Monday, May 30, 2011

Falling Slowly: Three

Chapter 3
“Susmeyo! Muntikan na, dyosa!” pagmamaktol na sabi ni Monette pagkadating sa boarding house na tinutuluyan. Habang ang kaibigang si, Lenny na kung tawagin nito ay dyosa, ay naglilinis ng kuko malapit sa bintana ng kanyang kwarto.

Maganda si Lenny, maputi at makinis. Samantalang si Monette, ay may angking kagandahan din at kayumanggi ang kulay. Di nga lang pala-ayos itong si Monette tulad ni Lenny na kikay pero kahit simple siya ay lutang pa rin ang natural na kagandahan nito.  Magkababata si Lenny at Monette, magkaiba ang kinagisnang buhay pero magkasundo sila. Naninilbihan ang pamilya ni Monette kina Lenny sa probinsya nila. Pero gayun pa man hindi naging handlang sa pagiging magbest friends nila ang estado nila sa buhay. Kaya nung magkokolehiyo na si Lenny ay pinakiusapan niya ang Papa niya na ipasama si Monette sa kanya sa Maynila para makapagtapos din ito sa kolehiyo tulad niya.  Tinulungan ng Papa ni Lenny si Monette na makakuha ito ng exam para sa scholarship.  Swerte namang nakapasa si Monette kaya sila magkasama ni Lenny sa boarding house na pagmamay-ari ng huli. Hindi naman tinatratong katulong ni Lenny si Monette sa boarding house dahil may sarili siyang katulong pero sadyang masipag si Monette at dala na rin siguro ng utang na loob ay pinagsisilbihan rin niya si Lenny kung hindi siya busy.  Tumatanggi si Lenny pero mapilit si Monette kaya hinahayaan nalang niya ito.

“Bakit? Anong ganap sayo?” pagbabaklang wika ni Lenny na panay pa rin ang kutkot sa kuko.

Kinuha naman ni Monette ang mga gamit panglinis ni Lenny pati na rin ang paa nito at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ng kaibigan.

“Naku kasi, kanina muntikan akong marape!” panimula nitong kwento kay Lenny na siya nitong ikinagulat.

“Gaga ka! Seryoso ka ba dyan? E bakit parang hindi ka naman natrauma o ano man? Details please.” Wika ng kaibigang nawindang sa sinabi ni Monette.

“Di naman kasi talaga natuloy kaya nga muntikan. SInagip kasi ako ni prince charming.” Sabay angat ng muka ni Monette at kindat kay Lenny.

“Ahuh! So, tinuloy mo pala ang pagdaan sa kanila! Iba ka talaga, friend. Talagang pagmay ine-aim ka, kahit ano pa yan, talagang ginagawan mo ng paraan para maachieve. Clap clap clap” manghang wika ni Lenny. “Pero teka, ikwento mo nang buo. Ikaw nang on stalker mode kanina.” Pagpapatuloy nito.

“Ganito kasi ang buong kwento, dyosa. Pagkatime-out ko talagang minake-sure ko na papauwi na rin siya at di siya ang natoka for closing. Pagkaalis niya, mga 15 minutes sumunod ako” at ikinuwento ni Monette ang buong pangyayari kanina habang patuloy na kinukulayan ang kuko ng kaibigan. Habang si Lenny naman ay panay ang mustra na kinikilig siya sa tuwing mababanggit ni Monette ang pangalan ni Prince Charming.

“Makulit pala siya, dyosa. Kala ko kasi tahimik ganyan. Nakakaintriga kasi ung pag-uugali niyang un. Kaya siguro ako nahulog sa kanya at muntikan pang mawala ang pinagkakaingatan kong kayamanan para lang mapansin niya” masayang paglalahad ni Monette habang hinihipan ang pinapatuyong kuko ni Lenny.

“Naku, friend ha. Ibang level na yan. Pero ang galing mong tumayming ano? Siguro, itinadhana na rin talaga un, kumbaga ayun sa libro ni Paulo Coelho, the universe conspires to make it happen. Ang cute!” kilig na saad ni Lenny sa kaibigang nakayuko pa rin pero halatang kinikilig rin.

“I know right?! Kaya love ko ang “The Alchemist” e. Nagpapatotoo siya sa buhay ko. Chos!” pagbibirong tugon ni Monette. “Ayan, tapos na ang mga kuko mo. Ganda talaga ng paa mo, well, di lang paa kundi ang iyong buong pagkatao. Walang halong char iyon dyosa.” Sabay kulbit sa tagiliran ng kaibigan at tumayo sa pinagkakaupuan.

“Loka ka talaga, monmon! Kaya love na love kita e. So ano na ang susunod mong plano?” pang-uusisa ni Lenny sa kaibigan.

“Siguro naman, dyosa with that experience e pwede ko na siyang kausapin pag nasa trabaho kami. Para di na niya ako nahuhuling nakatitig lagi sa kanya.” Tugon ni Monette na parang pati sarili niya e kinoconvince niya sa sinasabi niya.

“What? Bakit ka naman nagpahuli?. Kaloka ka talaga. Ngayon ko lang nalaman na natutulala ka din pala sa lalaki. Pero naku, friend, hinay-hinay lang ha. Baka sobra kang matuwa maiuwi mo iyon dito. Magagalit ang nanay mo.” Pagpapaalala ni Lenny sa kaibigan,”Kung magkakataon, friend. First boyfriend mo ito” kinikilig na pagdudugtong nito.

“Hoy, Lenny, umayos ka! Wala pa nga e baka mabati mo. Hahaha!” natatawang sabi ni Monette na medyo nananalanging sana’y magdilang anghel ang kaibigan.

“O sya, hahaba nanaman ito. Mag-aayos na ako’t matutulog na. Salamat sa pakikinig ha. I love you, dyosa!” pamamaalam nito sa kaibigan at niyakap siya nito, “Salamat sa paglilinis ng kuko ko, you didn’t have to pero ginawa mo pa rin. Love you din! Good luck kay Prince Charming ha. Sa susunod uling kabanata. Sana iyong mas exciting iyong may PG rating naman para maiba lang.” tukso ni Lenny na natatawa na rin sa pinagsasabi niya.

“Pasaway ka talaga. For now, ipapaubaya ko muna sa’yo ang PG rating baka ikagunaw ng mundo mo pagnakipagsabayan ako sa’yo” pagbibiro nito sa kabigan sabay hagalpak naman ng tawa ni Lenny.

“O sige na, ikaw tong ayaw pahabain pero napakaraming sinasabi. See you tomorrow. Matulog ka sana ng mahimbing” huling hirit ni Lenny bago lumabas ng kwarto niya si Monette.  Natutuwa siya sa kaibigan dahil kailan lang nagsimulang magkwento ito tungkol sa lalaki. Naisip niyang itinataon talaga ni Monette ang mga bagay bagay tulad ngayon na graduating na sila. Kaya mataas din ang pagtingin nito sa kaibigan.

Falling Slowly: Two

Chapter 2
“Hoy, Ren! San ka nanaman galing? Yari ka, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo. Kaliit-liit lang nyan di mo pa madala. Siguro nag-aabang ka nanaman ng babae sa baba ano? Iba talaga ang style mo, bro!” pambubuska ni Kian kay Ren ng bumalik ito sa tinutuluyang bahay matapos iligtas at ihatid si Monette.

“Alam mo ikaw, para kang babae. Ang dami mong sinasabi. Nagpahangin lang ako, wag mo kong itulad sa mga taktika mo. Alam mong hindi ko prioridad ang pangchichicks.” Buwelta naman ni Ren na medyo napikon ng konti sa pakeelamerong kaibigan na si Kian.

Tatlo silang nagsheshare sa lumang apartment, ang isa ay si Anton na kasalukuyang nasa telepono at kausap nanaman ang demanding niyang girlfriend na si Candice. Nagkakilala silang 3 sa entrance exam sa isang university. Si Kian at Ren ay iisa ang pinapasukang University at parehong Civill engineering students pero si Kian ay graduating na, nalate lang ng konti si Ren dahil nawala ito ng ilang buwan at ni isa sa kanila ni Anton ay walang ideya kung san nagpunta si Ren nung panahong iyon. Pero walang nang-usisa, dahil kahit wala si Ren nun ay nagbabayad pa rin ito ng upa sa apartment. Malihim na tao si Ren di tulad nina Kian at Anton na masyadong mashowbiz ang buhay.  Si Anton naman ay di nakapasa sa entrance exam noon kaya sa ibang University ito pumapasok, Culinary Arts ang kurso, pangatlong course na niya ito kaya halos sabay lang sila ni Ren gagraduate next year.  

“Para nagsabi lang. Pikon mo talaga, bugnuting Ren.” Sagot ni Kian dahil sa naramdaman nitong di nagustuhan ni Ren ang naunang sinabi nito at ibinaling ang pangungulit kay Anton. “Anton, wag dyan!” pagboboses babae nito at halatang nangiinis at ipinaparinig sa kausap ni Anton sa kabilang linya. “Anton, ano ba? Tama na yan, nakikiliti ako!” sabay sapul sa noo si Kian ng tsinelas ni Anton at napatawa ang huli sa pagkakabulls eye nito sa kaibigan.

“Tado ka, Anton. Nakikipaglandian lang e.” gulat at halatang nasaktan si Kian na siya namang ikinahagalpak na rin ng tawa ni Ren.

“Yan, magtanda ka na. Ayusin mo kasi ang timing ng pagbibiro mo. Mamaya may importante palang pinaguusapan ung dalawa, nangungulit ka dyan.” Pagpapayo ni Ren kay Kian habang papasok ito sa kanyang kwarto para magpahinga.

“Opo, father Ren.” Sagot ni Kian sa nakatalikod nang si Ren, “Palagay ko bading talaga yang taong yan.” Mahinang sabi nito at dinampot ang tsinelas at ibinato pabalik ito sa kay Anton at kinausap, “Naghihinala na ako dyan kay Mr. Mysterious ha. La pa akong nakikitang pinormahang babae yan, may pa priority priority pang nalalaman. Mag-ingat tayo bro, baka tuhugin tayo nyan. Aray!” isang tsinelas nanaman ang tumama sa ulo ni Kian.

“Sira ka talaga! Antayin mo naman munang isara ko ang pinto ko bago mo yurakan ang pagkatao ko.” Sigaw ni Ren na nakangisi pagkatapos ibato ang isang pares ng tsinelas niya kay Kian.

“Kayong dalawa ha! Pinagkakaisahan nyo ko. Sige na, baba na lang ako para dun maghanap ng matinong kausap. The best talaga kayong friends, wala akong masabi” taas kamay na wika ni Kian sabay walk-out.

“Topak nanaman yong si Kian” sabi ni Anton kay Ren na pasara na ng pinto.

“Nakakaaliw din naman ang topak niya. Sige na magpapahinga na ako. Maaga pa ako bukas sa school. Kamusta kay Candice ha.” tugon ni Ren bago isara ang pinto ng kanyang kwarto.

“Sige, dude! Good night!” pagpapaalam ni Anton kay Ren, “Sorry, hon si Kian kasi”, wika naman ni Anton sa kausap sa kabilang linya.

Falling Slowly: One

Chapter 1
Malalim na ang gabi, mag-isang naglalakad si Monette papauwi sa boarding house na tinutuluyan. Kagagaling lang nito sa kanyang part time job sa isang fast food chain. Graduating sa kolehiyo si Monette, isang skolar at working student. Mamamangha ka nga’t napagsasabay nito ang trabaho at eskwela kaya laking tuwa ng kanyang mga magulang dahil isang semester na lang ay makakapagpatapos na sila ng isa sa 3 nilang anak. Architecture ang kurso niya, bata palang nakahiligan na nitong magdrawing at magdesign ng mga bahay sa isang 1 whole sheet of pad paper.  Hanggang ngayon, naitago pa rin nito ang isang disenyo ng bahay na gawa niya nung 15 yrs old pa lamang siya, dream house niya daw un.

Napukaw ng pansin ni Monette ang dalawang aninong tila sumusunod sa kanya. Bigla itong kinabahan at binilisan ang lakad. Kung bakit kasi dun pa siya dumaan samantalang may mas maliwanag namang daan na normal nyang tinatahak tuwing gabi umuuwi. Habang nakikiramdam at nagmamadaling umabot sa kanto na may 7-11, bigla nalang may humablot ng braso niya

“Ahhh!!! Bitawan mo ko, hayop ka! “ sigaw ni Monette dala ng takot habang hinahampas ang taong humablot sa kanya.

“Miss, ano ba? Tumahimik ka! Aray!” pakikiusap ng binata habang hatak si Monette papunta sa maliwanag na parte ng kalsada.

“Pano ako kakalma?! Bitawan mo ko sabi” bulalas nito at wala pa ring tigil sa pagpalag.

“Ano ba Miss wala akong masamang balak sayo, baka ung dalawang adik na nakasunod sayo meron. Dapat ata hinayaan na kita e mapapatrouble pa ako sa ginagawa ko.” Pagpapaliwanag nito sa dalaga na siya namang nagpabalisa kay Monette.

“Anong masamang balak, rape?! Adik?!” sigaw ng isip niya at tuluyan nang tumaas ang balahibo nito. Tama ang hinala niya may dalawa ngang sumusunod sa kanya. Pero sino itong mamang nagmagandang loob sa kanya. “Di kaya kasabwat ito? At bagong modus operandi ng mga con artists? In all fairness ha medyo creative na sila” wika nito sa kanyang isip na wari’y pampakalma ni Monette sa sarili.

“Pero teka! Pwede bang bitawan mo na ako. Muka namang wala na sila e.” baling nito sa binata. Nanluwa ang mata niya sa nakita. Tama ba ang nakikita ng mga mata niya? Ang weird, of all people si Ren na halos walang kibo sa trabaho ang siyang sumagip sa buhay niya? Si Ren na parang walang malay lagi. Hinatak ni Monette ang braso sa pagkakahawak ni Ren na siyang ikinagulat nito.

“Ayus ka rin ha. Ikaw na tong tinulungan ganyan ka pa umasta.” inis na sabi ni Ren na ngayo’y nanlilisik ang mga mata sa puot dala nang ipinakitang asal ng dalaga.

“Masakit kasi ang paghawak mo sa braso ko, parang walang bukas. Pasensya na sa reaksyon ko. Pero salamat talaga” pambabawi ni Monette sa kamalditahang pinamalas na siya namang nagpaliwanag sa muka ng gwapong si Ren.

Luminga sa paligid si Ren, “mukang nawala na iyong mga sumusunod kay Monette. Kung bakit naman kasi dito pa napadaan ang babaeng ito? Napakarami namang mas maliwanag na daan at di dito sa karimarimarim na eskenita kung san maraming tambay na basag ulo.” Sabi nito sa kanyang isip.

Si Ren ay nagtatrabaho rin bilang crew sa fast food chain na pinapasukan ni Monette. Tulad niya’y working student din ito. Pero bukod dun ay wala nang ibang alam si Monette tungkol sa gwapong mestisong binata. Hindi kasi palaimikin ito sa trabaho, tango lang ang lagi niyang nakukuha dito. Ang alam lang niya magkasing-edad sila. Masyadong misteryoso ang isang ito kaya minsan di niya namamalayang nakatitig lang siya dito tuwing magkakasabay ang shift nila.

“Wala na sila. Ano bang nakain mo’t dito ka dumaan? Ngayon lang kita nakita ditong dumaan.” Kumunot ang noo ni Monette sa narinig na di naman nakaligtas sa mga mata ni Ren, “Ang ibig kong sabihin. Dito kasi  ako malapit nakatira at madalas akong nakatambay dyan sa dinaanan mo. Kala mo naman stalker mo ako.” Mabilis na bawi ni Ren.

“Ay, okay ka rin ha. Wala naman akong sinasabi, kuya. Medyo defensive ka ha. Pero di ko rin alam bakit dyan ako dumaan. Naisipan ko lang mag-iba ng ruta. Alam mo na, for fun. Di ko naman lubos akalaing muntikan pang malintikan ang aking tanging yaman dito.” Salaysay ng dalaga kay Ren na natawa sa huling sinabi nito.

“Makulit ka pala ano? Minsan kasi kung makatitig ka sa akin para mo kong lalamunin e.” natatawang sagot ni Ren na iwas na ngayon sa mata ng dalaga at diretsong nakatingin sa nilalakaran.

Natigilan sa paglakad si Monette sa narinig, “tama ba ang narinig ko. Patay! Napapansin pala niya.” Sabi nito sa kanyang isip at bumalik sa paglalakad.

“Alam mo galing ng imagination mo. Pero teka sandali, san mo balak pumunta, mister? Kala ko okay na at wala na sila. Di naman sa tinataboy kita. Sobra akong nagpapasalamat, pero baka mapalayo ka sa bahay nyo” pagpapaalala ni Monette kay Ren na ngayon e parang natauhan at napatingin sa kanya ng may konting ngiti sa mga labi sabay kamot sa ulo.

“Tsk! Ihahatid lang kita gang kabilang kanto. Medyo malisyosa ka ano?” panunukso ni Ren kay Monette.

“Naku, wag mo kong simulan… mapagpatol ako ngayong gabi di kita uurungan baka pagsisihan mong humihirit ka pa ng ganyan sa akin” pagbibiro ni Monette na nangingiti na rin sa ipinapakitang ugali ni Ren. Di niya mawaring ganito pala siya kakwelang kausap. Nagtataka lang siya kung bakit ibang iba ito sa nakagisnan niyang Ren sa trabaho. Ano kayang tinatago nito? Manghang tumigil si Monette bago tumawid sa kabilang kalye at humarap kay Ren. Si Ren naman ay gulat din sa pinapamalas na ugali ng dalaga. Ang buong akala niya ay suplada ito dahil tuwing mabubungaran niya ito ay nakataas lagi ang kilay o di kaya’y nakakatitig nga ng taimtim sa kanya na medyo nakakaasiwa.

“Ito na nga titigil na. Sa susunod dun ka nalang uli sa normal mong ruta ikaw dumaan ha? Baka wala nang makasagip sayo pag may next time pa.” wika ni Ren na hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi habang nakatingin kay Monette.

“O pano, dito nalang ako. Maayos naman na dyan e maraming tanod dyan pagka ganitong gabi. Safe na safe ka na dyan.” Pahabol ni Ren.

“Salamat uli. Di na ako uli dadaan dun. Mag-ingat ka pabalik at good night” tugon ni Monette sa nakangiting si Ren at wala sa wisyong napatitig dito. “Gwapo talaga ang lalaking ito” sigaw ng isipan niya at biglang may narinig siyang pitik.

“Hayan ka nanaman. Tunaw na.” pang-aasar ni Ren na tila pinapapungay pa ang kanyang deep-set-eyes at biglang PAK! “Aray! Di mo alam kung gano kasakit iyon” sigaw ng binata habang hinihimas ang brasong natamaan ng hampas ni Monette.

“Sows! Lakas mo rin e noh? Gutom lang yan, Ren. Sige na, hahaba! Paalam!” sabay lahad ng napakatamis na ngiti ng dalaga bago ito tumawid sa kabilang kalasada at di na inantay ang sagot ng binata. Napapailing namang tumalikod si Ren. “Iba talaga ang babaeng iyon”, pakikipag-usap nito sa sarili na nakangiti pa rin, “sa tinagal-tagal naming magkasama sa trabaho ngayon ko lang siya nakausap.” At tuluyan nang naghiwalay ang landas nila nang gabing iyon.

Sunday, May 29, 2011

The Conclusion: XLVIII

Chapter 48
Excited ang lahat para sa kasalang magaganap. Hindi na mapakale si James at panay ang ayos nito sa suot na suit. Natatawa ni Brett dahil parang batang hindi makuntento sa pagkakaayos ng bowtie niya si James kaya nilapitan niya ito at pinakalma.

Samantalang sa Bride’s room naman ay todo halakhakan ang lahat dahil sa kakwelahan ni Kyra. Kahit hindi siya nakuhang Maid of Honor ay masaya na si Kyra sa pagiging Veil sponsor. Ilang oras na lang at magsisimula na ang seremonyas.  Halos di na rin mapakali si Devon, naghahalo ang kaba at excitement niya.

Nagsimula nang magmartsa ang entourage. Hindi naman maalis ang ngiti ni James sa pag-aantay sa pagdating ni Devon nang biglang sinara ang pintuan ng simbahan at nagbago ang tugtog. Ilang segundo pa ay nagbukas muli ang pinto ng simbahan at iniluwa nito ang isang maganda’t morenang babaeng nababalot ng puting wedding gown at hinahangin pa ang belo sa likod. Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng nasa simbahan at hindi na rin mapigilan ni James na dungawin ang nobya. Nang magsimulang maglakad ng dahan-dahan si Devon sa aisle ay di na napigilan ni James ang pagtulo ng kanyang mga luha pero ngiting ngiti pa rin ito.  Nang makita naman ni Devon si James na napakagwapo sa kanyang gray suit with bowtie ay nangilid na rin ang luha niya pero hindi niya ito hinayaang bumagsak sa takot na baka maluras ang kanyang eye makeup. Lihim nanaman itong natawa sa sarili dahil inuna pa nitong isipin ang makeup niya.

Nang maihatid na si Devon ng kanyang mga magulang kay James ay agad din namang nagmano si James sa mag-asawang Soriano at tuluyan nang pinagkatiwala si Devon sa binata.

Nagsimula na ang kasal, simple lang ang naging wedding vows nila James at Devon sa isa’t isa. Hawak kamay nilang binasa ito sa isa’t isa.

Ngiting-ngiting binasa ni James ang vow niya kay Devon:
“Devon, I’m so happy to finally be with you today asking God for His blessing on our union.  We've been through a lot and I know those trials did not only make us stronger but also wiser.  This relationship molded me to be a better man so I will be worthy of you love. It helped me to be patient which paid off as I am now fulfilling my greatest dream. We have used all forms of communications because of our then forbidden love and I must say they’ve helped us a lot and of course our friends too. Thank you for enduring all the pain and giving us a second chance. With all these, I promise to love you unconditionally, be your strength and be forever yours. You've always been my number one choice and will never ever be a second best. I love you, foreveh.”

Maluha-luha naman si Devon sa binitawang salita ng binata damang dama niya ang sinseridad nito. Maging ang kanilang mga bisita na naging saksi sa pinagdaanan ng dalawa ay naiiyak na rin.

Kahit may mga luha ay ubod tamis pa rin ng ngiti ni Devon nang basahin ang kanyang vow:
“James, our love is like an experiment for us. We’ve learned so much from our trial and error and here we are now hitting something that works well for both of us, us being together. I won’t promise you anything that I won’t be able to stand for. I’ll just be the wife you wanted and friend you can always count on. I love you, forever.”

Halos magkanda ngawa ang buong simbahan lalo na nang makita nilang pinupunasan ni James ang sariling luha. Humahagulgol na si Kyra pati na rin si Fretzie lalong lalo na si Aling Linda. Damang dama nila ang tamis ng pagmamahalan ng dalawang kinakasal. 

Nang hiranging mag-asawa sina James at Devon ay parang nagmamadali namang iangat ni James ang belo ni Devon na nagpatawa sa mga bisita. Agad agad nang makarinig ng hudyat sa pari ay hinalikan ni James si Devon, Casablanca style na talaga namang nakakalasing na halik ang ibinigay ni James at nagkakantsawan na ang lahat kaya’t binitawan na rin ni James ang mga labi ng kanyang asawa.

“I love you, Mrs. Devon Reynolds.” Titig na titig na wika ni James sa babaeng nasa bisig niya.

“I love you too, Mr. James Reynolds.” At niyakap ni Devon si James ng mahigpit.

Nang nasa reception na sila ay manghang mangha si Devon sa set-up. Mistulang palasyo ang lugar at pakiramdam niya’y Reynang reyna siya at si James namana ng kanyang Hari.  Nagkakatuwaan na ang lahat at lumalalim na rin ang gabi.  Ang mga malalapit nalang sa kanila ang naiwan at nagsasayawan na ang lahat sa dancefloor. Nang kalabitin si James ni Aling Linda at pumunta sila sa isang sulok ng bulwagan.

“James, ijo, thank you for making my daughter happy on this special day.” Nahihiyang ngiti ni Aling Linda.

“I could give my wife the world, I would, Ma.” Masayang sagot ni James sa ina at niyakap niya ito.

“I would also like to thank you, dahil tinupad mo ang pinangako mo sa akin dati. Thank you din dahil inilihim mo ito sa anak ko. Maraming maraming salamat, anak.” Naiiyak nang wika ni Aling Linda at naalala nito ang insidenteng hindi niya kailanman ay pagsisisihan.

Flashback…
Nang malaman ni Aling Linda na possibleng may ugnayan pa rin ang anak niya at si James base sa kwento ng asawang kauuwi lang galing New Zealand ay ginawa nito ang bagay na sa tingin ay makakabuti sa anak.

“James, I hope this will be the last time that I’ll ever speak with you.” Wika ni Aling Linda kay James na nasa kabilang linya.  Nagulat naman si James ng marinig ang pamilyar na boses.

“I know that you and Devon are still together. Please stop, stop giving me a headache. I warned you already you didn’t listen. I could die with heart failure because of your persistent disobedience.  Do you want Devon to lose her mother? You don’t have a mother yourself. Do you want Devon to experience that? To experience how hard it is to not have your mother around to support you and guide you. If you really love her, James, set her free. If in time you feel that you really are meant for each other and she still feels the same way to you, then win her back. But please, I’m begging you spare my life with all these worries that I have for my daughter. Do you get me, young man?” wika ni Aling Linda at di naman malaman ni James kung pano matatanggihan ang sinabi ng ginang. Batid niyang may pinanggagalingan si Aling Linda at tama siya, ayaw nga niyang maranasan ni Devon na mawalan ng ina. Ayaw nyang maging selfish at isipin lang ang sariling damdamin.

“I’ll try, Ma’am.” Tipid na sagot ni James sa ina ni Devon.

“Don’t try. Do it. I will be forever grateful to you if you do so. This is for everyone’s sake, James. I just want my daughter to focus on her studies first. You’ll just be a distraction to her. Please, listen to my plea and break up with my daughter. You know that I can do whatever it takes just to keep her away from you. I already did it. So please, if you really love her.” Mariing wika ni Aling Linda. Naguguluhan na talaga si James sa gagawin niya pero kailangan niyang magdesisyon.

“Okay, Ma’am. I’ll break up with her.” Halos bulong na wika ni James.

“Good. Thank you so much, James. You’re doing the right thing.” Wika ni Aling Linda at tinapos na nito ang tawag.

Hindi naman malaman ni James kung sa paanong paraan niya tutuparin ang binitawang pangako sa ina ni Devon. Kaya inunti-unti niya ang lahat. Hindi siya nagparamdam ng halos isang buwan at kinondisyon ang sariling damdamin na hihiwalayan na nito si Devon kaya ganun na lang ang pag-iwas niya sa mga barkada nila ni Devon at sumama sa ibang barkada hanggang sa makilala niya si Rica. Na sa panahon na iyon ay ang tanging pag-asa niya para makalimutan si Devon.

End of flashback…

“Ma, don’t cry. I know that’s how much you love Devon. Let’s just forget about the past and start anew. Thank you for giving us another chance to prove our love for each other and prove ourselves to you.” Pagpapatahan ni James sa biyenan.

“Tears of joy, anak. You really love my daughter. Please don’t ever change.” Wika ni Aling Linda at pinunasan ang luha. Sakto namang paparating si Devon sa dalawa at nagtaka si Devon kung bakit andun sila sa sulok.

“Ma, James, join us on the dancefloor. What are you two doing there?” nangingising wika ni Devon at bigla nitong naisip ang sinabi ni Kyra noon na baka may HD nga ang mama niya kay James pero natawa lang siya sa naisip.

“Mama, was just emotional since you’re going to live with me after this.” Wika ni James habang nakaakbay kay Aling Linda.

“Awwww! Mama, don’t be sad. You can always visit us or we’ll visit you often. Ay teka, bakit ako umeenglish?! Ikaw naman kasi mag-aral ka nang magtagalog.” Sabay hampas nito kay James at napaigik naman sa sakit ang asawa niyang si James.

“Devon, anak, bawas bawas mo yang panghahampas mo. Maawa ka sa asawa mo ang payat payat na nga e.” pagsuway ni Aling Linda sa anak at dali namang hinimas ni Devon ang brasong natamaan kay James.

“It’s okay, Ma. I actually like it when she does that.” At hinatak nito ang kamay na humihimas sa kanya at binigyan ng mabilis na halik ang asawang si Devon. Iyon naman ang naging hudyat ni Aling Linda na iwan ang bagong kasal.

_FIN_

Thank you so much for reading my first ever FF. Nagawa ko lang ito out of kainipan sa mga inaabangan kong JAEVON FFs. lol! Thank you for all your comments which made me work on this FF in a month! Sorry for the all the typos and grammatical errors.

JAEVON rules!!!!!! 
-always a gem

Saturday, May 28, 2011

Trial and Error: XLVII

Chapter 47

Hindi rin naman maitago ni Aling Linda ang excitement nang ipaalam ni Devon na engaged na sila. Naisip din ni Aling Linda na nasa tamang edad na ang dalawa para lumagay sa tahimik.

Kumpleto ang pamilya Soriano. Naisipan na rin ni Mang Greg na magretiro. Nagkukwentuhan sila sa sala at halatang may inaantay si Devon dahil di mapakale sa pagtingin sa orasan. Nang biglang tumunog ang doorbell ay dali dali itong tumayo at tinakbo ang gate na ikinagulat naman ng mag-asawa. Pero naging hudyat na rin iyon para sa mag-asawa na salubungin ang paparating na bisita.

Malugod na tinanggap ng pamilya Soriano sina James at Mr. Mathew sa kanilang tahanan at nagsimula na ang pamamanhikan.

“The wedding will be here in Davao. We will handle everything. I already have the suppliers but we will still get your inputs, don’t worry. This wedding will be Devon’s dream wedding.” Masayang wika ni Mr. Mathew.

“I’m okay with that, but let’s just stick with the budget. What’s your budget?” baling ni Aling Linda kay Devon na halatang kabado sa isasagot ng anak at nananalanging hindi sana mawaldas ang savings nilang mag-asawa.

“You don’t have to worry about that, Linda. We’ll also take care of that.” Sagip ni Mr. Mathew kay Devon at para namang nakahinga ng maluwag si Aling Linda.

“Are you sure about that, Matt? We can help with that but not that much.” Nahihiyang wika ni Mang Greg.

“No, no, I insist. The groom’s side should pay for everything, right? That’s just customary to do it that way.” Ngiting ngiting wika ni Mr. Mathew sa mag-asawang Soriano at napangiti narin ang mga ito.

“Okay, but where will the kids live? Will they be staying here in Davao or in Manila?” concern na concern na tanong ni Mang Greg at napapatango naman si Aling Linda.

“That’s basically up to them. What are you plans after the wedding?” baling ni Mr. Mathew sa magnobyong nagtanguan naman.

“My job is in Manila but I can definitely move here.” Wika ni James matapos makakuha ng signal galing kay Devon. Nagulat naman si Devons a sagot ng binata.

“No, we’ll all move back to Manila.” Pagkaklaro ni Devon sa sagot ni James. Nagulat naman sina Mang Greg at Aling Linda.

“Anong move back? Pano iyon e nabenta na natin ang bahay halos maglilimang taon na ang nakakalipas. San mo kami patitirahin dun, Devon?” naiinis na wika ni Aling Linda at hinawakan naman ni Mang Greg ang kamay ni Aling Linda para pakalmahin ito. Kinlear naman ni James ang kanyang lalamunan bago sumagot.

“Actually, Ma, I bought that house when I turned 21. I ask that as a gift from my Dad.” Pagsisiwalat ng binata na kahit si Devon ay namangha sa sinagot nito habang sina Mang Greg at Aling Linda ay napanganga sa pagkamangha sa sinabi ng binata, “So, anytime, you want to go back to Manila, you can stay in your old house.” Ngiting wika ni James. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

“If that’s the case, James, if you sell us back our home in Manila then we’ll agree on your proposal to move back there.” Ngiting wika ni Mang Greg na halos mabanaak ang pagkasabik nang malamang may pag-asa pa silang makabalik sa Maynila at sa dati pa nga nilang tahanan.

“If that’s what you want, Pa. But you can pay me whenever.” Ngiting sagot ni James at napaholding hands naman si Devon sa nobyo at pinisil pisil ang kamay nito na wari’y nagpapasalamat.

“That’s settled then. We’ll have the wedding in 4 months time.” Masayang wika ni Mr. Mathew at nagtanguan naman ang lahat.

Trial and Error: XLVI

Chapter 46
Papauwi na sila galing Mall pero nagtaka naman si Devon nang iba ang tinatahak nilang daan.

“Seriously, guys. Are we going to our old house?” wika ni Devon na hindi malaman kung maeexcite ba sa idea na makitang muli ang tahanang nagbigay ng lungkot  sa kanya.

“Why not? We are just making a detour. We thought that you might have missed those places.” Wika ni Ivan. Hindi naman na umangal si Devon at hinayaan nalang ang mga kaibigan sa plano nitong detour nang bigla silang tumigil sa park kung saan nadurog ng dalawang beses ang puso niya.

“Come on, guys! Why this park? I could have one place removed from this earth, I’ll take that place anytime!” naiinis nang wika ni Devon. Pero deadma ang dalawang kasama at mabilis na bumaba si Fretzie sa sasakyan at nilapitan si Devon. Nagulat naman si Devon sa mabilis na pagkilos ni Fretzie at biglang nagdilim ang paligid.

“Bakit nyo ko piniringan? Kinakabahan ako sa ginagawa nyo. Bessy, ano ito?” takot na excited na wika ni Devon. Kinukutuban siya sa nagaganap pero ayaw niyang pangunahan ang mga kasama. Inalalayan siya ng mga ito at pinalakad nang bigla itong may marinig na tugtog mula sa string quartet. Pinakinggan niya ito ng maigi pero bago pa niya mahulaan ay tinanggal ang piring niya sa mata at tumambad sa kanya ang isang walk way na puno ng roses’ petals, paperbags na may kandila sa gilid ng walkway at papunta ito sa isang lamesa na nakaset up for two sa tapat ng park bench kung saan gumuho ang kalahati ng buhay niya noon pero biglang lumabas ang isang lalaking puno ng ngiti at magmamahal sa mga mata nito at tinanguan siya. Nangingilid ang mga luha niya’t lumapit ito ng dahan dahan sa binata at saka niya naalala ang awiting tumutugtog, Just the way you are, ang kanilang unang theme song bilang magnobyo nung sila ay highschool pa.

Mga kalahating dipa nalang si Devon at hindi natatanggal ang titig niya sa binata ganun din naman si James sa kanya ay bigla itong lumuhod. Napahawak naman sa dibdib niya si Devon, dahil ang pinapangarap niya’y tila matutupad na ngayon. Halos matapilok siya sa pagpunta sa nakaluhod na si James. Nang marating niya ang binata ay hinawakan ni James ang mga kamay nito.

“I know, there are a lot of bad memories in this place and I want to replace that with this.” Sabay bunot ni James sa bulsa sa kanyang pantalon ng isang maliit na red box at binuksan ito sa harap ng dalaga. Nagulat si Devon at nailagay ang dalawang kamay sa bibig nito. Iyon ang singsing na sinukat niya kanina. Nag-unahan nang lumabas ang mga luha niya sa kaligayahan.

“Devon May Soriano, will you give me the sweetest answer to this question? Will you marry me?” ngiting ngiting tanong ni James kay Devon at halos matunaw naman ang dalaga sa mga titig ni James. Kinakabahan naman si James dahil parang hindi makasagot ang dalaga. Napalunok naman si Devon para matanggal ang santol sa lalamunan niya.

“YES! I’ll marry you, Robert James Reynolds! Yes! Yes! Yes!” halos isigaw ni Devon ang sagot sa binata at iyon naman ang naging hudyat nito para isuot ang blue sapphire and diamond ring sa nanginginig na palasingsingan ni Devon.  Bigla namang napaluhod na rin si Devon sa harap ng binata at niyakap niya ito at pinupog ng halik si James.  Nag-iba naman ang tugtog ng string quartet at naging, Two is Better than one.

Inalalayaan naman ni James si Devon na makatayo at nagsilabasan ang kanilang mga kaibigan sa pinagtataguan ng mga ito at kinongratulate sila. Nagyakap silang lahat panandalian at iniwan na ang dalawa para pagsaluhan ang dinner na inihanda nila.

“You are one sneaky guy.” Natatawang wika ni Devon at pinisil pa ang ilong ni James.

“Are you really that surprised?” pagpapacute na wika ni James sa nobya. At matamis na matamis na oo ang sinabi ni Devon at hindi pa rin maialis ang mga ngiti nito sa kanyang mapula at manipis na labi.

“I told you, this smile will be just for you.”  Wika ni Devon na puno nang kaligayahan.

“I know. I’m sorry for all the pain I’ve caused you. Thank you for giving us another chance and of course thank you for giving me your sweetest yes! I love you so much, Baby!” wika ni James at tumayo ito para aluking magsayaw si Devon.

Sa ilalim ng nagsisipagkinangang bituin ay sinayaw ni James si Devon. Naluluha silang parehong isiping nalagpasan nila ang pinakamamalaking dagok sa buhay nilang dalawa. Masayang masaya si Devon dahil kahit anong sakit nang nakaraan ay ito naman ang naging kabayaran sa lahat ng paghihirap niya. Pakiramdam niya’y sobra sobra siyang nagtagumpay. Si James naman ay ligayang ligaya dahil sa pagtanggap ni Devon sa alok nitong kasal.

Hinawakan ni James ang magkabilang pisngi ni Devon at tinitigan ito ng pagkalagkit-lagkit. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang muka sa nobya at inangkin ang mga labi nito. Tinugunan naman ni Devon ang nakakalasing na halik ni James at nang magkalas ang kanilang mga labi,

“Are you happy?” tanong ni James sa dalaga.

“I’m smiling now. So, yes, I am the happiest person in the world now.” Ngiting ngiting wika ni Devon.

“I swear, you’ll also be the happiest bride. I love you, Baby!” at ginawaran muli ni James si Devon ng isang matamis at mabilis na halik.

“I love you more, baby.” At nagkatitigan nanaman sila.

“Always and Forever.” Sabay na wika ng dalawa at nagkatawanan na sila.

Trial and Error: XLV

Chapter 45
Dalawang taon na ring legal sila James at Devon sa mga magulang nito.  Naging maayos naman ang lahat sa dalawa kahit paminsan-minsan ay nagkakatampuhan sila. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, dahil sa tuwing magkakaproblema ang dalawa ay kay Aling Linda na tumatakbo si Devon at natutuwa naman si Devon sa mga payo ng ina kaya siguro lalo pa silang naging matatag ni James.  Hindi na pinalipat pa ni Devon si James sa Davao kahit pa gustong-gusto na ng binata. Iyon nalang siguro ang isang hadlang sa kanilang relasyon pero nakakatuwang isipin na walang bumibitiw sa dalawa.

Lumuwas si Devon sa Maynila upang umattend sa binyag ng kanyang unang inaanak sa barkada. Sabay silang pumunta ni James sa selebrasyon.

“Thank you for coming, Bessy. Ikaw talaga ang inuna ko sa listahan ng mga ninang.” Masayang yakap ni Fretzie kay Devon.

“Hindi ko ata mamimiss ang event na ito. Napakacute ng inaanak ko.” Wika ni Devon sabay pisil sa mapupulang pisngi ng anak nina Fretzie at Brett.

“What’s up!!!!!” sigaw ni Ryan at napukaw nito ang atensyon ng lahat. Sinalubong naman si Ryan nina Brett, Ivan at James at pinaghahampas ang bagong dating.

“Hey, Devon! Where is your cousin Kyra? I gave up on Jenny she’s back in Korea. Do you think you can fix me up with your cousin?” pangungulit ni Ryan kay Devon na bitbit na ngayon ang sanggol.

“Sorry, Ryan. Kyra doesn’t like cockroach.” Natatawang sagot ni Devon at nagkunwaring sumimangot naman si Ryan.

“Yah, Devon. Where’s Kyra? I thought you’ll bring her with you. I miss that tactless girl.” Nangingising wika ni Ivan.

“Hmmm…. So, you like my cousin ha. But anyway, where’s Trish?” makahulugang turan ni Devon kay Ivan.

“I said I miss her and didn’t say I like her.” Mabilis na sagot ni Ivan at inakabayan naman siya ni Ryan.

“Very good answer, friend. Because I don’t want to compete with you with Kyra. I don’t want your ego to get hurt when Kyra says Yes to my gwapo face.” Wika ni Ryan na nagbubeautiful eyes pa. Wala naman nang tigil sa kakatawa ang buong barkada sa mga pinagsasabi ni Ryan.

“Seryoso, Man. Where’s Trish?” tanong muli ni Devon kay Ivan na halatang iniiwasan ang tanong.

“We broke up a year ago. She’s in the states now and I heard she already have a fiancé. It’s that easy for her to replace me.” Wika ni Ivan at akto namang yayakapin siya ng buong barkada, “Before you do that mushy thing. I’m okay. You don’t have to give me that group hug. I’m fine.” Natatawang wika ni Ivan.

“Ah, Fretzie, do you think you and Devon can go to the Mall later? I think you two need some catching up. We’ll take care of your precious baby Nicole.” Wika ni James at nagets naman agad ni Fretzie ang pinapahiwatig ni James.

“Oo nga, Bessy. Man, do you wanna come with us? Parang nung highschool lang pag tinatakasan natin si Tita Linda pag weekend para makapagmall tayo at makanood ng sine.” Excited na wika ni Fretzie at ngiting ngiting sumang-ayon naman ang dalawa.

Nang matapos ang event, ay mabilis na yumakag ang tatlo. Halos hindi sila magkandamayaw sa kulitan papunta sa mall lalo na nang makarating sila dun. Hindi naman mapakale si Fretzie at kanina pa kating-kati na masolo si Ivan kaya niyaya nila si Devon na magkape at pinainom nila ng kape si Devon at sandamakmak na tubig.  Nang makaramdam ng pagka-ihi si Devon ay inexcuse nito ang sarili sa dalawa.

“Man, we actually have a plan.” Bulong ni Fretzie kay Ivan. Naging attentive naman si Ivan sa pakikinig sa plano ng kaibigan.

Nakabalik na si Devon galing CR ng magyaya si ivan na maglibot muli. Nagtataka naman si Devon kung bakit sa area na iyon ng mall sila pumunta e parang wala naman silang mabibili dun na kailangan ng kahit sino sa kanila.

“Devy, let’s go to that shop.” Pag-aanyaya ni Ivan. Nagtaka man si Devon ay sumunod na rin siya.

“Are you buying a gift for someone, Bes?” tanong ni Devon kay Ivan na sinisilip ang mga paninda.

“Actually, yes. I might actually pursue Trish again. I mean I know she’s engaged and all but who knows. You know how fickle minded Trish can be. She could change her mind in a blink of an eye.” Wika ni Ivan at nangingisi naman si Fretzie na tumitingin din ng display.

“Iba ang fighting spirit mo, Bes. Pero bakit dito ka pa bibili din a lang sa states?” takang tanong nito sa binata.

“Naku, Bessy, ang dami mong tanong. Halika dito. Di ba maganda iyong cut ng diamond na yan?” sabay turo nito sa isang 1.5 carat princess cut diamond ring sa display.

“Ay masyadong malaki ang bato, Bessy. Baka maka-attract lang yan ng holdaper. Mas maganda iyon oh.” Sabay turo naman ni Devon sa isang blue sapphire and diamond ring. Nangingisi naman si Fretzie at tinawag nito ang saleslady.

“Miss, pwede bang macheck iyang ring na may blue sapphire.” Wika ni Fretzie sa saleslady at agad namang kinuha ng babae ang singsing mula sa display at iniabot kay Fretzie pero nginusuan nito ang saleslady para ibigay ang singsing kay Devon.

“E bakit sa akin?” gulat na wika ni Devon pero kinuha din ang singsing mula sa saleslady.

“Ikaw naman. Para susukat lang. Ayaw mo ba nun? Para naman matry mong may suot na engagement ring? Sige na isukat mo na.” excited na wika ni Fretzie at lumapit naman si Ivan sa dalawa. Kahit naman puno nang alinlangan si Devon ay sinukat na rin niya ang engagement ring na sa kanyang mga mata ay ang pinakamagandang engagement ring na nakadisplay roon.

Manghang-mangha naman silang tatlo ng masukat ni Devon dahil saktong sakto ito sa daliri niya.

“Oh my gosh! Bessy, I fits you perfectly! Di ba Ivan? At ang ganda, bagay na bagay sa daliri mo. Kelan ka kaya magkakaroon ng sarili mong engagement ring ano?” wika ni Fretzie at siniko naman siya ni Ivan habang si Devon ay parang namagnet na sa kakatitig sa daliri niyang suot ang blue sapphire and diamong ring.

“Di naman kami nagmamadali, Fretz. Pati kahit ano naman ang ibigay sa akin ni James masaya na ako.” Sabay tanggal ni Devon ng singsing sa daliri niya at ibinalik sa saleslady. “Are you done, Ivan? Didn’t find anything that will suit Trish?” baling ni Devon kay Ivan at umiling naman si Ivan.  Nang makita ni Ivan ang pagsensyas ni Fretzie ay dali-daling inilabas ni Ivan si Devon sa shop at hindi nito hinayaang makalingon at mabilis namang kumilos si Fretzie.

Trial and Error: XLIV

Chapter 44
Masayang-masaya si Devon dahil mag-iisang buwan na ring natanggal ang tinik sa dibdib niya. Malaya na siyang nakakausap ang nobyo sa internet maging sa telepono.

Masayang nagsasalo-salo ang pamilya nina Kyra at sila Aling Linda at Devon sa hapag isang Linggo sa tahanan ng mga Soriano.  Nagkukulitan sa hapag ang magpinsan nang biglang marinig nila ang doorbell.  Agad na tumayo si Aling Linda para tignan kung sino ang kanilang bisita. Nagtaka naman ang mga naiwan sa hapag kung sino ang nasa gate.

“Good afternoon, Ma’am.” Bati ni James sa pagbukas ng gate ni Aling Linda.  Hindi naman malaman ni Aling Linda kung ano ang iaakto sa binatang nasa harap niya at biglang sumeryoso ang kaninang nakangiting muka ng ginang.

“Oh, James. Ikaw pala. Napadaan ka? Alam ba ni Devon na darating ka.” Seryosong wika ni Aling Linda at nasulyapan ang mga dalang paperbags ng binata.

“I hope it’s okay, Ma’am. Devon doesn’t know I’m here.” Ngiting wika ni James na medyo kinakabahan dahil sa pagkaseryoso ng muka ni Aling Linda.

“Well, she’ll be surprised to see you. Like me.” Wika ni Aling Linda na nakahawak pa rin sa gate na parang walang balak papasukin ang pobreng binata na init na init na sa tindi ng sikat ng araw.

“Did I came in a bad timing?” alanganing tanong ng binata at bigla itong may naalala kaya agad na binitawan ang mga dala-dala at hiningi ang kanang kamay ng ginang at nagulat si Aling Linda sa ginawa ni James. Nagmano ito!

“By the way, Ma’am, these are for you.” At dinampot ang ibinabang paperbags kay Aling Linda na mangha pa rin sa ginawa ng binata.

“Oh, Thank you. By the way, come in. Sorry.” Hiyang wika ni Aling Linda at kinuha ang binigay ng binata.

Nagulat ang lahat ng masilayan ang lalaking kasama ni Aling Linda papasok ng bahay. Napatayo sa kinauupuan niya si Devon at halos mabulunan.  Nang mapakalma nito ang sarili ay sinalubong na niya ang dalawa.

“James, what are you doing here?” wika ni Devon na namimilog na ang mga mata sa pagkagulat.

“E naku, susurpresahin daw tayo. E talaga namang nasurpresa ako. Wala man lang abiso tong lalaking ito. Pagsabihan mo yan ha?” matigas na wika ni Aling Linda sa sumalubong na si Devon.

“I’m sorry, Ma’am. It won’t happen again.” Nahihiyang wika ni James at iniabot ang natitirang paperbags kay Devon.

“Ma, naman. Nakakaintindi po si James ng tagalog.” Nahihiya na ring wika ni Devon sa ina.

“E sa nakakagulat naman talaga siya. Hindi ko tuloy naihanda ang isang kwarto.” Nakaismid na wika ni Aling Linda.

“It’s okay, Ma’am.  I actually checked in a hotel near the mall.” Ngiting wika ni James.

“Good. Are you hungry? Come inside, let’s eat.” Pag-aanyaya ni Aling Linda sa binata. Nginitian naman ni Devon ang ina at niyakag na rin si James sa hapag. Dali dali namang kumuha si Kyra ng plato at kubyertos para kay James at pinagpatuloy nila ang pagkain.  Halos walang imikan sa lamesa pero nang magsimulang mangulit at mangamusta si Kyra ay naging kampante na si James na makipagkwentuhan. Inoobserbahan naman ng maigi ni Aling Linda sa James.

Naging maayos naman ang tanghalian. Nilapitan naman ni Aling Linda si James at Devon at niyayang mag-usap sa likod bahay.

“What are your intentions with my daughter?” agad na tanong ni Aling Linda kay James at napatingin naman si Devon sa ina.

“I love your daughter, Ma’am. I intend to marry her someday, if you’ll allow me.” Matapanag na wika ni James na nagpablush naman kay Devon.

“Gaano katagal na ba kayo ni Devon? Bakit kasalan agad ang pinupunta ng sagot mo?” iritang tanong ni Aling Linda.

“More than 2 years since we got back together.  But don’t worry, I’m in no hurry. I was able to wait for her this long, I think I can still wait for a couple more years.” Ngiting sagot ni James at napatingin kay Devon na tinapunan din ng matamis na ngiti ang binata. Namangha din naman si Aling Linda sa malalagkit na tinginan ng dalawa kaya naisip din nitong marahil ay seryoso nga itong si James.

“That’s good to know. Because, I’m still young to be a lola. But, ijo, next time, if you have plans of visiting Devon, please let us know ahead of time.  This family doesn’t like surprises.” Wika ni Aling Linda at tumango naman si James. “By the way, thanks for the gifts. You didn’t have to but I appreciate the gesture. Sige na lumarga na kayo kung may lakad kayo at kanina pa dumudungaw ang echosera mong pinsang si Kyra mukang nangangati nanaman ang talampakan.” Wika ni Aling Linda at sabay lingon kay Kyra na ikinagulat naman ng huli. Natawa naman si Devon sa pagkakagulat ni Kyra at niyaya na rin si James.

Naisipan nilang magMall kasama si Kyra. Halos langgamin naman ang dalawa sa kasweetan na pinapamalas ng mga ito. Pakiramdam ni Devon ay unang beses palang niya nakaholding hands ang binata at feel na feel niya ang pagkakapalupot ng kanilang mga daliri. Ito ang unang pagkakataon na hindi nila tinatago ang kanilang magkahawak na kamay sa publiko. Wala naman tigil si Kyra sa kakatukso sa dalawa.

Trial and Error: XLIII

Chapter 43

“Oo, anak. Alam kong kayo pa rin ni James.” Simpleng sagot ni Mang Greg sa anak na todo ang pagpapaliwanag na ginawa sa ama.

“Iyon nga po sana ang gusto kong malaman. Pano po kayo nagka-ideya?” takang tanong nito sa amang nasa kabilang linya.

“Bago ka magdebut ay alam ko nang hindi talaga kayo naghiwalay ni James. Nagkasabay kasi kami ni Mr. Reynolds pauwi  dyan at nagkausap kami ng masinsinan. Ipinaalam ko sa Mama mo iyon at naku e sadyang mainit pa rin ang dugo niya nun kay James. Pero pinigilan ko siyang magsalita sayo dahil pakiramdam ko’y sapat nang kaparusahan ang pagtapon namin sa’yo dyan sa Davao.” Wika ni Mang Greg at napanganga naman si Devon sa narinig. Pero ang pinagtataka niya pa rin ay kung galit ang Mama nya noon ng malamang sila pa ni James e bakit pumayag ang inang lumuwas siya sa Maynila pero hindi na niya masyadong pinagtuonan ng pansin iyon at nagpatuloy sa pagkwento si Mang Greg.

Flashback…
5 yrs ago.
Nasa terminal gate’s waiting area si Mang Greg at inantay ang paglulan sa eroplano papauwing Pilipinas nang may tumabing lalaki sa kanya at tinapik siya sa balikat.  Nang masilayan ni Mang Greg na si Mr. Mathew iyon ay agad itong napatayo at halatang halatang hindi niya ikinatuwang makita ang lalaking iyon. Agad din naman siyang pinakalma ni Mr. Mathew at niyayang mag-usap at magkape bago magboarding.

Sa kapehan.
“I know what our kids have done is not something we should be proud of, Mr. Soriano. But I know those kids,  they are still young and both were pretty vulnerable at that time. Yes, I know the whole story. I was just hoping that that incident wasn’t the reason whyDevon is now studying in Davao.” Wika ni Mr. Mathew.

“I know, Sir, my daughter is also at fault why that thing happened but if your son respected her, my wife wouldn’t have seen that kind of act inside our own home. I feel like that’s just irresponsible of them. And yes, that’s the reason why we’ve decided to have Devon study in Davao.  We were just cautious and wanted what we think is best for her.” Seryosong wika ni Mang Greg.

“I understand where you’re coming from, Mr. Soriano.  I can never question your intentions on your only daughter, I’m a father too. But I’ve seen these two together, yes they are both young but young love is the most innocent and pure love, don’t you think?  When James knew that Devon will be moving to Davao he was devasted and really he was sorry that your wife had to meet him in such an awkward situation.  He wanted to turn back the hands of time to correct all their mistakes.” Saad ni Mr. Mathew at matamang nakikinig naman si Mang Greg.

“My son loves your daughter. In fact he is willing to wait until Devon comes back to Manila.”

“I’m sorry but Devon will not come back to Manila. Our whole family actually moved to Davao.”

“Well, that’s just sad. I’ve witnessed the love between those two kids. I adore your daughter and I know James does too.  If you could only give them another chance and give them their freedom to love whoever they want to, I’m sure your daughter will be happy. I’ve never seen my son so dedicated in all his endeavors and I know that that’s because of Devon. She’s his inspiration. We’ve all experienced this feeling, Mr. Soriano.  Can’t we just let them be? They’ve already kept that secret to your family because Devon was afraid that you’ll get mad at her but the worst happened.  I know they’ve learned their lesson. Don’t think of me as the father of James here.  Think of me as a spectator of this whole situation. I wouldn’t want my own child to be forever afraid of me just because of my ideals about love. They are very smart kids. I don’t think they did that on purpose. My son even told me that that was just a spur-of-the-moment incident. So, I hope you and your wife will find it in your hearts to forgive my son and trust them that they can love each other without hurting our feelings.” Mahabang litanya ni Mr. Mathew habang si Mang Greg ay parang naliliwanagan naman sa sinasabi ng kausap.

“We were just not expecting Devon to keep a secret from us and witness that incident.  She’s a good kid. I understand your point here, Sir.  I don’t want to rule over my daughter’s feelings but we just want to make sure that she’ll be able to focus on her studies first.” Sagot naman ni Mang Greg.

“Of course, we want that. But don’t you think having inspiration while studying is not as bad as you and your wife are thinking? Don’t be too hard on Devon, she loves you two more than anything in the world, I should know because she talks about how great her parents are to me. I know you’ve raised Devon so well and she has a good soul.  I do want her for my son and I may say that I wasn’t as bad as a father and I too raised James to be a good individual and if you only give him a chance and get to know him then you might also say that you too would want him for Devon.  I hope that’s not too late.” Wika ni Mr. Mathew na may ngiti sa kanyang mga labi.

Bigla namang tinawag ang mga pasehero ng kanilang eroplano.

“I think that’s us.” Wika ni Mr. Mathew, “It was nice talking to you. I hope you’ll think about what I just said. I also want what’s best for our kids.” At iniabot nito ang kamay kay Mang Greg at nagshakehands ang dalawa.

“It was nice chatting with you, Sir. I’ll think about it.” At binitbit na ni Mang Greg ang mga dala-dala at sabay silang pumunta sa gate nila.

Nakarating na si Mang Greg sa Davao. Nang gabing iyon ay nag-usap ang mag-asawa tungkol sa pagtatagpo ni Mang Greg at Mr. Mathew sa Sydney airport pauwi ng Pilipinas.

“At ano? Makikinig tayo sa lalaking iyon? Sa ipinupunto niya e parang may relasyon pa rin ang dalawang iyon.” Gigil na wika ni Aling Linda nang marinig ang kwento ni Mang Greg.

“Sa palagay ko nga rin ay meron pa. Pero nailayo naman na natin si Devon. Walang nagtatagal sa long distance relationship lalo pa’t hindi kasal. Hayaan nalang siguro muna nating magkasawaan sila. Hindi mangyayari ang kinakatakot mo sa anak mo lalo pa’t wala naman siya sa Maynila pati nangako si Devon na magtatapos ng pag-aaral. Palagay ko’y labis nang kaparusahan ang mailayo siya dun sa James na iyon lalo na sa mga kaibigan niya sa Maynila.” Pagpapakalma ni Mang Greg sa asawa.

“Naku, Greg! Kung nabilog na ni Mr. Mathew ang ulo mo, ibahin mo ako! Hindi ako papayag at uupo lang dito at hayaang magmilagro nanaman ang anak mo. Gagawa ang ng paraan.” Matigas na wika ni Aling Linda.

“Linda, wag mong subukan ang anak mo. Magpasalamat tayo at hindi siya nagrebelde sa ginawa natin sa kanya. Hayaan nalang natin sila.” Wika ni Mang Greg at inakbayan ang asawa.

“Basta, hindi ako papayag.” At marahas na inalis nito ang kamay ng asawa sa balikat niya. Napakamot nalang sa ulo si Mang Greg at hindi rin maintindihan kung anong pinaplano ng asawa.

End of Feedback…
Gulong-gulo naman si Devon sa kwento ng ama. Panong nakasabay niyang umuwi si Mr. Mathew e ang kwento ni James ay nagkasakit ito ilang buwan bago umuwi si Mang Greg sa Pilipinas. Iwinaksi nalang ni Devon ang kaguluhan sa utak niya at inisip nalang na marahil ay nakarecover agad si Mr. Mathew kaya nakapagbyahe agad ito.

“Iyon ang dahilan kaya siguro nasabi ng Mama mo na alam ko na ang lahat. Nagpapasalamat ako at umamin ka na rin. At least hindi na maloloka ang Mama mo kakaisip kung anong ginagawa mo.” Ngising wika ni Mang Greg sa anak.

“Kaya pala ganun po kayo makipagusap sa akin bago ako gumraduate. Kayo na pong may alam!” natatawang wika ni Devon.

“O, e sabi ko naman sayo e mabibigyan mo talaga ako ng apo. Pero siguraduhin mong papakasalan ka ng lalaking yan ha?” wika ng ama at parang may kumurot naman sa puso ni Devon nang marinig ang salitang apo.  Pero alam ni Devon na darating ang tamang panahon at magkakaroon uli siya nang pagkakataong magka-anak.

Natapos ang kanilang pag-uusap at sobrang ikinatuwa naman ni Devon ang mga narinig na kwento mula sa ama lalo pa’t ipinaglaban din pala siya ng ama ng nobyo niya.

Trial and Error: XLII

Chapter 42
Nagmamadaling bumaba ng office si James at kahit malayo ang opisina ni Brett ay pinuntahan niya ito.

“Dude, ready to head out?” tanong ni James kay Brett na nasa kabilang linya.

“Yes, I am. Why?” takang tanong ni Brett sa mukang excited na excited na si James.

“Great! I’m downstairs, meet me here.” Mabilis na sagot ni James na ikinagulat ng kausap nito.

“What?! I’m already packing up but James I’ll be meeting Fretz tonight.”alanganing sagot nito sa kaibigan.

“That’s even perfect! Unless you two are going out on a date but don’t worry I don’t mind. I’m waiting.” At sabay tinapos ni James ang call nang di naririnig ang sagot ni Brett.

Wala pang ilang minuto ay nakita na ni James si Brett na paparating na napapakamot sa ulo nito.

“Someone’s a little excited.” Pang-aasar ni Brett kay James na napansing palakad lakad sa lobby. “What are you up to, dude?” tanong Brett  kay James at nilingon naman siya na sobarng ngiting ngiti.

“Nothing! Let’s go! You don’t want your wife to wait that long.” At hinatak nito si Brett na sumama din naman at pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinagtatrabahuan ng dalaga.

Nagulat din si Fretzie na makitang kasama ng asawa niya si James pero natatawa rin siya sa inaakto ng binata. Naisipan nilang kumain sa labas at ililibre daw sila ni James kaya hindi naman tumanggi ang dalawa. Nahihiwagaan na rin sila sa inaakto ng binata.

“Alright! Who are you, and where is my bestfriend?” nangingising turan ni Brett kay James na nakikipagkulitan kay Fretzie. Napukaw naman agad ang atensyon ni James at natawa sa sinabi ng kaibigan.

“Okay! Wanna hear some great and awesome news?” ngiting wika ng binata at nagtaas pa ng isang kilay sa dalawa.

“Napromote ka, James? That really is an awesome news! Congrats!” excited na hula at bati ni Fretzie at matinding iling naman ang sinagot ni James dito.

“Even better, guys! Devon called me earlier and told me that she already confessed to her mom about us.” Ubod tamis na ngiting wika ng binata sa magnobyo. Tuwang tuwa naman si Fretzie sa narinig.

“We have been waiting for this to happen. Devon was crying when she told me. I feel her happiness. I know she always wanted to have her mom as her confidant. I wish I was there to hug her mom and thank her personally for accepting us.” Dirediretsong wika ng binata na parang may hinahabol sa bilis ng pagsasalita.

“That’s so great! So, do I also hear some wedding bells? Go to Davao and introduce yourself to Tita Linda as her only daughter’s boylet.” Natatawang wika ni Fretzie at natawa na rin ang dalawang binata.

“See, that’s the thing! I was actually thinking of storming out of my office as soon as she told me but she said that her mom is not yet ready to see my face.” Ngiwing wika ni James, “So, I’ll probably wait ‘til she warms up into the idea that she will be seing more of my face when I marry Devon.”

“Naks! Level up na kayo! Pero James if I were you, I’ll go to Davao and court her mom. I mean how will she get used to your face if she’s not seeing you. Just be sure to bring lots of gifts.” Kinikilig na wika ni Fretzie at napapatango naman si Brett sa sinasabi ng nobya nya.

“But what if Devon gets mad? She doesn’t want those kind of surprises.” Puno nang agam-agam na wika ni James.

“Naku, hindi magagalit iyong si Bessy. Trust me James, she’ll find it sweet.” Wika ni Fretzie.

“I’ll think about it.” Ngiting wika nit okay Fretzie.

***
“Uy, balita ko umamin ka na daw kay Tita Linda. Pinagchichismisan ka ng magpinsan sa bahay namin. Nacorner pa nga ako ni Detective Lani, malamang daw may kinalaman ako sa paglilihim mo. Kinabahan pa nga ako nung una kasi ang pagkakadinig ko paglilihi buti pina-ulit ko.” Wika ni Kyra kay Devon na naabutan niyang mag-isa sa sala at nanunood ng tv.

“Hala! Anong sinabi mo tungkol sa lihiman? Naku pinsan, pasensya na baka napagalitan ka pa.” pagpapamaumanhin ni Devon sa pinsan.

“Ay ano ka! Edi sinabi kong natural may kinalaman ako dun. Dahil ateng, kung hindi mo ako kinasangkapan malamang baliw ka na ngayon. Mahirap iyong may jowa ka tapos may problema kayo tapos wala kang magpagsabihan tapos uupo ka sa isang sulok na yakap-yakap mo ang mga binti mo tapos niyuyug-yog mo ang katawan mong parang rocking chair sa kakaisip sa problema mo tapos madadatnan ka ng mga taong nasa ganung sitwasyon, wala sa tamang pag-iisip, saklap lang. Di ba?! Yan na yan mismo ang sinabi ko sa magpinsang dragon. Kala ko nga liliyaban ako sa sinabi ko e, pero nagthank you ang Mama mo sa akin. Wagi tayo dun!” makulit na pagpapaliwanag ni Kyra at di naman na mapigilan ni Devon ang matawa sa eksplanasyon ng pinsan.

“Loka ka talaga! Pero tama salamat talaga. Kaso ayaw pa ni mama na masilayan ang kagwapuhan ng jowa ko e. Di pa daw siya ready.” Wika ni Devon.

“Hindi kaya may HD ang nanay mo kay James? Natakot na baka mahalata mong may kaagaw ka pala sa nobyo mo sa katauhan ni Linda Soriano.” natatawang wika ni Kyra at nahampas naman siya ni Devon.  Panandaliang ininda ni Kyra ang hagupit ng kamay na balak ng pinsan pero dahil sanay na siya dito ay balik tawanan naman sila.