Monday, May 30, 2011

Falling Slowly: One

Chapter 1
Malalim na ang gabi, mag-isang naglalakad si Monette papauwi sa boarding house na tinutuluyan. Kagagaling lang nito sa kanyang part time job sa isang fast food chain. Graduating sa kolehiyo si Monette, isang skolar at working student. Mamamangha ka nga’t napagsasabay nito ang trabaho at eskwela kaya laking tuwa ng kanyang mga magulang dahil isang semester na lang ay makakapagpatapos na sila ng isa sa 3 nilang anak. Architecture ang kurso niya, bata palang nakahiligan na nitong magdrawing at magdesign ng mga bahay sa isang 1 whole sheet of pad paper.  Hanggang ngayon, naitago pa rin nito ang isang disenyo ng bahay na gawa niya nung 15 yrs old pa lamang siya, dream house niya daw un.

Napukaw ng pansin ni Monette ang dalawang aninong tila sumusunod sa kanya. Bigla itong kinabahan at binilisan ang lakad. Kung bakit kasi dun pa siya dumaan samantalang may mas maliwanag namang daan na normal nyang tinatahak tuwing gabi umuuwi. Habang nakikiramdam at nagmamadaling umabot sa kanto na may 7-11, bigla nalang may humablot ng braso niya

“Ahhh!!! Bitawan mo ko, hayop ka! “ sigaw ni Monette dala ng takot habang hinahampas ang taong humablot sa kanya.

“Miss, ano ba? Tumahimik ka! Aray!” pakikiusap ng binata habang hatak si Monette papunta sa maliwanag na parte ng kalsada.

“Pano ako kakalma?! Bitawan mo ko sabi” bulalas nito at wala pa ring tigil sa pagpalag.

“Ano ba Miss wala akong masamang balak sayo, baka ung dalawang adik na nakasunod sayo meron. Dapat ata hinayaan na kita e mapapatrouble pa ako sa ginagawa ko.” Pagpapaliwanag nito sa dalaga na siya namang nagpabalisa kay Monette.

“Anong masamang balak, rape?! Adik?!” sigaw ng isip niya at tuluyan nang tumaas ang balahibo nito. Tama ang hinala niya may dalawa ngang sumusunod sa kanya. Pero sino itong mamang nagmagandang loob sa kanya. “Di kaya kasabwat ito? At bagong modus operandi ng mga con artists? In all fairness ha medyo creative na sila” wika nito sa kanyang isip na wari’y pampakalma ni Monette sa sarili.

“Pero teka! Pwede bang bitawan mo na ako. Muka namang wala na sila e.” baling nito sa binata. Nanluwa ang mata niya sa nakita. Tama ba ang nakikita ng mga mata niya? Ang weird, of all people si Ren na halos walang kibo sa trabaho ang siyang sumagip sa buhay niya? Si Ren na parang walang malay lagi. Hinatak ni Monette ang braso sa pagkakahawak ni Ren na siyang ikinagulat nito.

“Ayus ka rin ha. Ikaw na tong tinulungan ganyan ka pa umasta.” inis na sabi ni Ren na ngayo’y nanlilisik ang mga mata sa puot dala nang ipinakitang asal ng dalaga.

“Masakit kasi ang paghawak mo sa braso ko, parang walang bukas. Pasensya na sa reaksyon ko. Pero salamat talaga” pambabawi ni Monette sa kamalditahang pinamalas na siya namang nagpaliwanag sa muka ng gwapong si Ren.

Luminga sa paligid si Ren, “mukang nawala na iyong mga sumusunod kay Monette. Kung bakit naman kasi dito pa napadaan ang babaeng ito? Napakarami namang mas maliwanag na daan at di dito sa karimarimarim na eskenita kung san maraming tambay na basag ulo.” Sabi nito sa kanyang isip.

Si Ren ay nagtatrabaho rin bilang crew sa fast food chain na pinapasukan ni Monette. Tulad niya’y working student din ito. Pero bukod dun ay wala nang ibang alam si Monette tungkol sa gwapong mestisong binata. Hindi kasi palaimikin ito sa trabaho, tango lang ang lagi niyang nakukuha dito. Ang alam lang niya magkasing-edad sila. Masyadong misteryoso ang isang ito kaya minsan di niya namamalayang nakatitig lang siya dito tuwing magkakasabay ang shift nila.

“Wala na sila. Ano bang nakain mo’t dito ka dumaan? Ngayon lang kita nakita ditong dumaan.” Kumunot ang noo ni Monette sa narinig na di naman nakaligtas sa mga mata ni Ren, “Ang ibig kong sabihin. Dito kasi  ako malapit nakatira at madalas akong nakatambay dyan sa dinaanan mo. Kala mo naman stalker mo ako.” Mabilis na bawi ni Ren.

“Ay, okay ka rin ha. Wala naman akong sinasabi, kuya. Medyo defensive ka ha. Pero di ko rin alam bakit dyan ako dumaan. Naisipan ko lang mag-iba ng ruta. Alam mo na, for fun. Di ko naman lubos akalaing muntikan pang malintikan ang aking tanging yaman dito.” Salaysay ng dalaga kay Ren na natawa sa huling sinabi nito.

“Makulit ka pala ano? Minsan kasi kung makatitig ka sa akin para mo kong lalamunin e.” natatawang sagot ni Ren na iwas na ngayon sa mata ng dalaga at diretsong nakatingin sa nilalakaran.

Natigilan sa paglakad si Monette sa narinig, “tama ba ang narinig ko. Patay! Napapansin pala niya.” Sabi nito sa kanyang isip at bumalik sa paglalakad.

“Alam mo galing ng imagination mo. Pero teka sandali, san mo balak pumunta, mister? Kala ko okay na at wala na sila. Di naman sa tinataboy kita. Sobra akong nagpapasalamat, pero baka mapalayo ka sa bahay nyo” pagpapaalala ni Monette kay Ren na ngayon e parang natauhan at napatingin sa kanya ng may konting ngiti sa mga labi sabay kamot sa ulo.

“Tsk! Ihahatid lang kita gang kabilang kanto. Medyo malisyosa ka ano?” panunukso ni Ren kay Monette.

“Naku, wag mo kong simulan… mapagpatol ako ngayong gabi di kita uurungan baka pagsisihan mong humihirit ka pa ng ganyan sa akin” pagbibiro ni Monette na nangingiti na rin sa ipinapakitang ugali ni Ren. Di niya mawaring ganito pala siya kakwelang kausap. Nagtataka lang siya kung bakit ibang iba ito sa nakagisnan niyang Ren sa trabaho. Ano kayang tinatago nito? Manghang tumigil si Monette bago tumawid sa kabilang kalye at humarap kay Ren. Si Ren naman ay gulat din sa pinapamalas na ugali ng dalaga. Ang buong akala niya ay suplada ito dahil tuwing mabubungaran niya ito ay nakataas lagi ang kilay o di kaya’y nakakatitig nga ng taimtim sa kanya na medyo nakakaasiwa.

“Ito na nga titigil na. Sa susunod dun ka nalang uli sa normal mong ruta ikaw dumaan ha? Baka wala nang makasagip sayo pag may next time pa.” wika ni Ren na hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi habang nakatingin kay Monette.

“O pano, dito nalang ako. Maayos naman na dyan e maraming tanod dyan pagka ganitong gabi. Safe na safe ka na dyan.” Pahabol ni Ren.

“Salamat uli. Di na ako uli dadaan dun. Mag-ingat ka pabalik at good night” tugon ni Monette sa nakangiting si Ren at wala sa wisyong napatitig dito. “Gwapo talaga ang lalaking ito” sigaw ng isipan niya at biglang may narinig siyang pitik.

“Hayan ka nanaman. Tunaw na.” pang-aasar ni Ren na tila pinapapungay pa ang kanyang deep-set-eyes at biglang PAK! “Aray! Di mo alam kung gano kasakit iyon” sigaw ng binata habang hinihimas ang brasong natamaan ng hampas ni Monette.

“Sows! Lakas mo rin e noh? Gutom lang yan, Ren. Sige na, hahaba! Paalam!” sabay lahad ng napakatamis na ngiti ng dalaga bago ito tumawid sa kabilang kalasada at di na inantay ang sagot ng binata. Napapailing namang tumalikod si Ren. “Iba talaga ang babaeng iyon”, pakikipag-usap nito sa sarili na nakangiti pa rin, “sa tinagal-tagal naming magkasama sa trabaho ngayon ko lang siya nakausap.” At tuluyan nang naghiwalay ang landas nila nang gabing iyon.

1 comment: