Monday, May 16, 2011

Trial and Error: XXIV

Chapter 24
“Of all the things that she could forget, why the cellphone?!” naitapon ni James ang unan sa inis sa nabasang email mula kay Devon. Nireplyan din naman nito ang sulat ng nobya at sinabing mag-aantay siya hanggang makabalik ito. Napatingala naman siya’t pinagmasdan ang mga picture nila sa frame na nakasabit na sa ibabaw ng kama niya.

“I love you so much and I’ll wait until you get back.” At ibinaba nito sa tabi niya ang laptop at tumayo na sa kama.

*****
Minadali talaga ni Devon ang pagsubmit ng requirements.  Mag iisang buwan na rin silang nasa Davao at kung nakakakuha ng pagkakataon si Devon na magamit ang laptop ng pinsan ay ini-email nito si James.  Kampate siyang nag-aantay ang nobyo sa kanyang pagbabalik pero hindi niya alam kung anong mangyayari kung malaman ni James na sa Davao ito mag-aaral. Walang gabing hindi natutulog ang dalagang hindi umiiyak sa kakaisip sa kung anong pwedeng mangyari.

“Devon!” bati ni Kyra sa pinsan na nanonood ng tv. Liningon naman agad ito ni Devon at nginitian siya.

“Dumating na ang resulta ng medical mo, di ba un lang ang inantay mo? Ibig sabihin makakauwi na kayo sa Maynila.” Wika ni Kyra habang umupo sa tabi ng pinsan. Gusto sanang magtatalon sa tuwa ni Devon pero wala pa siyang naririnig sa mga magulang kung makakauwi na nga sila. Kaya bumalik nalang siyang muli sa panonood ng tv.

“Anak, mag-ayos ka na ng gamit mo. Babalik na tayong Maynila bukas.” Wika ni Mang Greg sa anak. Hindi nito malaman kung anong mararamdaman nang makita ang ngiting puminta sa sa muka ng anak. Bigla namang tumayo si Devon sa kinauupuan.

“Thanks, Pa! Akyat na po ako’t mag-aayos na ng gamit. Kyra, samahan mo ako.” Sabay hatak kay Kyra papunta sa taas.

“Kyra, pwede ba akong makahiram ng laptop mo? Email ko lang ang Bessy ko.” Panunuyo ni Devon kay Kyra.

“Ayoko nga. Kanina deadma ka sa akin e.” kunwaring pagdadamot ng pinsan. Napapout naman si Devon sa sinabi ng pinsan na parang nagpapacute na ewan.

“Sige na. Jinojoke lang naman kita. Tara! Email mo na si James.” Pilyang bulong ng pinsan niya na ikinalaki ng mata ni Devon. “Oh, wag kang magulat. Minsan kasi nagmamadali ka siguro di mo nabura ung history. Hehehe!” wika nito na parang inaasar na ang pinsan sabay kurot sa tagiliran ni Devon.

“Please Kyra, kung anuman ang nabasa mo dun atin na lang iyon. Nagmamakaawa ako sayo.” Pagmamakawa ni Devon kay Kyra at kumindat naman ang huli sa kanya.

“Your secret’s safe with me. Tsaka di ako nagbabasa ng sulat ng may sulat, ano ka ba? Halika na baka umakyat pa ang mudra mong dragon. Hahaha!” at patakbo nilang tinungo ang kwarto ng pinsan. Lubos naman ang kagalakan ni Devon at pakiramdam niya’y nakuha na ng pinsan niya ang tiwala nito

****
“Yes!!!!” sigaw ni James at nataranta namang pumasok sa kwarto niya ang ama.

“Why? What?” gulong tanong ni Mr. Mathew sa anak.

“Dad! Devon’s coming home tomorrow. I.can’t.wait.” halos mapunit ang muka ni James sa ngiti nito. At namangha naman ang ama niya’t ginulo ang buhok ng binata na inis namang inayos nito pabalik sa dating ayos ang buhok.

“Should we ask Manang to put up a banner downstairs?” pangungulit ng ama nito.

“Funny, Dad! But not a bad idea.” Pagpatol naman ni James sa ama at nagtawanan na silang dalawa.

Nang dumating ang gabi ay hindi na mapakali sa James sa kama nito. Hindi niya maipaliwanag ang kagalakang nararamdaman dahil sobrang namiss talaga niya ang nobya.  Naisip nito ang magaganda’t mapupungay na mata ni Devon, ang makinis at morenang kutis niya at higit sa lahat ang mga ngiting nagpapaalis ng lahat ng problema niya, problema nila. Nakatulog si James na yakap ang isang unan at ngiting ngiti.

3 comments:

  1. _kinilig naman aq kay james...super luv nya c devon...weeeeeeeeeee....ganda talaga ng FF nato...kasing-ganda ng gumawa...:))

    ReplyDelete
  2. excited much JAMES :D


    para ako lang.


    lab it sis.

    ReplyDelete