Chapter 8
Nakauwi na rin sa kanila si James. Hindi nito lubos maisip na hiwalay na sila ni Devon pero paninindigan niya ang binitawang pangako sa dalaga. Hindi niya gusto ang nangyari pero wala na silang magagawa. Inisip nalang niyang mabilis lang naman ang panahon at makikita pa rin naman niya si Devon sa school at napagplanuhan narin nilang dalawa kung san magkokolehiyo. SIguro dapat maging masaya na muna siyang malaman na ipinangako na ni Devon sa kanya ang kanyang Forever.
Sandaling kumain si James dala na rin nang walang kaganahan at pumanik na sa kwarto niya. Pagkahiga nito sa kama ay nakita nito ang box kung san naroon ang mga pictures na naipon nila ni Devon sa loob ng isang taon. Siya ang nagsilbing tagapagtago dahil legal naman sila sa pamilya ni James. Kinuha niya ito sa tukador at inilapag sa kama.
“James, you really are a masochist. ” nangingiting wika nito sa sarili habang kinukuha ang mga larawan sa box. Napapangiti siya sa bawat litratong nakikita, di niya alam kung bakit ganun na lang kasaya ang puso niya sa tuwing makikita niya ang magandang muka ng dalaga.
“James, James, James, Emo today, Son?” bungad ng ama ni James na si Mr. Mathew. “You miss her already? I thought you both go to the same school. Wait, why do you have a bruise on your face? Who did that” At tuluyan nang pumasok si Mr. Mathew sa kwarto ni James at umupo sa tabi niya sa kama.
Binigyan naman ni James ng kapirasong ngiti ang ama, “No, Dad. Just sorting some things. Yah, I was actually called to the Principal’s office. This is nothing, just some petty argument with some random guy at school. It won’t happen again. I promise.” Tugon nito at balik sa pagtitingin sa mga litrato.
“Just be sure to be careful next time. I don’t want you hurt though I know you can handle yourself.” Concerned na wika ng ama, “She really has a nice smile. I really love her complexion. I know you do too.” Wika ng ama nito habang hawak ang isang stolen shot ng dalaga na kuha ni James. “I didn’t know you kids still have those digital pictures developed. I thought you only post these pictures on web and that’s it. Guess old habits are hard to break.” Pakikipag-usap ng ama nito na parang nararamdaman ang dinadala ng binata. Di mawari ni James pero parang bawat bitaw ng salita ng ama niya ay may kurot sa puso niya tuald ng pagkakasabi nitong “break”.
“Spit it out, Dad. What are you trying to say?” hindi na nakapagpigil si James.
“Nothing, son. I was just wondering how are things with you and Devon. I haven’t seen her in awhile. You might want to invite her this weekend for lunch. Nice idea?” suhestyon ng ama na nagpalungkot naman kay James pero hindi nito pinahalata.
“We’re good, Dad. We’re good.” pagsisinungaling nito sa ama. Alam kasi niyang malulungkot din ito kapag nalaman ang nangyari dahil napamahal na rin si Devon sa kanya, “I don’t think she’ll be free this weekend. I heard that she has to do something with her mom. We don’t want to be caught, do we?” pagbibiro nito sa ama.
Natawa ang ama nito sa huli nitong sinabi. “I’m so convinced that this secret relationship that you and Devon has does work. Just be careful, if you were able to find the perfect timing to let her parents know, then grab that opportunity. You don’t want to mess with an angry mom.” Sabay tapik kay James at iaabot sana ang kaninang hawak nitong litrato ni Devon pero binawi,”Can I keep this, James? She’s like a daughter to me you know. I’m so fond of her.” Tumango naman si James pero nainis ito nang kaunti sa narinig mula sa ama, naisip tuloy nitong nahuli ang payo sa kanya,kung sana’y noon pa nito sinabi iyon edi hindi sila nauwi sa ganito ni Devon. Pero naisip pa rin nito si Devon, dahil malamang hindi rin ito papayag kung sakali dala ng takot sa ina. “Oh well, it’s done. We can’t do so much right now.” Bulong ng isip ni James.
“Let me know if you want those framed. I can work on that. So you won’t have to worry getting it out from that box and putting them back afterwards, I know you’re lazy.” At tumayo na ang ama nito sa mula sa kama at palabas na ng kwarto.
“That’s actually a good idea, Dad. I’ll pick those that I wanted framed in one and give it to you. Thanks Dad! Good night.” Pagpapaalam nito sa ama.
No comments:
Post a Comment