Saturday, May 14, 2011

Trial and Error: XIX

Chapter 19

Kumain lang saglit sa labas ang pamilya Soriano para icelebrate ang graduation ni Devon.  Si Mang Greg ay wala pa ring tigil sa kakukwento tungkol sa ikinatuwa nitong muli nilang pagkikita ni Mr. Mathew.  Naririndi naman na si Aling Linda sa kakadinig ng pangalan ng lalaking iyon pero hinayaan na muna niya ang asawa.  Inisip nitong sa bahay nalang sila mag-usap. Habang si Devon ay gulat pa rin sa nalaman at gusto sana niyang matuwa sa mga kaganapan kanina pero nakikita niyang hindi maganda ang rumirehistro sa mukha ng kanyang ina sa tuwing mababanggit ng ama niya ang pangalan ng Daddy ni James.

Nang makarating sa bahay ay diretsong pumasok si Devon sa kwarto. Dali dali nitong kinuha ang cellphone at siniguradong nailock ang kanyang pinto.

“Hi Baby!” mahinang bulong ni Devon sa cellphone pagkasagot ni James.

“Are you okay?” alalang tanong ni James dito.

“I’m fine, why’d you ask?  Actually, I have to tell you something pero baka nabanggit na ng Dad mo.” Wika ng dalaga.

“Nothing.  I was just worried about what happened earlier after the ceremony. “ sagot nito.

“So, you already know that Papa knows your Dad from his trip way back?”

“What?!” gulat na sabi na sabi ni James at napakamot sa ulo nito. Di siya makapaniwala sa sinabi ng nobya, “What do you mean your father knows my Dad?”

At kinwento ni Devon ang naganap sa ama nito at kay Mr. Mathew.  Habang nakikinig si James ay hindi nito malaman kung ano ang dapat maramdaman.  Buong akala niya kaya kinausap ang Daddy niya dahil sa pagsisiwalat ni Trish sa sekreto nila pero hindi dapat siya makampante.  Kung hindi pa kumikilos si Trish ay dapat maging handa siya sa maari nitong gawin.

“That’s really amazing! See, I really think that we are meant for each other.” Ngiting ngiting wika ng binata at napahagikgik naman si Devon.

“I know right. But I don’t think Mama is thrilled about it. Good thing Papa doesn’t  know about what happened between us.”

“Let Mama be. We can’t force her now. Just remember our plan we have to prove ourselves to her. Okay?” seryosong wika ni James.

“Yes naman! Ibabalik ko iyong toga ko tomorrow gusto mong magkita tayo sa inyo?” kinikilig na wika ni Devon na napapapikit pa habang binubulong sa telepono ang sinabi.

“Will they allow you to go out tomorrow? If you can then it’s a date! Just text me where I’m picking you up.”

“I already talked to Papa about it. I told them I’ll be with Vanessa and Vanessa will pick up tomorrow her at my house.  By the way, just wait for me at your place.” Wika nito.

“Sounds good to me. You need to rest now. Congratulations! I love you, Baby.” Malambing na wika ni James.

“I love you more! Bye!” sabay pindot ng end button si Devon at binura ang call registry ng phone.

Si James naman ay nilapitan ang ama matapos makausap ang nobya.

“I didn’t know you know my future father-in-law, Dad.”  Ngiting ngiting wika ni James sa ama.

“I was about to tell you earlier but you stopped me.” Wika ng ama.

“So, tell me Dad. What really happened earlier?  I was about to approach you, good thing I saw who you’re talking to. I was scared as hell.” Natatawang wika ni James sa ama.

Kinwento naman ng buo ni Mr. Mathew ang pangyayari kanina. Natutuwa si Mr. Mathew na nakilala nitong muli ang ama ni Devon.  Alam niyang galing sa mabuting pamilya ang dalaga kaya mahal na mahal niya rin ito. Pero hindi mawala sa isip nito ang mga mata ng ina ni Devon. Alam nitong hindi siya gusto ng ginang.

No comments:

Post a Comment