Chapter 2
“Hoy, Ren! San ka nanaman galing? Yari ka, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo. Kaliit-liit lang nyan di mo pa madala. Siguro nag-aabang ka nanaman ng babae sa baba ano? Iba talaga ang style mo, bro!” pambubuska ni Kian kay Ren ng bumalik ito sa tinutuluyang bahay matapos iligtas at ihatid si Monette.
“Alam mo ikaw, para kang babae. Ang dami mong sinasabi. Nagpahangin lang ako, wag mo kong itulad sa mga taktika mo. Alam mong hindi ko prioridad ang pangchichicks.” Buwelta naman ni Ren na medyo napikon ng konti sa pakeelamerong kaibigan na si Kian.
Tatlo silang nagsheshare sa lumang apartment, ang isa ay si Anton na kasalukuyang nasa telepono at kausap nanaman ang demanding niyang girlfriend na si Candice. Nagkakilala silang 3 sa entrance exam sa isang university. Si Kian at Ren ay iisa ang pinapasukang University at parehong Civill engineering students pero si Kian ay graduating na, nalate lang ng konti si Ren dahil nawala ito ng ilang buwan at ni isa sa kanila ni Anton ay walang ideya kung san nagpunta si Ren nung panahong iyon. Pero walang nang-usisa, dahil kahit wala si Ren nun ay nagbabayad pa rin ito ng upa sa apartment. Malihim na tao si Ren di tulad nina Kian at Anton na masyadong mashowbiz ang buhay. Si Anton naman ay di nakapasa sa entrance exam noon kaya sa ibang University ito pumapasok, Culinary Arts ang kurso, pangatlong course na niya ito kaya halos sabay lang sila ni Ren gagraduate next year.
“Para nagsabi lang. Pikon mo talaga, bugnuting Ren.” Sagot ni Kian dahil sa naramdaman nitong di nagustuhan ni Ren ang naunang sinabi nito at ibinaling ang pangungulit kay Anton. “Anton, wag dyan!” pagboboses babae nito at halatang nangiinis at ipinaparinig sa kausap ni Anton sa kabilang linya. “Anton, ano ba? Tama na yan, nakikiliti ako!” sabay sapul sa noo si Kian ng tsinelas ni Anton at napatawa ang huli sa pagkakabulls eye nito sa kaibigan.
“Tado ka, Anton. Nakikipaglandian lang e.” gulat at halatang nasaktan si Kian na siya namang ikinahagalpak na rin ng tawa ni Ren.
“Yan, magtanda ka na. Ayusin mo kasi ang timing ng pagbibiro mo. Mamaya may importante palang pinaguusapan ung dalawa, nangungulit ka dyan.” Pagpapayo ni Ren kay Kian habang papasok ito sa kanyang kwarto para magpahinga.
“Opo, father Ren.” Sagot ni Kian sa nakatalikod nang si Ren, “Palagay ko bading talaga yang taong yan.” Mahinang sabi nito at dinampot ang tsinelas at ibinato pabalik ito sa kay Anton at kinausap, “Naghihinala na ako dyan kay Mr. Mysterious ha. La pa akong nakikitang pinormahang babae yan, may pa priority priority pang nalalaman. Mag-ingat tayo bro, baka tuhugin tayo nyan. Aray!” isang tsinelas nanaman ang tumama sa ulo ni Kian.
“Sira ka talaga! Antayin mo naman munang isara ko ang pinto ko bago mo yurakan ang pagkatao ko.” Sigaw ni Ren na nakangisi pagkatapos ibato ang isang pares ng tsinelas niya kay Kian.
“Kayong dalawa ha! Pinagkakaisahan nyo ko. Sige na, baba na lang ako para dun maghanap ng matinong kausap. The best talaga kayong friends, wala akong masabi” taas kamay na wika ni Kian sabay walk-out.
“Topak nanaman yong si Kian” sabi ni Anton kay Ren na pasara na ng pinto.
“Nakakaaliw din naman ang topak niya. Sige na magpapahinga na ako. Maaga pa ako bukas sa school. Kamusta kay Candice ha.” tugon ni Ren bago isara ang pinto ng kanyang kwarto.
“Sige, dude! Good night!” pagpapaalam ni Anton kay Ren, “Sorry, hon si Kian kasi”, wika naman ni Anton sa kausap sa kabilang linya.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa sa wakas makaka coment na aq!...nag loloko ang blog dis past few days kasi...kaya ngayon q lang to nabasa...inilagay q pala 2 sa scribes...weeeeeeeeeeeee da best ka talaga gumawa ng FF fwnd!....
ReplyDelete