Monday, May 16, 2011

Trial and Error: XXIII

Chapter 23
“So, Devon’s in Davao.” Pagkukumpirma ni Brett kay James. Dumating ito matapos siyang tawagan ni James.

“I don’t know when she’ll come back. She won’t answer my calls.” Inis na wika ni James.

“I knew it! That wasn’t a flashlight. Devon has done it again.” Manghang wika ni Brett at nagpalingon naman kay James sa kanya.

“What flashlight? Yes, I gave her a cellphone so we can communicate with each other and now it doesn’t serve its purpose.” Frustrated na saad ni James sa kaibigan.

“Wait! Wait! So, you two are still together? James, again what were you thinking?!” napatayo sa kinauupuan si Brett.

“What can we do, Brett, we love each other.  I shouldn’t be saying this to you but what the heck. Just keep your mouth shut.”

“I’m sorry, James. I don’t keep secrets from Fretzie so I’m telling you she’ll know about this.” Saad ni Brett na ikinainis ni James. Iyon na nga ba ang kinakatakot ni James pero tiwala naman siyang kay Fretzie lang makakaabot ang balita.

“I’m worried sick that she might not come back. She told me the other night that his father knows what happened between us.  And to think I was so happy that his father knows my Dad. Now, I have another problem that they might bump into each other again and confront Dad about it. He doesn’t have a clue.” Dismayadong wika ni James at nakikinig lang si Brett.

“What’s the clue then?” biglang sabat ni Mr. Mathew. Natampal naman ni James ang noo at napaWHAT kay Brett.

“You really have a big issue with locking doors, dude.” Pagbibiro ni Brett.

Walang nagawa si James kundi sabihin sa ama ang lihim nito. Naintindihan naman ng ama nito ang parehong panig. Pinagsabihan na lang nito si James na antayin nalang na kontakin siya ni Devon at wag nang masyadong mag-alala dahil hindi rin naman nakakatulong iyon.

****
Nakahiga na si Devon sa kama niya pero kanina pa siya paikot-ikot dito. Pakiramdam niya’y katapusan na talaga nila ni James at hindi pa nakatulong na nakalimutan niyang dalhin ang cellphone. Naiyak nanaman siyang isipin ang mga nagaganap sa kanya pero kailangan niyang tanggapin ang kanyang consequence. Pero matiim siyang nanalangin na sana makayanan nilang magnobyo ang bago nilang sitwasyon.  Pinunasan ni Devon ang mga luha at inisip na makakablik pa siya ng Manila para makapag-paalam ng maayos sa mga kaibigan lalo na kay James kaya mamadaliin niyang matapos ang pagpasa ng requirements sa unibersidad na papasukan.

****
Kinabukasan ay kinausap ni Devon si ang pinsang si Kyra nang malamang namalengke ang mga matatanda.

“Kyra, may computer ka ba dito? Gusto ko sana kasing makita kung ano ang mga requirements na dapat kung ayusin.” Tanong ni Devon sa pinsan.

“Ah, oo may laptop ako. Tara sa kwarto ko.” Yakag ni Kyra kay Devon. Pagka-on at log-in ni Kyra sa laptop ay biglang may tumawag dito.

“Devon, kunin ko lang ang tawag na ito ha? Bahala ka na dyan paki shut down nalang pagkatapos mo.” At mabilis na lumabas si Kyra sa kwarto.  Parang may thinking bulb nanamang lumabas sa tuktok ng ulo ni Devon. Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan nito ang Yahoo account at mabilis na nagtype ng email.

Dear Baby,
I’m so sorry. Please don’t get mad, I left our cellphone in Manila. I’m using my cousin’s laptop, I’ll send you an email whenever I can.  I’m still unsure of when we’ll come back to Manila but I will let you know.  I miss you so much. I promise I’ll make it up to you once I get back. Please behave while I’m gone. I love you so much.

Always and Forever,
Your Devon

Pagkaclick ni Devon ng send button ay agad nitong nilinis ang browser cache at binuksan ang website ng eskwelahang papasukan.  Kumuha siya ng papel at inilista ang mga nakitang requirements.  Sakto namang pumasok si Kyra.

“Ano pinsan? Nakuha mo ba ang kailangan mo? Baka nagfefacebook ka iadd kita sa Farmville.” Masiglang wika ni Kyra at tumabi sa pinsan.

“Naku, wala akong facebook e.” sagot nito sa pinsan.

“Ganun? Akala ko pa man din mas nauuna ang mga taga-Maynila sa technology. Ngapala, wag mong sasabihin kila Mommy at Tita na pinagamit kita ng laptop ha? Makakagalitan ako kasi pinagbilin nilang wag ka munang pagamitin at baka daw kontakin mo ang dati mong nobyo.” Sabay siko nito kay Devon, “Pero wag kang mag-aalala kung gusto mong makontak ang dati mong boyfriend, sabihan mo lang ako. Medyo ganyan din kasi ang sitwasyon ko e. Naisip ko nga magpinsan talaga tayo.” Natatawang sabi ni Kyra na ikinatuwa naman ni Devon. Pero binilinan ni Devon ang sariling wag maging panatag dahil baka ginagamit lang ng Mama niya ang pinsan para mahuli siya. Kailangan niya pa ring mag-ingat.

”Kung may kailangan akong kontakin, Kyra, siguro iyong dalawang bestfriends ko. Kasi hindi nila alam na nandito ako e. Pero salamat.” Sagot ni Devon dito.

“Okay. Gusto mong magmall mamaya? Pwede kitang samahan.” Tanong ni Kyra at tumango naman si Devon.  Naisip ni Devon na kailangan na rin niya sigurong maglibot para masanay na siya sa lugar na lilipatan niya. Mabigat man sa kalooban niya ay dapat niya itong tanggapin.

No comments:

Post a Comment