ll talk at around 3pm. You don’t need to talk to Ivan. I can handle this. Trust me.” Basa ni Devon sa reply ni James. Gaya ng dati ay binura nito ang messages ni James saka lumabas ng restroom.

Sumapit ang alas-tres, dumaan si James sa classroom nina Devon.  Napansin naman agad iyon ni Ivan kaya agad itong tumayo sa kinauupuan at dumiretsong lumabas sa classroom.

“Brett told me you need to talk to me?” tanong ni Ivan sa nakasandal na si James sa pander.

“Yes. Can we go somewhere private? This is so important.” Wika ni James na di umaalis sa pwesto nito at nakatingin lang kay Ivan. Tumango naman si Ivan at saka palang tumayo ng maayos si James at tinungo nila ang likod ng Gym.

“I’ll go straight to the point. Your girlfriend threatened me awhile ago that she’ll tell Devon’s mom that we’re still together.” Diretsong mukang wika ni James kay Ivan.

“She told you what? But I think you don’t have to worry because there’s no you and Devon, right?” sagot ni Ivan dito pero naguguluhan na rin siya kung bakit naman gagawin ni Trish iyon samantalang okay na sila tungkol sa sulat na inaabot nito kay Devon.

Taas kamay namang sumagot si James,“Okay, you got me. We’re still together but please let’s keep it as a secret.  It’s just the three of us who know well four because of your nosy girlfriend.” Inis na sabi nito kay Ivan.

“So, Devon did the unexpected huh? I’m happy for you two but I don’t get why my girlfriend would threaten you.  And how did she knew about this?” daming tanong ni Ivan.

“As I’ve said earlier, she’s a nosy b…” at di na tinapos ni James ang sasabihin dahil nakita nitong kumunot ang noo ng kausap. “I’m sorry. She told me that she hates Devon because you kept on comparing her to your bestfriend and she didn’t like it. That’s why she wanted Devon to suffer by telling her mom about us. That’s why I’m telling you. I know you’re the only one who could shut her up.” Mabilis na pagpapaliwanag ni James.

“What? I didn’t know that’s how she felt.  I thought we were okay. Are you for real, Reynolds?” iritableng tugon ni Ivan kay James na mukang seryosong seryoso na.

“I’m not even kidding, Smith. She’s determined to ruin us and Devon and I just got back together. I won’t let your girlfriend take my life away from me again. So, do something!” napasigaw nang wika nito kay Ivan.

“Let‘s be logical on this, James.  Say she really hates Devon and tells Tita Linda that you two are together, do you think Tita will believe her immediately? She doesn’t even know Trish.” Pagpapaliwanag ni Ivan.

“All the more that Devon’s mom will believe her. She’ll find Trish with no motive on telling and she’ll think that it’s for her own welfare that this concerned citizen is telling her that her daughter is lying again. You get me, Smith?” sagot naman ni James na namumula na ang tenga.

“That’s not how Tita Linda works! She doesn’t want people bad mouthing her own daughter. Do you think she’ll instantly believe Trish without evidences? Unless, you gave Trish some proof that you and Devon are really together. See, even us are clueless so why would you think Trish has a concrete proof. For all we know, she might be using you so you would tell me how she feels about me. So, please stop worrying.” Pagtitimping wika ni Ivan at hinawakan sa balikat si James.

Alam nyang may point si Ivan pero hindi siya dapat makampante.

“I’ll stop worrying for now, Ivan. But if your girlfriend proceeds with her plan and got me and Devon into trouble… I’m telling you, you and your girlfriend should start worrying.” Pananakot ni James at nagulat naman si Ivan sa sinabi nito. Naiinis na rin si Ivan sa ginagawa ng girlfriend niyang si Trish.

“Stop talking non-sense, James. Nothing bad will happen. I also don’t what Devon to get hurt in any way. If my girlfriend is really capable of doing this then I assure you that she will pay for it. I’ll make sure of that!” At nilayasan na nito si James.

1 comment:

  1. tyeeeeeeet 4 more chapters pa babasahin ko. bukas na lang ulit :D mukhang mahaba2 pa ang tatakbuhin nang kwento.

    ReplyDelete