Monday, May 23, 2011

Trial and Error: XXXVII

Chapter 37

Tumuloy sila sa hotel pagkagaling sa ospital. Diretsong tumuloy si Devon sa banyo at nagsara ng pinto. Doon niya inilabas ang lahat ng luhang kanina pa niya pinipigilan. Umupo siya sa gilid ng bathtub at hinawakan ang tyan.

“Anak, pasensya ka na ha. Kailangan kitang pakawalan ngayon para makasama pa ni Mommy ang Daddy mo. Promise di ka naming makakalimutan. Para sa akin ikaw ang una ni Mommy.” Mahinang bulong nito habang umaagos ang luha niya. Pakiramdam niya nang sandaling marinig niya ang munting pintig ng puso ng anak ay naging ina siya pero sandaling sandal ay binawi iyon agad sa kanya. Napahagulgol na siya at kahit anong katok na gawin ni James sa pinto ng cr ay hindi niya pinapansin.

Di naman malaman ni James ang gagawin sa nobya. Alam niyang mahirap ito para kay Devon pero ganun din naman sa kanya. Nung sabihin ng doctor na buntis si Devon at hindi lang gumana nang maayos ang pregnancy test ay sobrang saya na niyang isiping magiging tatay siya lalo na nung marinig niya ang heartbeat ng magiging anak sana nila. Napaupo nalang si James sa sahig malapit sa pinto ng cr.

“Baby, please come out. I’m still here. We can get through this.” Wika ni James mula sa labas. Naging signal naman ni Devon iyon para pakalmahin ang sarili. Batid niyang nahihirapan din si James sa pangyayari. Tumayo na ito at naghilamos at lumabas ng banyo.

Nagulat siyang makita si James na nasa sahig pero sinamahan niya ito doon at umupo sa tabi nito.

“I’m sorry.” Mahinang wika nito kay James at nangingilig nanaman ang luha. Niyakap naman siya ni James mula sa likod at inilagay ang ulo nito sa pagitan ng balikat at leeg ng nobya.

“It’s nobody’s fault, Baby. It’s not yet our time to have a baby. But we still have a lot of time to make more babies. I love you.” Wika nito at hinawakan ng isang kamay ni Devon ang pisngi ni James.

“I love you too. Ganun pala ang feeling ano? I could’ve been a mom now.”

“And I could have been a dad. But I know we’ll both be, in time.” Malambing na wika ni James sabay halik sa leeg nito. Hinarap naman siya ni Devon at niyakap ng mahigpit.

“Thank you for being there for me, Baby.” Bulong nito sa binata at ginawaran ng halik sa pisngi.

“I’ll always be here for you. So, don’t be sad anymore. I know our angel will understand why we’re doing this.” Wika ni James at hinalikan sa noo ang nobya. “Let’s have dinner so you can drink your medicine.” Yakag nito kay Devon at tumayo na sila pareho sa pagkakasalampak sa sahig.

Nagsalo sila sa hapunan, pinilit ni Devon na maging okay para kay James pero mababanaag pa rin ang lungkot dito. At sa tuwing mapapansin ni James iyon ay hahaplusin naman niya ang pisngi ni Devon at ngingitian naman siya ng huli.

Sa hotel na rin natulog si James at sinamahan si Devon. Nang maghahating gabi na ay nagising si Devon at naluhang isiping unti-unti na niyang tinatanggalan ng pintig ng puso ang dinadala niyang sanggol at nakatulugan na niya ang pagluha.

No comments:

Post a Comment