Chapter 30
“Congratulations!!!!” sigaw ng magbabarkada ng dumating si Devon galing sa Graduation rites. Halos himatayin si Devon sa panggugulat ng mga kaibigang galing pa sa Maynila. Naroroon si Jenny, Ivan, Trish, Ryan, Fretzie at Brett.
“Waaaaah!!! Thank you sa pagpunta!!!” at isa-isang nilapitan ang mga kaibigan at niyakap niya ang mga ito.
“Naku e mamaya na kayo magkwentuhan. Tara na at kumain at ihahatid na din naming kayo sa Pearl Farm.” Masayang paanyaya ni Mang Greg.
Nang matapos magsipagkain at magpahinga sandali ay tinungo na nila ang resort. Manghang mangha sila sa ganda ng lugar na napapasayaw si Ryan sa tuwa.
“This is the best sembreak!!!” masayang masayang wika ni Ryan habang nakaspread ang mga kamay at nakatingala sa langit.
“Let’s go!” sigaw nila ng sabay sabay.
“Wait, Anak. Iwan ko na kayo ha. Magsipagbehave kayo. Sunduin ko nalang kayo bukas ng umaga.” Wika ni Mang Greg at nagpaalam na rin sa lahat at niyakap naman siya ng anak at nagpasalamat sa regalo nito.
Nag-ayos na sila ng kanilang gamit. Nagbeach, kumain, at tumambay sa shore ang activity nila buong maghapon. Kinagabihan ay naisip nilang magbonfire sa tabing dagat at naglatag sila roon.
“Congratulations, Devy! You made it.” Masayang wika ni Ivan habang nakapalupot ang mga kamay kay Trish na ngiting ngiti.
“Korek! Maraming salamat talaga sa pag-punta nyo. Akala ko nagjojoke kayo e. Group hug!” wika ni Devon at naggroup hug ang magbabarkada. Matapos ang group hug ay pumwesto na sila sa isang bilog.
“So, Devon. Do you have plans of going back to Manila to work there?” tanong ni Brett na nakaakbay kay Fretzie.
“Naku! Hindi dito ako magtatrabaho. Wala naman na akong babalikan dun e.” wika ni Devon at napatingin naman ng pagkatalim-talim sa Kyra sa pinsan.
“What if there still is someone waiting there for you?” tanong uli ni Brett.
“Naku! Ako nang sasagot! Hindi naman siguro tanga ang pinsan ko. Kung bumalik man yan sa Maynila e un e para magtrabaho hindi para hagilapin ang walang kwentang lalaking iyon.” Inis na wika ni Kyra at napatingin naman lahat sa kanya na parang naiinis sa pagsabat nito. “Wag nyo kong tignan ng ganyan. Kung nakasama nyo lang si Devon pagkatapos ng nangyari sa Maynila, maiintidihan nyo kung bakit ako ganito kaprotective.”
“We know, Kyra. But we want to know Devon’s answer and not yours.” Ngiting wika ni Brett sa pinsan ni Devon. Napataas naman pareho ang kamay ni Kyra tanda ng pagsuko at inantay na sumagot ang pinsan.
“Sa totoo lang. Hindi ko alam. Sobra kasing sakit e. Tsaka, wala na talaga. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila ni Rica.” At napanganga ang lahat sa huling sinabi ni Devon.
“Wait a minute! What family are you talking about? Please clarify!” windang na wika ni Trish na napatayo pa sa narinig at nakapamewang na ngayon.
Napatingin naman si Devon sa lahat,“Rica came here last June and told me she’s pregnant and it’s James’. So I assume they are having a family now.” Kweestyonableng wika ni Devon.
“Whoa! Rica’s not pregnant! I just saw her three days ago clubbing. I don’t think a pregnant woman will be smoking and drinking at the same time.” Mabilis na resbak ni Trish at napakunot na ang noo ni Devon.
“Yah! I know James is single now.” Wika naman ni Ryan. “Right, Jenny? Plus, I heard since he broke up with Rica, he doesn’t go out that much.” Pagtatapos ni Ryan pero hindi siya sinagot ni Jenny sa kanyang tanong.
“Rica and James broke up because of me.” Pagmamayabang ni Trish na ikinagulat ng lahat maliban kay Ivan na tumango pa sa sinabi ni Trish.
“Don’t look shocked. I personally know Rica and I told James Rica’s secret. She’s dating multiple guys at the same time. Her parents knew she has a boyfriend but it’s not James. That’s why James broke up with her. ” ngiting ngiting pagpapaliwanag ni Trish.
“Wait! Sandali. Baka naman binibigyan nyo pa ng hope itong pinsan ko. Maaawa naman kayo.” Wika ni Kyra.
“Kyra, your cousin is old enough to make her own decision. We’re not here to convince her or anything. Devon, what’s with your cousin?” Wika ni Ivan.
“Hoy! Nagsasabi lang ako ng opinyon. Sige na, tatahimik na. Ikaw naman kasi magsalita ka, nabubwisit na tuloy sa akin ang mga barkada mo.” Sabay siko nito kay Devon.
“Hindi ko nga alam. Naguguluhan ako. Siya ang nakipaghiwalay sa akin. Kung miserable siya ngayon, tama lang sa kanya iyon. Basta tapos ang usapan, dito ako magtatrabaho hindi sa Maynila. Dadalawin ko nalang kayo sa doon kung may oras ako.” Ngiting sagot ni Devon. Pero hindi nito maalis ang pagsisiwalat ni Trish ng katotohanan.
“Pero sana Besy, makaluwas ka sa Manila next year mga June.” Masayang wika ni Fretzie na napahawak kay Brett.
“Bakit anong meron sa June? Wala namang may birthday sa atin ng June.” Wika ni Devon.
“Brett and I are getting married!” excited na wika ni Fretzie at pinakita ang kanina pang tinatagong singsing.
“Oh my gosh! Ako nalang ba ang hindi nakakaalam?” napatayong tanong ni Devon at tumango ang lahat maliban kay Kyra. Sabay lapit naman nito kay Fretzie at niyakap siya. “Congratualtions din pala sa inyo. Naku Brett wag kang tutulad sa bestfriend mo ha. Wag mong paiiyakin ang Bessy ko. Pektus ka sa akin. Congrats uli. Promise di ako mawawala dun.” Tumango naman si Brett.
“Sabihan nyo ako ng exact date para iyon ang unang una kong leave sa magiging trabaho ko.” Ngiting wika nito.
At nagkakwentuhan na nga ang magbabarkada at nagsalo rin sa inuman. Di na nila namalayan ang oras dahil sa kakulitan na ginagawa nila. Magaalas-dos na ng hating-gabi ng magkayayaang pumasok sa kanilang cottages. Pero inantay ni Fretzie si Devon bago ito pumasok sa sariling cottage.
“Kyra, pwede ko bang makausap saglit si Devon. Namiss ko lang kasi siya.” Pakiusap ni Fretzie kay Kyra na mistulang gwardya sibil ni Devon buong gabi.
“Ay oo naman! Matutulog na rin ako, di ko kinaya ang powers ni Ryan plus medyo tipsy na. Salamat sa masayang kwentuhan at congrats uli.” Pamamaalam ni Kyra at pumasok na ito sa cottage.
“Anong meron, Bessy?” nakakalokong ngiti ni Devon sa kaibigan. Halata nang may tama si Devon.
“Lasing ka.” Panunukso ni Fretzie kay Devon at ngumuso naman si Devon sa kanya, “Haha! Ang cute mo. May sasabihin sana ako sayo.” Pagseseryoso ni Fretzie.
“Tsk! Ikaw talaga pasuspense pa. Ano un?” makulit na bulong ni Devon.
“May iba pa kasi kaming kasama, Bessy.” Bulong ni Fretzie.
“Naku, bakit di ko nakikita? Mumu ba iyan? Wag kang manakot mawawala ang tama ko nyan.” Mahinang bungisngis ni Devon.
“Tara. Nandun sa may dalampasigan. Gusto ka lang niyang makausap kahit sa huling pagkakataon daw. Nagdadrama e kaya sinama namin. Kanina pa siya nandito sa resort.” At niyakag na ni Fretzie si Devon sa may dalampasigan.
Kahit tipsy ay naaninag ni Devon ang likod ng lalaking nakaharap sa dagat. Natigilan ito na parang natauhan at nawala ang tama ng alak. Napatingin naman si Fretzie sa napatigil na Devon.
“Tara. Promise, last nyo na tong pag-uusap.” Pangungumbinsi ni Fretzie. Di naman malaman ni Devon ang dahilan bakit siya tumigil at di pa rin kumikilos kahit na nagsalita ang bestfriend niya. Di niya malaman kung natatakot ba siyang harapin ang lalaki dahil baka iyon na talaga ang huli nilang pag-uusap o baka dahil natatakot siyang malamang wala na talaga siyang nararamdaman para sa lalaking iyon. Pero malakas si Fretzie at natangay nito si Devon na tulala pa rin sa kakaisip.
No comments:
Post a Comment