Saturday, May 14, 2011

Trial and Error: XVIII

Chapter 18
“Happy graduation, Baby! I’ll see you later. We don’t have to worry about Trish. Ivan is on top of it.” Basa ni Devon sa text na natanggap niya mula sa nobyo.

“Thanks for putting a smile on my face. I love you for that. Happy graduation!” reply naman ng dalaga kay James at masiglang bumangon sa kama.
*******
Alas-dos ng hapon ang simula ng programa sa school kaya  ala-una palang ay yumakag na sina Devon. Diretsong classroom si Devon para kamustahin ang mga kaklase at makapagpicture bago magsimula ang program.

Samantalanag si James ay puno ng kabang nakatayo sa labas ng bulwagan kung san gaganapin ang graduation kasama ang ama. 

“You seem so tensed, son. Calm down. Is it because of Devon’s parents? They don’t know you, right? So, calm down.” Bulong ni Mr. Mathew sa anak at inakbayan ito. Pero parang walang epekto ang bilin ng ama at hindi pa rin ito makale.

“Smith!” sigaw ni James kay Ivan nang makita itong papalapit sa bulwagan. Kumaway lang ang binata at animo’y gusto siyang iwasan. Napansin ni James na lumihis ng lakad si Ivan at nakita nitong papalapit si Ivan sa mommy ni Devon. Napansin din ni James ang lalaking kasama ng ginang at naisip nitong marahil iyon ang Papa ng kasintahan.

“Dad, see that lady wearing a beige dress? That’s Devon’s mom. Be careful okay.” Bulong nito sa ama.

“I know now where Devon got her nice skin tone. That’s probably his father, she looks like him especially the nose.” Wika ng ama ni James na nakatingin pa rin sa direksyon ng mga magulang ni Devon. Tumango naman si James.  May gusto pa sanang sabihin si Mr. Mathew kay James pero hindi niya malaman kung ano ang sasabihin sa anak kaya hinayaan na lang niya. Naisip nito na tumatanda na talaga siya’t medyo malilimutin na.

Wala pang ilang minuto ay napansin ni James ang papalapit na si Trish kay Ivan na hanggang ngayon ay kausap pa rin ang mga magulang ni Devon.  Halos lumabas sa dibdib nito ang kanyang puso sa kaba. Pinagmamasadan nito ng mabuti ang kinikilos ng dalaga.  Nakita nitong nakipagshake hands si Trish kay Aling Linda. Bigla namang may humarang sa harap ni James kaya di na niya alam kung ano ang sunod na nangyari.  Hindi na makale si James, gusto nyang sumugod dun pero baka lalong lumala ang sitwasyon.  Inisip nalang nito na hindi rin naman siguro hahayaan ni Ivan na masaktan si Devon sa maaaring gawin ng nobya niyang si Trish. Sinubukang kalamayin ni James ang kanyang kalooban.

Pinapasok na sa bulwagan ang mga magulang at pinahilera na ang mga magmamartsang students. Ang James ay hindi pa rin malaman kung ano ang mararamdaman. Nakita nitong kumikilos na rin ang mga ushers para gabayan ang mga magulang. Pilit niyang hinahanap si Trish pero hindi nito makita.

“Picture!” sigaw ni Jenny sa mga kaklaseng nakapila. Isang mabilis na klik ang narinig ni James at pagtapos ay nagsimula na ang martsa. Sa panahong ito ay nakita ni James si Devon na papasok na sa bulwagan.

“My girl is so pretty.” Bulong ni James sa sarili. Animo’y nawala lahat ng kaba nya kanina lalo nang makitang ngumiti ang dalaga sa kanya.

“Baby James, I saw that.” Wika ni Jenny at nginitian siya ni James at iniligay ang isang daliri nito sa sariling labi tanda nang pagbibilin kay Jenny na tumahimik. Tumalima naman si Jenny at nginitian din si James.

Sumalang na ang Glee Club sa stage para sa Pambansang Awit.  Di nakaligtas sa mga mata ni Aling Linda si James.  Inisip nitong matatapos na ang pangamba niya dahil ito na ang huling araw ni Devon sa eskwelahang iyon. Si  James naman ay napuna ang matatalim na tingin ni Aling Linda at natitiyak niyang naisakatuparan na ni Trish ang plano nito.

Habang nagpatuloy ang programa ay patuloy namang pinagmamasdan ni Aling Linda ang bawat kilos ni James.  Ang pakikipag-tawanan nito at picturan kasama ng mga kaklase ay di nakaligtas sa mapanuring mata ng ginang. Ultimo ang pag-akyat sa stage ng binata kasama nang ama nito para kumuha ng diploma.  Parang minemorya naman ni Aling Linda ang muka ni Mr. Mathew.

Natapos ang programa. HInayaan ni Aling Linda na makisalamuha muna si Devon sa mga kaklase. Alam niyang hindi gagawa ng milagro ang anak dahil naroroon siya. Niyakag naman ni Mang Greg ang asawa na lumabas ng bulwagan at nang makalabas sila ay nakita nila roon ang kaibigan nitong si Mrs. Briones na ina ni Fretzie. Nagkukwentuhan ang magkumare nang...

“Excuse me, Sir?” wika ni Mang Greg na parang nag-aalangan sa nakitang lalaki.

“Yes?” lingon ni Mr. Mathew kay Mang Greg na nagtaka dahil parang kilala siya nito. Batid niyang ito ang ama ni Devon.

“Mr. Mathew Reynolds, is that really you?” gulat na parang gustong kumpirmahin ni Mang Greg ang kanina pang bumabagabag sa kanya simula ng makita ang lalaki na umakyat ng stage kasama ng anak nitong lalaki. Napalingon naman si Aling Linda at Mrs. Briones nang marinig ang apelyidong binanggin ni Mang Greg. Nang makumpirma ni Aling Linda na tama ang narinig nito ay bigla itong napahawak sa kaibigang si Mrs. Briones.

“Yes, I am. I don’t want to sound rude or anything but have we met before?” tanong ni Mr. Mathew sa lalaki at laking pasasalamat nito na di niya kasama ng mga oras na iyon ang anak na si James.

Inilahad naman ni Mang Greg ang kamay dito, “No worries, I’m not expecting you to remember.  I wasn’t even sure if it was really you.  But yes, we’ve met before at Sydney Airport and that was three years ago. We were both on the same flight to New Zealand, and it got cancelled. We talked for awhile while waiting for another flight schedule to open.  I told you I was worried that my wife will check on me and won’t be able to reach me because my phone doesn’t have signal in Australia and you offered me your phone.  I told myself, I will never forget a good hearted man like you. By the way, I’m Greg, Greg Soriano, Sir.” Pagsasalaysay ni Mang Greg.  Nagulat naman si Aling Linda sa narinig na kwento mula sa asawa.  Alam nito ang pangyayaring iyon, first time magbyahe ng asawa niya noon papuntang New Zealand at alalang-alala siya nang malamang di nakarating ang asawa sa New Zealand sa oras na sinabi nito. Pero nakatanggap siya ng tawag sa asawa at sinabi nga nitong may nagpahiram sa kanya ng telepono para matawagan siya.  Hindi malaman ngayon ni Aling Linda kung ano ang mararamdaman niya sa rebelasyong ito.

“Now I remember! That’s why when I saw you awhile ago. It felt as if we have a connection of some sort” wika ni Mr. Mathew at nakipagshake hands kay Mang Greg.  Sa isip naman ni Mr. Mathew, may koneksyon naman talaga sila ng ginoo dahil sa magkasintahan ang kanilang mga anak pero alam nitong hindi alam ng kausap niya iyon.

“Umm, sir, this is my wife, Linda.” At nilingon ni Mang Greg si Aling Linda at pinalapit.  Nang mga oras na iyon ay palapit na sana si James sa ama at batid niyang may kausap ito pero nang ilang dipa nalang ang layo nito ay natuklasan niyang magulang pala ni Devon ang kausap ng Daddy niya.  Napaatras siya at hinagilap si Ivan sa loob ng bulwagan, iniisip ni James na baka kinakausap na ngayon ang ama niya dahil sa isiniwalat ni Trish kay Aling Linda. Pero wala na siyang Ivan na nakita pero laking pasasalamat niyang makita si Brett.

Samantala, nakipagkilala na rin si Aling Linda kay Mr. Mathew at nagpasalamat ito sa pagpapahiram ng telepono nito sa kanya asawa noon. Parang artista namang nagpanggap ni Mr. Mathew na walang alam at parang walang tensyong nararamdaman towards Aling Linda.

“So, you have a son here?” masiglang tanong ni Mang Greg kay Mr. Mathew.

“Yes, I have. How about you?” tanong ni Mr. Mathew na nagdadasal ngayon na sana hindi pa dumating si James.

“You have a handsome boy and I have a beautiful girl.  Is he around? My daughter is, oh here she is.” Wika ni Mang Greg at nagulat naman si Devon sa nasaksihan na halos nakanganga na ito. Ngumiti naman si Devon ng mahimasmasan.

“Sir, this is my only daughter, Devon.  Devon, this is Mr. Reynolds. You may know his son. What’s his name sir.” Walang kamuwang-muwang na sabi ni Mang Greg.  Pinandilatan naman ni Aling Linda si Devon ng lingunin siya nito.

“His name is Robert James. Nice meeting you, Devon.” At inilahad ni Mr. Mathew ang kamay sa dalaga na malugod namang tinanggap ng huli.

“Oh, Linda! Picture tayo at baka hindi na natin makita uli si Mr. Reynolds.” Paanyaya ni Mang Greg at sinabihan din nito si Mr. Reynolds na magpapicture silang kasama ito at pumayag naman siya. Si Aling Linda naman ay parang walang nagawa at pinakiusapan si Mrs. Briones na kunan sila ng picture kasama ang ama ng kinasusuklaman niyang lalaki. Mukhang kailangan na ata niyang sabihin sa asawa ang buong kaganapan.

Habang si James naman ay naglalabas ng sama ng loob kay Brett sa loob ng bulwagan.

“If something happens, I’m telling you Brett, I’ll get even with that Trish. I’ll forget that she’s a girl.” Galit na wika nito sa bestfriend.

“Don’t be silly, dude.  Are you sure that they are now talking to your Dad because of Trish’s revalation? What’s there to reveal, anyways?” tanong ni Brett sa kaibigan.

“It’s complicated Brett and I don’t think we have time to discuss it right now. But I’ll tell you everything, I promise. I hate this, I can’t go out yet. Can you do me a favor and check if my Dad’s still talking to them?” tumango naman si Brett sa pabor na hinihingi ni James.  Binantayan ni Brett ang kaganapan sa labas at nang makita nitong umalis na ang pamilya Soriano ay sinabihan na nito si James.

“Dad, please spare me. I don’t want to hear it. Please, I’m begging you.” Bungad ni James nang puntahan nito ang ama na excited pa namang magkwento sa napaka-unexpected event na naganap.

“If you say so, son. I’ll keep my mouth shut. Let’s go, Brett’s father is inviting us at their place for dinner.” At inakabayan na nito ang anak at pumunta na kina Brett.

No comments:

Post a Comment