Friday, May 6, 2011

Trial and Error: II

Chapter 2:
Hindi malaman ni James kung san siya pupunta matapos ang insidente sa Soriano residence. Hindi mapakali ang isip nya sa kung ano ang nangyari kay Devon matapos nyang iwan ito sa kanila.

“This is all my fault. I shouldn’t have done that. What should I do?” kainakausap ang sarili habang papalapit sa kotseng ipanarada nya dalawang kanto mula sa bahay nina Devon.

“Damn! This is not a good first impression! How am I ever going to turn this thing around?” inis na sabi sa sarili at sabay paandar ng sasakyan. Biglang may naisip si James at kinuha ang phone at pinindot ang numerong pumasok sa isip nya.

“Hello, dude? Where are you? I need someone to talk to right now.” wika ni James sa kabilang linya.

“Dude! You don’t sound okay. I’m here at Fretzie’s place. You can come here, we’ll wait for you.” Tugon ni Brett na nasa kabilang linya. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Palibhasa parehong ibang lahi at parehong mahilig sa musika.

“I hope I won’t be disturbing you guys but thanks. I’ll be there in a few minutes” at ibinaba na ni James ang kanyang phone.

Nakarating si James a bahay nina Fretzie na tila hapong hapo. Nagulat naman ang magnobyo sa itsura ng kaibigan at pinatuloy ito at pinaupo. Kumuha naman ng maiinom si Fretzie at nagsimula nang magtanong si Brett.

“What happened, dude? Did you get into a fight?” concerned na tanong ng kaibigan.

“Dude, I’m in a big trouble and I don’t know how to straighten it out. I’m helpless right now and I don’t know if she’s okay or if I’ll ever gonna see her again.” Dirediretsong sagot ni James na ikinabago ng mukha ni Brett dahil hindi nya masyadong maunawaan ang sinasabi ni James pero alam nyang involved si Devon dito.

“Okay, first off please calm down” pangungumbinsi ni Brett na siya namang pag-abot ng inumin ni Fretzie kay James.

“How can I calm down, I left her there and I don’t know what she’ll do with her.” Paghihisterya ni James kay Brett na tila ginagawa na nyang shock absorber. Sumabat na si Fretzie sa usapan.

“Uy, wait! Devon ba ang problema dito? Anong nangyari? Tell us James.” Concerned na rin si Fretzie at halata nang di mapakali at tumabi sa kasintahang si Brett.

“Here’s what happened and please bear with me” sagot ni James at ikinwento nito ang naganap sa Soriano Residence. Mangha na medyo takot na nakikinig ang magnobyo at bakas na bakas ang pangamba ng dalawa para kay Devon sa mga nilahad ni James.

“Why didn’t you lock the doors?! What were you thinking! I’m sorry James, but that’s just stupid of you.” Mariing opinyon ni Brett na sya namang siniko ni Fretzie na waring nagsasabing hindi sya nakakatulong.

“I know it was stupid but like what I’ve said earlier, we didn’t intend for that to happen we we’re just supposed to be talking about resolving our problem and now we have an even BIGGER problem ahead of us. And I agree with you Brett,  we should have locked the door.” Hinaluan na rin ni James ng biro ang huling sinabi para mabawasan ang kaba nito.

“Naku, kamusta kaya ang Bessy ko? Bun, tawagan ko si Bessy, wait.” Siya namang kuha ng cellphone ni Fretzie at dial sa number ni Devon.

“Nag-riring na” wika ni Fretzie, “Hello, Bessy? Okay ka lang ba?” at biglang nag-iba ang mukha ni Fretzie na tila binuhusan ng malamig na tubig sabay sabi nang, “Okay po, Tita. Thanks po.” Bumaling ng tingin kina Brett and James at sinabing.

“Grounded daw si Devon at di pwedeng sumagot ng phone.” Saad ni Fretzie at nagpatuloy, “Siguro James, hayaan mo munang lumamig ang sitwasyon at feeling ko naman bukas papasok si Devon sa school try mong kausapin sya pero mukang galit talaga si Tita. Ano ba itong napasok nyo? Hindi ka pa nga pormal na napapakilala ni Bessy ganito agad ang nangyari. Sorry James.” At hinimas ang balikat ni James.

Ngumiti naman ng konti si James at nagpasalamat. At least alam nyang okay si Devon at kakausapin na lamang nya ito kinabukasan sa school.

“Dude, I think we have to go. It’s getting late and I don’t want Fretzie’s mom to think the same way as Devon’s” wika ni Brett na nagpasalubong ng kilay ni James pero naintindihan naman ni James ang gustong sabihin ng kaibigan kaya’t tumayo na rin ito.

“Fretz, thanks for calling Devon. If you hear anything from her tonight or perhaps tomorrow, please let me know. We’ll go now.” Pamamaalam ni James na bagsak pa rin ang pakiramdam.

Nagpaalam na rin si Brett sa nobya at sinabayan na si James palabas ng bahay nito.

Sa labas, bago maghiwalay ang dalawang magkaibigan.

“Dude, just let me know if you still need someone to talk to. We could still hang-out at my place but we won’t be staying late because we have class tomorrow” wika ni Brett na nakahawak na sa pinto ng kanyang kotse.

“No dude! I think that’s it for tonight. I’ve shared so much already and I’m thankful you’re here to listen. I’ll talk to you tomorrow. Bye!” at sumakay na ito sa kanyang sasakyan ngunit patuloy pa rin sa dasal na sana ay okay ang kanyang nobya.

Samantala sa kabilang dako, “Hindi ko matatanggap ang demonyong iyon! Bukas ay makikipaghiwalay ka sa kanya. Pupunta ako sa school nyo at kakausapin ko kayong dalawa. Kung di nyo tatapusin ang relasyon nyo ay papalayasin kita sa pamamahay na ito. Tignan natin kung hindi ka magtanda!” mariing pahayag ng ina matapos katukin si Devon sa kanyang silid. Tango na lamang ang naisagot ni Devon dala ng hiya sa ina na halatang kakatapos lang rin sa pag-iyak. “Walang hapunan ngayon, pagsilbihan mo ang sarili mo kung gusto mong kumain! Tumayo ka dyan sa kamang yan!” sabay hablot ni aling Linda sa kobre kama, “Hindi na kailanman gagamitin ang cover na ito! Susunugin ko ito kung  pwede lang pati yang kama mo nang sa sahig ka na matulog”. Tikhim pa rin si Devon at tinulungan nang alisin ang kobre kama pati ang punda ng unan.

“Palitan mo yan at siguraduhin mong hindi na mababahiran ng kalandian mo ang kamang yan!” wika ng inang binalikan nanaman ng ala-ala ng nasaksikan kaninang hapon. Masakit mang marinig iyon galing sa ina ay inintindi na lang ni Devon dahil kung siya man ang nasa lugar ng ina’y malamang ganun din ang masasabi’t mararamdaman niya.

“Sorry po talaga, Ma. Hindi na po mauulit.” Tinalikuran lang sya ni aling Linda at naninikip naman ang dibdib nya dahil alam nyang nasaktan nya ang ina. Sinunod na lamang niya ang ina at kumuha ng bagong kobre kama ata punda na siya nitong ipinalit sa kama.

“Promise Ma, I’ll prove to you that this won’t happen again and I won’t make you feel this way again” wika ni Devon sa sarili habang pinapalitan ang kobre kama. “Pano na kaya ito? Laking gulo ng pinasok namin.  Kamusta kaya si James? Ano nang mangyayari sa amin?” naluluha nanaman siya habang patuloy na kinakausap ang sarili. “Bahala na bukas!” sabay buntong hininga ng pagkalalim-lalim.

No comments:

Post a Comment