Chapter 46
Papauwi na sila galing Mall pero nagtaka naman si Devon nang iba ang tinatahak nilang daan.
“Seriously, guys. Are we going to our old house?” wika ni Devon na hindi malaman kung maeexcite ba sa idea na makitang muli ang tahanang nagbigay ng lungkot sa kanya.
“Why not? We are just making a detour. We thought that you might have missed those places.” Wika ni Ivan. Hindi naman na umangal si Devon at hinayaan nalang ang mga kaibigan sa plano nitong detour nang bigla silang tumigil sa park kung saan nadurog ng dalawang beses ang puso niya.
“Come on, guys! Why this park? I could have one place removed from this earth, I’ll take that place anytime!” naiinis nang wika ni Devon. Pero deadma ang dalawang kasama at mabilis na bumaba si Fretzie sa sasakyan at nilapitan si Devon. Nagulat naman si Devon sa mabilis na pagkilos ni Fretzie at biglang nagdilim ang paligid.
“Bakit nyo ko piniringan? Kinakabahan ako sa ginagawa nyo. Bessy, ano ito?” takot na excited na wika ni Devon. Kinukutuban siya sa nagaganap pero ayaw niyang pangunahan ang mga kasama. Inalalayan siya ng mga ito at pinalakad nang bigla itong may marinig na tugtog mula sa string quartet. Pinakinggan niya ito ng maigi pero bago pa niya mahulaan ay tinanggal ang piring niya sa mata at tumambad sa kanya ang isang walk way na puno ng roses’ petals, paperbags na may kandila sa gilid ng walkway at papunta ito sa isang lamesa na nakaset up for two sa tapat ng park bench kung saan gumuho ang kalahati ng buhay niya noon pero biglang lumabas ang isang lalaking puno ng ngiti at magmamahal sa mga mata nito at tinanguan siya. Nangingilid ang mga luha niya’t lumapit ito ng dahan dahan sa binata at saka niya naalala ang awiting tumutugtog, Just the way you are, ang kanilang unang theme song bilang magnobyo nung sila ay highschool pa.
Mga kalahating dipa nalang si Devon at hindi natatanggal ang titig niya sa binata ganun din naman si James sa kanya ay bigla itong lumuhod. Napahawak naman sa dibdib niya si Devon, dahil ang pinapangarap niya’y tila matutupad na ngayon. Halos matapilok siya sa pagpunta sa nakaluhod na si James. Nang marating niya ang binata ay hinawakan ni James ang mga kamay nito.
“I know, there are a lot of bad memories in this place and I want to replace that with this.” Sabay bunot ni James sa bulsa sa kanyang pantalon ng isang maliit na red box at binuksan ito sa harap ng dalaga. Nagulat si Devon at nailagay ang dalawang kamay sa bibig nito. Iyon ang singsing na sinukat niya kanina. Nag-unahan nang lumabas ang mga luha niya sa kaligayahan.
“Devon May Soriano, will you give me the sweetest answer to this question? Will you marry me?” ngiting ngiting tanong ni James kay Devon at halos matunaw naman ang dalaga sa mga titig ni James. Kinakabahan naman si James dahil parang hindi makasagot ang dalaga. Napalunok naman si Devon para matanggal ang santol sa lalamunan niya.
“YES! I’ll marry you, Robert James Reynolds! Yes! Yes! Yes!” halos isigaw ni Devon ang sagot sa binata at iyon naman ang naging hudyat nito para isuot ang blue sapphire and diamond ring sa nanginginig na palasingsingan ni Devon. Bigla namang napaluhod na rin si Devon sa harap ng binata at niyakap niya ito at pinupog ng halik si James. Nag-iba naman ang tugtog ng string quartet at naging, Two is Better than one.
Inalalayaan naman ni James si Devon na makatayo at nagsilabasan ang kanilang mga kaibigan sa pinagtataguan ng mga ito at kinongratulate sila. Nagyakap silang lahat panandalian at iniwan na ang dalawa para pagsaluhan ang dinner na inihanda nila.
“You are one sneaky guy.” Natatawang wika ni Devon at pinisil pa ang ilong ni James.
“Are you really that surprised?” pagpapacute na wika ni James sa nobya. At matamis na matamis na oo ang sinabi ni Devon at hindi pa rin maialis ang mga ngiti nito sa kanyang mapula at manipis na labi.
“I told you, this smile will be just for you.” Wika ni Devon na puno nang kaligayahan.
“I know. I’m sorry for all the pain I’ve caused you. Thank you for giving us another chance and of course thank you for giving me your sweetest yes! I love you so much, Baby!” wika ni James at tumayo ito para aluking magsayaw si Devon.
Sa ilalim ng nagsisipagkinangang bituin ay sinayaw ni James si Devon. Naluluha silang parehong isiping nalagpasan nila ang pinakamamalaking dagok sa buhay nilang dalawa. Masayang masaya si Devon dahil kahit anong sakit nang nakaraan ay ito naman ang naging kabayaran sa lahat ng paghihirap niya. Pakiramdam niya’y sobra sobra siyang nagtagumpay. Si James naman ay ligayang ligaya dahil sa pagtanggap ni Devon sa alok nitong kasal.
Hinawakan ni James ang magkabilang pisngi ni Devon at tinitigan ito ng pagkalagkit-lagkit. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang muka sa nobya at inangkin ang mga labi nito. Tinugunan naman ni Devon ang nakakalasing na halik ni James at nang magkalas ang kanilang mga labi,
“Are you happy?” tanong ni James sa dalaga.
“I’m smiling now. So, yes, I am the happiest person in the world now.” Ngiting ngiting wika ni Devon.
“I swear, you’ll also be the happiest bride. I love you, Baby!” at ginawaran muli ni James si Devon ng isang matamis at mabilis na halik.
“I love you more, baby.” At nagkatitigan nanaman sila.
“Always and Forever.” Sabay na wika ng dalawa at nagkatawanan na sila.
waaaaaaaaaaaaa F-FOREVER JAEVON.....kakaiyak naman.......ang sweet naman ng proposal ni james.....weeeeeeeeeeeeewwwww
ReplyDelete