Saturday, May 28, 2011

Trial and Error: XLVII

Chapter 47

Hindi rin naman maitago ni Aling Linda ang excitement nang ipaalam ni Devon na engaged na sila. Naisip din ni Aling Linda na nasa tamang edad na ang dalawa para lumagay sa tahimik.

Kumpleto ang pamilya Soriano. Naisipan na rin ni Mang Greg na magretiro. Nagkukwentuhan sila sa sala at halatang may inaantay si Devon dahil di mapakale sa pagtingin sa orasan. Nang biglang tumunog ang doorbell ay dali dali itong tumayo at tinakbo ang gate na ikinagulat naman ng mag-asawa. Pero naging hudyat na rin iyon para sa mag-asawa na salubungin ang paparating na bisita.

Malugod na tinanggap ng pamilya Soriano sina James at Mr. Mathew sa kanilang tahanan at nagsimula na ang pamamanhikan.

“The wedding will be here in Davao. We will handle everything. I already have the suppliers but we will still get your inputs, don’t worry. This wedding will be Devon’s dream wedding.” Masayang wika ni Mr. Mathew.

“I’m okay with that, but let’s just stick with the budget. What’s your budget?” baling ni Aling Linda kay Devon na halatang kabado sa isasagot ng anak at nananalanging hindi sana mawaldas ang savings nilang mag-asawa.

“You don’t have to worry about that, Linda. We’ll also take care of that.” Sagip ni Mr. Mathew kay Devon at para namang nakahinga ng maluwag si Aling Linda.

“Are you sure about that, Matt? We can help with that but not that much.” Nahihiyang wika ni Mang Greg.

“No, no, I insist. The groom’s side should pay for everything, right? That’s just customary to do it that way.” Ngiting ngiting wika ni Mr. Mathew sa mag-asawang Soriano at napangiti narin ang mga ito.

“Okay, but where will the kids live? Will they be staying here in Davao or in Manila?” concern na concern na tanong ni Mang Greg at napapatango naman si Aling Linda.

“That’s basically up to them. What are you plans after the wedding?” baling ni Mr. Mathew sa magnobyong nagtanguan naman.

“My job is in Manila but I can definitely move here.” Wika ni James matapos makakuha ng signal galing kay Devon. Nagulat naman si Devons a sagot ng binata.

“No, we’ll all move back to Manila.” Pagkaklaro ni Devon sa sagot ni James. Nagulat naman sina Mang Greg at Aling Linda.

“Anong move back? Pano iyon e nabenta na natin ang bahay halos maglilimang taon na ang nakakalipas. San mo kami patitirahin dun, Devon?” naiinis na wika ni Aling Linda at hinawakan naman ni Mang Greg ang kamay ni Aling Linda para pakalmahin ito. Kinlear naman ni James ang kanyang lalamunan bago sumagot.

“Actually, Ma, I bought that house when I turned 21. I ask that as a gift from my Dad.” Pagsisiwalat ng binata na kahit si Devon ay namangha sa sinagot nito habang sina Mang Greg at Aling Linda ay napanganga sa pagkamangha sa sinabi ng binata, “So, anytime, you want to go back to Manila, you can stay in your old house.” Ngiting wika ni James. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

“If that’s the case, James, if you sell us back our home in Manila then we’ll agree on your proposal to move back there.” Ngiting wika ni Mang Greg na halos mabanaak ang pagkasabik nang malamang may pag-asa pa silang makabalik sa Maynila at sa dati pa nga nilang tahanan.

“If that’s what you want, Pa. But you can pay me whenever.” Ngiting sagot ni James at napaholding hands naman si Devon sa nobyo at pinisil pisil ang kamay nito na wari’y nagpapasalamat.

“That’s settled then. We’ll have the wedding in 4 months time.” Masayang wika ni Mr. Mathew at nagtanguan naman ang lahat.

2 comments:

  1. teh..may nag request na e.post q sa notes ung last 2 chap ng FF mo...ok lang sau?....di q naman aangkinin 2ng FF mo...fan kaya kita...hihingi na aq ng permiso sau hah....luv u!....ung last 2 chap lang naman...na.aawa naman aq sa naka mobile na si Angelica Fay Saniel...anu bang FB mo e.add kita...bilis...

    ReplyDelete
  2. di ko alam kung nakita ko ang sagot kong comment sa blog mo. Pero ulitin ko nalang dito since pwede na uli akong magcomment. GO! post mo lang.

    ReplyDelete