Friday, May 6, 2011

Trial and Error: III

Chapter 3
Maagang dumating sa school si James at halatang puyat at nag-aalala ito.  Ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa classroom ni Devon pero wala pa rin ang dalaga.

“Hey, James! It’s so unlikely of you to be this early? You’re trying to surprise Devy?” tanong ni Ivan na papasok sa classroom nila ni Devon.

“Good morning to you too, Ivan! No, I’m not here to surprise my Baby. I just happen to be early.” Iritableng sagot ni James.

“Chill! I’m just trying to make a conversation and looks like you’re not in the mood. Sorry about that. I’ll go ahead.” Taas kamay na wika ni Ivan at pumasok na sa classroom.
Magkaibang section si James at Devon pero dahil pareho silang kasali sa Glee Club ay nagkakilala at nagkamabuti ang dalawa. Samantalang si Ivan at Devon ay simula 1st year highschool ay magkasection na at magkasama pa sa Dance Troupe.

Paruo’t parito pa rin ang drama ni James na muntik pa ngang matisod ng bato. Unti unti na ring kumakapal ang dami ng estudyante sa campus at umiingay na rin.

“God, please let her come to school today.” Kinakausap ang sarili habang papasok sa sarili niyang classroom.  Magsisimula na kasi ang first class kaya halos kumpleto na ang klase. “I’ll probably check on her after this class” sa isip-isip ni James.

Dumating ang teacher nila at nagsimula nang magturo pero si James ay hindi makapagconcentrate sa klase buti nalang at hindi siya napapansin. Ilang beses na rin siyang pasilip-silip sa bintana at relo nang biglang.

“Excuse me Sir, I don’t think I understand the theory. Can you please repeat that one more time from the top, once again?” saad ni Ryan na mukang tinutopak nanaman. Ganito kasi talaga si Ryan pagnababato kung anu-ano ang naiisip. Na siya namang ikinatawa ni James, “Ryan is really something.” Wika nito sa sarili sabay tapik kay Ryan at nagthank you. Kung alam lang ni Ryan ang nagawa nito para mapagaan ng konti ang nararamdamang kaba ni James.

“What?! Are you kidding me, Mr. Lah? Can someone in his right mind tell Mr. Lah that what’s he’s asking from me is impossible? Who’s your English teacher? I think I need to tell her to teach you the meaning of redundancy!  You are impossible!” panggigigil na sagot ng History teacher nila at nagpatuloy sa pagdidiscuss.

Ngumingisi naman tong si Ryan na feeling fulfilled sa nagawa at least nabuhayan ang klase dahil hanggang ngayon may ilan pa ring pigil na tumatawa sa mga upuan nila.

Nagpatuloy ang klase at after what felt like forever for James ay natapos ang first class. Dali-daling tumayo si James at lumabas patungo sa classroom ni Devon. Saktong paglabas niya ay nakita niya si Devon na papasok na sa classroom. Ngiting ngiti na parang natanggalan ng tinik si James ng makita si Devon. Hinabol ni James si Devon para pigilan itong pumasok.

“Baby, wait! I’m so glad you’re here” wika ni James sabay hawak sa kamay ng dalaga.

Di naman malaman ni Devon kung pano aakto sa boyfriend pero sumagot na rin siya, “Yes, I’m here late nga lang. Nga pala, Mom will be here probably by recess time. She said she wants to talk to us.” Parang walang nangyari sa tugon nito.

Nawala ang mga ngiti ni James at binalot nanaman siya ng kaba. “Oh okay. But I’m glad you’re okay, I was worried sick last night and…” di na natapos ang sinasabi ni James at pinutol siya ni Devon. “I need to go inside na James. Let’s meet up by the garden at 10:00am. My mom will be there. Talk to you later.” At tuluyan nang pumasok sa classroom si Devon. Bumalik na rin sa silid nila si James at nagsimula na ang next class nila.

“I have to do this. If it means sacrificing my love for you to regain back Mom’s trust, I’ll do it.” Pilit na pinipigilan ni Devon ang mga luha habang isinasa-isip ang mga katagang iyon.

2 comments:

  1. _ganda teh!.....bat ngaun mo lang na post sa scribes.....weeeeeeeeeeee

    ReplyDelete
  2. salamat :) 2 chapters palang kasi siya dati. di ko alam kung magugustuhan nyo. feeling ko kasi masyadong dragging iyong story. pero salamat sa pag-appreciate :)

    ReplyDelete