Chapter 29
“How could you? You bitch! That was supposed to be a secret! I could kill you right now!” galit na galit na wika ni Rica sa kabilang linya ng telepono.
“You deserve that! You should thank me, I just told him about Adriane. Wait ‘til he hears about the other 4 guys.” Pakakaipagtuos ni Trish kay Rica.
“Oh, thank you so much! The only guy who worships me just dumped me because of your big mouth. I would really appreciate it if you take that back!” pananakot ni Rica.
“Oh no, dear! It has been said and done. I know James. He’s the kind of person who doesn’t like to be treated like what you did. His ex is way better than you! Whore!” pagmamaldita ni Trish na pakiramdam niya ay nakaganti na siya ng bonggang bongga sa babaeng kausap.
“Look who’s talking?! So who are you sleeping with right now? I need to warn him to have himself checked, he might get some sort of virus from you.” Matabil na wika ni Rica.
“Huh! I don’t give a shit what you say. You’re alone now! James just DUMPED you! Keep that in your mind. Go back to your Adriane and shut your dirty dirty mouth or I’ll tell my Dad that you’re making up stories about me and ask him to pull out all our shares in your aweful business. I’ve had enough of you bitching around and telling lies. Now I know why you put a lot of make-up in your face, to cover up all your flaws in life!” sabay end ni Trish sa call at hagalpak ng tawa.
Samantalang si Rica ay mura ng mura pagkatapos makipag-usap kay Trish. Hindi nito malaman kung anong gagawin at ayaw nitong isipin na makikipagbalikan na si James kay Devon.
Nakuha na ni Rica ang lahat ng impormasyong kailangan. Mabilis itong kumilos at nang marating ang lugar ay dumiretso na ito kung saan tatagpuin ang hinahanap na tao.
Tapos na ang last class ni Devon kaya nagmamadali itong makauwi. Paglabas niya sa gate ay parang bumigat ang pakiramdam niya sa pasalubong na babae. Alam ni Devon na pamilyar ang muka nito pero hindi niya maalala kung sang eksaktong lugar niya nakita ang babae ng matuon ang paningin niya sa pilikmata ng dalaga. Doon niya naalala kung sino ang babaeng papalapit sa kanya kaya tinitigan na niya ang babae ng masama.
“Hi! You’re Devon, right?” wika ni Rica.
“Yes. Rica, right?” matigas na sagot ni Devon at nagulat naman si Rica dahil nakilala siya nito.
“Good, you know me already. I don’t have to introduce myself. Can we talk?” wika ni Rica at hinawakan ang braso ni Devon. Kumawala naman ang braso ni Devon sa pagkakahawak na animo’y nandidiri.
“We’re talking now. What do you want?” iritang tanong ni Devon.
“Okay. I don’t want to be scandalous but if you insist that we talk here, I’m fine with that.”
“Just go straight to the point. I don’t think you came all the way here just to make some small talk.”
“Oh! Feisty! I know now why James liked you. He really likes women with attitude, like us.”
“Huh! Please don’t compare yourself to me, you don’t know me. Now, what is it that you want? You’re wasting my time.”
“I’m sorry. I just want to let you know that James and I are having a baby. Apparently, James didn’t take it as good news and threatened me that he’ll go back to you. I’m here to ask you to say no to him when he asks you back. This isn’t about me anymore, it’s for that sake of our baby.” Wika ni Rica na parang nagmamakaawa’t nakahawak pa sa tyan niya. Napataas naman ng kilay si Devon sa sinabi ng kaharap na babae.
“What now? You know what, I don’t have time for this and I don’t care about your lives. I’m okay now so stop bothering me. That’s your problem and not mine. Deal with it yourself! And please don’t ask me to do favors for you. I don’t owe you anything!” gigil na gigil na wika ni Devon at nilayasan ang babaeng puno ng kolorete sa muka sa harap ng gate ng campus.
Dumiretso si Devon kila Kyra at sinigurado nitong wala ang Tita Lani niya sa bahay bago ito umakyat sa kwarto ng pinsan.
“Nananihimik na ako e.” iyak na bungad ni Devon sa pinsang busy sa ginagawang project.
“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Galing ka bang school?” gulat at alalang tanong ni Kyra sa pinsan at pinaupo ito sa kama.
“Ang walanghiyang Rica na iyon, nag-aksaya pa talaga ng panahong magbyahe dito sa Davao.” Hikbing wika ni Devon.
“Rica?! Iyong ipinalit sayo ng walanghiyang James na iyon? Pumunta dito? Nasan na? At bakit daw? Kasama ba ang gagong lalakeng iyon?” nabitawan na ni Kyra ang ginagawa at nanggigil na rin ng marinig ang pamilyar na pangalan.
“Pinuntahan ako sa school kanina at kinausap akong hwag daw akong pumayag na makipagbalikan kay James dahil buntis daw siya.”
“Ano kamo?! Di ba pwedeng gawin sa telepono iyon? Buntis kamo? Pero nakapagbyahe? Ang tapang naman ng apog ng babaeng iyon. Dapat pala nagpasundo ka sa akin ng masikmuraan ang buntis na iyon. Kapal!”
“Sobrang kapal talaga! At isa pang makapal ang muka ng lecheng James na iyan, makikipagbalikan matapos makabuntis. Ano ako tanga?”
“Nakakaloka! Dalawang taon at mahigit na bakit binabalikan ka pa rin nila? Mga walang puso ang mga iyon. Tumahan ka na, pinsan. Wag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga iyan. Nakakaloka!”
“Pano kung tawagan nga ako ni James.”
“Hoy! Babae! Umayos ka ha. Parang umaasa ka rin e. Tigilan mo yan. Tapusin mo ang pag-aaral mo at ipamuka mo sa kanilang di mo kailangan sa buhay mo ang lalaking yan. Sarap mo ring kutusan e.”
“Naiinis naman kasi ako. Maayos na ako e. Nanggugulo nanaman sila.”
“E kung talagang wala na sayo, hindi ka dapat naaapektuhan ng ganyan. Umayos ka na ha, baka masapian ako ni Tita Linda dito masampal kita nang matauhan ka dyan.” At natawa si Kyra sa huli nitong sinabi. Napangisi na rin si Devon at pinahiran nitoa ng mga luha.
“Tama! Erase! Erase! Erase! Bukas nga ihatid-sundo mo nga ako sa school baka di pa bumabalik ng Maynila ang bruhang iyon. Naubusan ako ng English kanina! Syetness!” at nagkatawanan na silang magpinsan. Para lang mga baliw na binato ni Kyra si Devon ng eraser at wari’y buburahin naman ni Devon ang ulo.
****
“Don’t drop this call, James. I have something important to tell you. Devon doesn’t want you back.” Mabilis na pagsasalita ni Rica.
“The hell! You talked to Devon? Why?” pasigaw na wika ni James sa kabilang linya.
“I did you a favor. Since you broke with me, I knew you’re thinking of getting her back. So, I went to Davao to meet her.” Kalmadong wika ni Rica.
“You’re sick! You went to Davao just to get that information?! Rica, you’re hopeless. Please don’t call me anymore. Don’t ever talk to Devon again. Leave her out of this. If you think I’ll come running back to you just because Devon doesn’t want me anymore then you’re wrong. So please stop.” At di na inantay ni James na makasagot si Rica at tinapos na nito ang tawag. Hindi naman malaman ni James kung ano ang gagawin sa katangahang ginawa ni Rica kay Devon.
“Hello, Fretzie?” wika ni James matapos idial ang pamilyar na numero sa cellphone niya.
“Yes? Who’s this?” wika ni Fretzie kahit alam niya nang si James ang nasa kabilang linya.
“This is James, Fretzie. Can I talk to you about Devon?” lakas loob na wika ni James.
“What about Devon? Please James, if you’re planning on hurting my Bessy again, I won’t ever forgive you.” Matigas na sagot ni Fretzie kay James.
“No. no. I just called to ask a favor. I broke up with Rica and Rica did something stupid.”
“And Devon has something to do with that?”
“Please let me finish. Rica went to Davao and talked to Devon. I don’t know the whole story but I’m pretty sure Rica did something really stupid. Can you please check on Devon? Tell her to not believe whatever Rica told her.” Pagsusumamo ni James at naramdaman naman ni Fretzie na seryoso si James sa pakiusap kaya sinabihan niya ito na susubukan niyang kausapin si Devon at babalitaan na lang siya nito.
Agad namang tinawagan ni Fretzie si Devon at isinalysay ni Devon ang nangyaring pagkikita nila ni Rica. Gulat na gulat si Fretzie sa narinig na buntis si Rica. Wala ring alam si Fretzie sa totoong dahilan ng hiwalayan nina Rica at James kaya wala itong masyadong naikumento sa kwento ni Devon. Pinagsabihan nalang ni Fretzie si Devon na mag-ingat at wag nang makaipag-usap kay Rica.
Samantala si Devon ay bumalik nanaman sa dati nitong gawi na nakakatulugan na ang pag-iyak. Kahit papaano ay umaasa pa rin siyang darating ang araw na magbabago ang ihip ng hangin pero hindi sa ganung paraan.
No comments:
Post a Comment