Chapter 28
Oh her eyes, her eyes
Makes the stars look like they’e not shining…
“Why did you turn it off? I love that song.” Wika ni Rica na nakaupo sa passenger’s seat ng kotse ni James ng patayin nito ang radyo.
“That’s so old, hon. I don’t want to hear that song.” Iritang sagot ni James pero hindi nito nilingon si Rica.
“Geesh, you’re so childish. Why? Does it bring back old memories? Get over it, well you?” Pahalukipkip na wika ni Rica.
“Honestly, yes. Can we just drop this conversation?” sagot ni James na nagpaikot naman ng eyeballs ni Rica gang Cubao.
“Okay. Anyway, I’m going out with the girls tonight so you might as well make your own plans. But you behave, I don’t want to end up like Devon and get the greatest surprise of my life.” Pangisi-ngisi pang wika ni Rica with matching himas sa braso ni James. Parang nagpantig naman ang tenga ng binata sa narinig.
“Really? Special mention? What do you want?” singhal na wika ni James at tinitigan ng masama si Rica.
“What? I’m just merely reminding you.” Matapang na sagot nito kay James.
“Just go out with your friends, okay? You don’t have to drag Devon’s name in this conversation. What I did to her is horrible and not something you can use as a joke or whatever.” Inis na wika nito.
“Woah! Sorry! I didn’t know you still have strong feelings for that girl. You know what, just bring me home. I don’t feel like hanging out with you today.” Nainis na ring wika ni Rica na ikitinahimik naman ni James. Alam ni James na kahit papano ay may pagtingin pa siya kay Devon pero alam niyang wala nang mangyayari dun kaya patuloy niyang kinoconvince ang sarili na tama ang desisyon niyang napunta siya kay Rica. Kung tutuusin ay masaya din naman siya sa piling nito kahit minsan ay nagmumuka siyang driver dahil sa paghatid at sundo nito sa mga lakad ng dalaga. Pinupunan naman ni Rica sa ibang bagay ang pangangailangan niya na alam nitong hindi maibibigay ng dating nobyang nasa ibang lugar.
Mabilis nilang narating ang bahay ni Rica nang wala halos imikan sa biyahe. Nang tumigil ang kotse sa harap ng bahay ng dalaga ay mabilis na bumaba ito at binalibag ang pinto ng kotse.
“Shit!” munting mura ni James na halatang nairita sa inakto ng girlfriend. Minaneubra na nito ang kotse para makaalis at naisipang buksan uli ang radyo.
But there’s so much time, to figure out the rest of my life
And you’ve already got me coming undone
And I’m thinking two, is better than one….
Sabay patay ni James sa radyo. Pakiwari niya’y nananadya ang pagpaparamdam ng mga kanta nila ni Devon at bigla niyang napansin ang dashboard niya, June 2.
“Shit! It’s supposed to be our anniversary.” Mahinang bulong nito sa sarili at biglang nahampas ang busina ng kotse at natauhan ito.
“Forget her, James. You’ve hurt her so much. She will never forgive you.” Buntunghiningang wika nito sa sarili.
Naisipang tumambay muna ni James sa mall bago umuwi sa bahay nang may makita siyang pamilyar na pigura at nilapitan ito.
“Ivan?” alanganing bati nito sa nakatalikod na lalalki.
“Dude! Long time!” baling nito sa binata at nakipaghig-five nang mamukaan si James.
“Are you alone?” tanong ni James kay Ivan at biglang sulput mula sa likod ng huli ang isang babae.
“No, he’s not.” Sabat ng dalaga.
“Trish! Oh my god! You’re together again? That’s great!” gulat na wika ni James.
“Oh no, not yet. I’m playing hard to get.” Ngising wika ni Trish at tinitigan naman siya ng malagkit ni Ivan.
“Yes, we’re dating. So how are you? We haven’t talked in what feels like a decade already.” Ngising sambit ni Ivan at sabay tapik sa braso ni James.
“Huh! I know you are mad at me because of what happened between me and Devon.” Seryosong wika ni James.
“Oh you bet, we were but that’s like two years ago, dude. Devon’s doing really great and she’ll be graduating this October. All is well that ends well, I guess. What are you up to now? You still with Rica?” wika ni Ivan na nagpatango naman kay James. Si Trish naman ay matamang nakikinig sa dalawa.
“Glad you’re happy with her. Is Rica with you?” tanong ni Ivan at umiling naman si James na halatang ayaw pag-usapan ang dalaga.
“She’s going out with some of her friends tonight so I dropped her off in her house at Greenwoods.” Sagot nito kay Ivan.
“Wait! You mean your girlfriend is Rica Velasco of 345 St. Vincent st. Greenwoods?” manghang tanong ni Trish kay James na nagpagulat naman sa binata.
“Yes! You know her?” gulat na gulat na tanong ni James.
“Yes! She’s my dad’s business partner’s daughter. I’m confused, you are “The” boyfriend?” gulong gulong tanong ni Trish na naiiling sa naririnig.
“Yup! Why are you confused? We’re exclusively dating for two year now.” Tanong ni James na medyo kinabahan sa sinabi ni Trish. Pakiramdam niya’y wala talagang maidudulot na mabuti ang babaeng ito lalo na sa buhay niya.
“Oh nothing. I just hate that girl.” Bulalas ni Trish.
“That’s weird! So every girlfriend that I have, you hate?!” Nawiweirduhang wika ni James at medyo naguluhan na rin si Ivan sa naririnig.
“Okay, chill. Probably we can talk about this in a private place and not here where everybody can hear us?” pagsisingit ni Ivan at hinawakan na ang kamay ni Trish.
“I’m sorry, James. I didn’t even know you’re dating Rica. Unless, you’re that Adriane that she keeps telling us about. ” pagsisiwalat ni Trish na nagbigay ng isang malaking question mark sa muka ni James.
“Adriane? What are talking about, Trish. I don’t like what you’re saying right now.” Naiirita na si James at gulong gulo pa rin. Pakiramdam niya ay may nililihim ang girlfriend na si Rica sa kanya.
“Trish, stop it.” Babala ni Ivan dahil napapansin na nitong namumula ang tenga ni James.
“Come on! Me, again? Seriously? For all we know, I’m the key to that big question mark in your friend’s face.” Taas ang isang kilay na wika ni Trish.
“Ivan, it’s okay. I think your girl here has a lot of information for me. Should we take this to a nice coffeshop?” pagpapakalma ni James sa sitwasyon. Hindi niya mawari pero parang gusto niyang marinig ang anumang ikukwento ni Trish. Nahihiwagaan na rin siya dahil dalawang taon na sila ni Rica ay di pa nito nagagawang ipakilala siya sa pamilya na ang laging rason ay nasa business trip lagi.
****
“Gagraduate na ang anak ko sa October. Napakahusay mo talaga.” Bati ni Mang Greg sa anak na nasa salang nanonood ng tv.
“Oo nga po e. Salamat sa mga summer classes ko. Pwede na po akong magtrabaho by November.” Ngiting sagot ng dalaga sa ama at inalok ito ng chips na kinakain niya.
“Pakiramdam ko nga kaya ka nagsasummer class ay para mabilis mong makuha ang pinagkasunduan natin dati e.” saad ng ama na nagpakunot sa noo ni Devon.
“Di mo na naalala? Di ba may usapan tayo na hindi ka magnonobyo hanggang hindi ka pa tapos at kung matapos ka ay pwede mo nang mahalin kahit sinong gusto mo. Kahit iyong James pa na binigyan na ng nickname ng Mama mong demonyo.” Natatawang wika ni Mang Greg.
“Aysus! Nasa impyerno na po iyon.” Wika ni Devon at naitutop nito ang kamay sa bibig na wari’y nabigla sa lumabas dito. Namangha naman si Mang Greg sa sinabi ng anak.
“Ito naman. Edi kung hindi siya sa iba nalang. Ayoko namang maging matandang dalaga ka, gusto ko syempreng magka-apo at ikaw lang ang pwedeng magbigay nun sa akin.” Wika ng ama.
“Anong apo? Hoy, Gregorio! Tumigil ka ha, wag mong bibigyan ng ideya yang si Devon baka biglang umuwi yan dito na buntis. Magtapos ka muna ng pag-aaral mo ha saka na ang anak anak. Ayoko pang maging lola.” Biglang sulpot ni Aling Linda sa sala at natawa naman ang mag-ama sa hirit nito.
“Masyado kang advanced, Ma. Kalma lang. Wala pa nga po akong boyfriend e. Tsaka, opo magtatapos po muna ako ng pag-aaral.” Natatawa pa ring sagot ni Devon sa ina.
“Mabuti na iyong malinaw. Naninigurado lang ako.” Wika ni Aling Linda at sinaluhan na ang mag-ama sa panonood ng tv.
ahahaha anjan na naman si aling Linda na overprotective :D
ReplyDeletebelat sa'yo James mukhang iniiputan ka sa ulo na ng Rica mo. harharharhar
ikr! kailangan daw ni aling linda ng exposure. naiinip sa sideline. lol!
ReplyDelete