Friday, May 6, 2011

Trial and Error: IV

Chapter 4
“Dude! I’m in class, this isn’t allowed.” Reply ni Brett kay James na kabadong tinext si Brett nang malamang kailangan nitong haraping muli ang mommy ni Devon.

“Her mom’s coming during recess time. I don’t know what to do.” Reply back ni James kay Brett.

Ayaw na sanang sumagot ni Brett pero nang mabasa ang text nito e kulang na lang tawagan na niya si James.  Kaya he excused himself na siya namang pinagtaka nina Devon at Fretzie pero walang lingon lingon ay lumabas si Brett ng classroom pagkapaalam sa guro.

“Just be yourself. Tell her you don’t intent that to happen. That you love her daughter.” Reply ni Brett sa kaibigan.

“Okay. Sounds like a plan. I’ll let you know what happens. Thanks!” sabay bulsa ng cellphone ni James.

Dumating na ang oras na pinangangambahan ni Devon at James. Nasa garden na si Devon dahil andun na ang mommy niya.  Walang masyadong tao dun dahil lahat ng estudyante ay nasa quadrangle.

“Matagal pa ba ang lalakeng iyon?” aburidong tanong ni aling Linda. “Baka po parating na, Ma.” Tugon naman ni Devon na hanggang ngayon ay di pa rin makatingin ng diretso sa ina.

“Di ba kayo magkaklase? Wag mong sabihin sa aking mas matanda ka sa lalakeng iyon?” bulalas ng ina. “Hindi Ma, magkasing-edad po kami sa ibang section lang po siya.” Sagot ni Devon na naiinis na rin dahil sa kakuparan ni James.

Parang bigat na bigat naman ang bawat hakbang ni James pero nakikita na niya ang mag-ina. Pakiramdam niya ay tagaktak na ang pawis niya. “Calm down, James. Be yourself! Tell her you love Devon.”

Nang makarating si James sa garden, “Good morning, Ma’am. I’m really sorry about what happened yesterday.” Mabilis na pagsasalita ni James.

“I’ll do the talking young man. I don’t think sorry will be enough to cover up what I witnessed yesterday. Englisero pa pala ang lintyak na ito!” sabay tingin kay Devon ng pagkatalim-talim.

“Nakakaintindi ka naman siguro ng tagalog ano? Dahil di naman kahusayang mag-inglis ng anak ko. Anway, hindi ko alam na may nobyo pala ang babaeng ito. Mabait ito e! kaya hindi ko alam kung anong klaseng panguudyok ang pinadinig mo sa anak ko at nagawang magsinungaling sa akin? Nobyo ka ba nya?!” nanginginig na ng kaunti ang boses ni aling Linda.

Nakakaintindi si James ng tagalog pero hindi ng malalalim na salita tulad ng nobyo. Kaya ng marinig nito ang huling tanong, takang napailing ito at tumingin kay Devon. Na siyang ikinagulat ng ina at walang anu-ano’y… PAK! Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng dalaga. Nabigla si James na hindi mawari kung pano sasalagin ang sampal na pinakawalan ni aling Linda pero nahuli siya.

“Hindi ka pala nobya nitong lalaking ito at pumayag kang ganunin ka?!” punong puno na ng galit ang mga mata ni aling Linda.

“James! Nobyo is boyfriend.” Naiiyak na sabi ni Devon na medyo nasaktan din sa pag-iling ni James pero nagets naman niyang di ito naintindihan ng boyfriend.

“I’m sorry Devon, Ma’am. Yes, I’m her boyfriend.” Gulong gulong sagot ni James habang nakatingin kay Devon na wari’y nanghihingi ng tawad.

“Not anymore!” matapang na pagkakasabi ng ina ni Devon. “From now on, I don’t want you two to be together. I will talk to your teachers and ask them to keep an eye on you two. Pinahihirapan pa akong mag-english neto. Ititigil nyo ang anumang ugnayang meron kayo or else hindi kita mapapatawad Devon at hindi ka tutungtong sa kolehiyo. You, young man! You stay away from my daughter from now on. If I learned that you two are still seeing each other I swear to God, I’ll have you dead.” Pananakot ng ginang sa dalawa.

Nagulantang si James sa narinig. Gusto pa sana niyang mag-salita pero wala nang lumalabas sa bibig niya. Baka pag nagsalita pa siya ay masampal nanaman si Devon. Mabuti sana kung sa kanya babagsak ang mga kamay na iyon.

Habang si Devon ay alam na ang kahihinatnan ng pag-uusap na iyon. Maliban sa sampal na natamo dahil sa di pagkakaintindi ni James. Gusto sana nyang pektusan si James ng mga panahon na iyon kaso di iyon ang prioridad ng mga oras na iyon.  

Walang nagawa si James at Devon kundi sumang-ayon nalang kay aling Linda.

“You two should be focusing on your studies and not in fooling around. You haven’t proven anything yet. I couldn’t believe what has gotten into your heads. I won’t surely tolerate such acts!” dirediretsong pahayag ni aling Linda na unti-unting kumakalma.

Sabay na sabay na tumango si James at Devon. “I understand where you’re coming from” tugon ni James.

“Good! I’m glad you understood what I just said. Be very careful, I’ve got eyes on you two. Don’t you dare mess with me. Papunta palang kayo, pabalik na ako. Hala sige, you may go now, James is your name, right?” tumango naman si James. “Okay, I don’t have any plans of remembering your name but please go now and Devon and I still need to talk. By the way, I hope this will be our last meeting, James.” 

“I’ll go ahead Ma’am. Sorry again. Devon, bye.” Sabay talikod ng binatang hindi malaman kung san susuot matapos malaman ang kinahinatnat ng kaganapan kahapon. Para siyang na knock down ng ilang beses.  Di niya lubusang maisip na mawawala si Devon ng ganun-ganon lang. Di na maipinta ang itsura ng binata ng makarating sa classroom.

No comments:

Post a Comment