Chapter 27a
“Devon, tulala ka nanaman.” Sundot ni Kyra sa tagiliran ng pinsang blangko nanaman ang ekspresyon sa muka. Ginawaran naman niya ng tipid na ngiti si Kyra.
“Alam mo feeling ko kailangan mo nang mag-move-on.” Wika ni Kyra habang hinaplos nito ang balikat ng pinsang nakaupo pa rin sa may bintana.
“Feeling ko nga rin. Tagal na noon ano? Hiniwalayan lang ako ng mokong, hindi ko naman kasi talaga mabibigay ang gusto niya.” Tingalang sagot ni Devon sa pinsan. Puro lungkot naman ang nababanaag ni Kyra sa muka nito.
Dalawampu’t apat na buwan at limang araw ang saktong bilang ni Devon nang hiwalayan siya ni James. Pumatak nanaman ang luha niya nang maalala ang mga pangyayari
Flashback…
Nakadalawang beses pa ng dalaw si James sa Davao at kahit nakalipat na ang pamilya Soriano ay nagawa pa rin ng magkasintahan na magkita sa tulong ni Kyra. Naging masaya naman sila kahit na paminsan minsan ay nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawan. May isa pa ngang pagkakataon na higit isang buwang hindi nagparamdam si James kay Devon at nabalitaan ng dalaga mula sa mga kaibigan sa Maynila na may bagong barkada si James at madalas kung gumimik kaya madalang na rin nila itong nakakasama. Pero hindi bumitiw si Devon at nagkakaayos rin naman sila. Kaya nung sumapit ang debut ni Devon hindi ito humiling ng engrandeng selebrasyon bagkus hiningi nitong regalo ang makapagbakasyon sa Maynila kasama si Kyra bilang chaperone kahit 3 araw para isang araw lang ang absent niya sa summer class. Sa hindi malamang dahilan ni Devon ay walang tanong tanong na pumayag ang mga magulang niya at pinayagan silang lumawas sa Maynila.
Inilihim ni Devon ang pagluwas sa Maynila kay James para sana surpresahin ito. Tumuloy silang magpinsan kina Fretzie. Masayang nagkita-kita ang dating magbabarkada sa tahanan ng mga Briones maliban kay James.
“Shocks, Bessy! Sigurado ako matutuwa si James when he finds out that you’re here!” puno ng galak na wika ni Fretzie.
“I think so too” sabay na sabay na wika nina Ivan at Brett. Natawa naman ang lahat sa pagsasabay ng dalawa.
“I already texted James and told him to meet me tonight at Greenbelt. He said yes but I don’t know where he is right now. I stopped by their house earlier but Manang said he’s out.” Pagpapaliwanag ni Brett.
Hindi naman malaman ni Devon ang excitement na nadarama. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang mang-gugulat sa nobyo.
“Kamusta naman pala kayo ni James sa set-up niyo? Nakakabilib kayo ha, long distance relationship.” Tanong ni Fretzie.
“Hmmm… Ayus naman kahit papano. Ako, nagiging kontento na akong nakakausap siya sa skype pero lately di na everyday kung makapag-usap kami. Busy siguro siya sa school.” Wika ni Devon at may patangu-tango pang nalalaman si Kyra.
“So, do we. We seldom see him unlike before. He has his own set of friends now but we understood since he’s in a different course.” Sabat ni Brett pero halatang dismayado ito.
“Naku, hayaan nyo na si James nagbibinata e. Bessy, nakita ko ang mga dala mong damit. Hindi pupwede iyon sa pinaplano naming pagkikita nyo ni James. Kailangan nating magmall.” Excited na ring wika ni Fretzie na sinang-ayunan naman ng lahat.
“Yes! Iinggitin ko ang mga echuserang bullfrog kong classmates na nakarating ako sa bonggang Mall of Asia.” Tuwang tuwang saad ni Kyra na parang kilig na kilig habang sinasabi iyon.
“Let’s go!” wika ni Ivan at nagsipagsunuran naman ang lahat sa paglabas nito ng bahay.
Nakarating sila sa Mall of Asia, manghang mangha si Kyra at parang batang nakaholding hands kay Devon at pasway-sway pa ang mga kamay. Ilang shops na rin ang napasok nila pero walang mapili si Devon na susuotin. Pagod na ang lahat kaya nagkayayaang tumambay muna sa Starbucks. Naiwan sa lamesa sa labas ang mga babae habang umoorder sina Brett at Ivan.
“Oh my gulay! Devon, magtago ka ay tayo pala! Si James iyon di ba?” tarantang wika ni Kyra kay Devon ng maaninag nito ang gwapong binata na naka-aviator shades pa. Alam ni Kyra na si James un kahit kalahati lang ng muka nito ang nakita dahil sa nakaharang na mama. Sakto naman ng malingon ni Devon ay lumakad si James at napuna niyang may babaeng nakasunod dito at nang maibaba ni Devon ang mata ay tumambad sa kanya ang kamay ng mga ito na mahigpit na magkahawak. Lumuwa ang mata ni Devon sa nakita at napahawak sa bibig. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso nya at nilingon siya ni Kyra at nakita nitong nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Devon.
“Kalamayin mo ang sarili mo, pinsan. Malay mo naman kaibigan lang iyon.” Pagpapakalma ni Kyra pero iba naman ang rumehistro sa muka ni Fretzie at bigla itong napatayo sa kinauupuan at nakakumyos na ang mga palad na halatang gigil na gigil na. Hinawakan naman ni Devon ang isang kamay ni Fretzie para pigilan ito sa balak na gawin ng huli.
“Bitiwan mo ako, Bessy! Sinabihan ko na ang babaeng yan e. Hindi talaga nakikinig ang haliparot na Ricang yan.” Gigil na sambit ni Fretzie sa kaibigan.
“May alam ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin, Bessy? Anong meron sa Rica na yan at kay James? Sagutin mo ko.” Wika ni Devon na nagpipigil sa pag-iyak dala ng hiya sa mga tao na naroon. Naisip naman ni Fretzie na mali ata ang nasabi nito, naunahan nanaman siya ng high-blood niya.
Hinarap ni Fretzie si Devon,“Isa sa bagong barkada ni James si Rica, Bessy. Pero alam kong may hidden agenda ang babaeng yan dahil kung makapalupot kay James kala mo pag-aari niya. Pinagsabihan ko na iyan at alam niyang may girlfriend si James. Pasalamat siya’t nakapagtimpi ako noon sa kanya kundi nahatak ko ang peke niyang pilikmata.” Habol hiningang pagtatapos ni Fretzie sa haba ng sinabi nito. Napayuko naman si Devon sa narinig, iba ang kabog ng dibdib niya ng mga panahon. Naglalaban na ang utak at puso niya sa nakita.
“Pabayaan nyo na. Salamat, Bessy ha. Tatanungin ko nalang siya mamaya tungkol kay Rica.” Halos bulong na wika ni Devon na nagpataas ng kilay ni Kyra.
“Makikipagkita ka pa rin? Devon, ano ka ba? Harap harapan na iyon e. Wag kang magpakatanga.” Inis na wika ni Kyra sa pinsan.
“Kailangan niyang magpaliwanag sa akin, Kyra. Karapatang kong malaman ang katotohanan.” Direstong titig nito kay Kyra.
“Bahala ka! Wag mong sabihing hindi kita pinagsabihan. Pag-umuwi ka mamayang luhaan wag mo kong kausapin. Bibigyan kita ng piso para maghanap ka ng kausap mo.” Matigas na saad ni Kyra sa pinsan at nakipagtagisan pa ng ilang sandali sa pakikipagtitigan dito.
“Is something wrong?” alalang tanong ni Ivan.
“Meron! Yang pagi-english mo. Balita ko matagal ka na dito di ka pa rin nagtatagalog?” wala na sa mood si Kyrang naibaling ang inis kay Ivan.
“What’s wrong with you? I’m not even talking to you.” Napikon na si Ivan sa inasal ni Kyra. Nagmake face naman si Kyra dito.
“Tumigil na nga kayong dalawa.” Pagsasaway ni Fretzie sa mga ito at si Devon ay bumalik sa pagyuko, “Nakita namin si James kasama si Rica at magkaholding hands.” Pagpapatuloy ni Fretzie.
“What?!” sabay nanamang wika nina Ivan at Brett.
“You know what, we probably need some time off from each other. I don’t wanna be tagged as your B1.” Mabilis na wika ni Ivan kay Brett na napahingisi naman sa narinig mula kay Ivan. Pero natuon naman din agad ang pansin nila kay Devon.
“So, are we still on with our plan tonight? You know maybe James just accompanied Rica for some errands.” Wika ni Brett.
oh may gawd!!
ReplyDeletebopbopbop na rica yan..
anak nang pating hanggang dito ba naman hindi mo lulubayan si James. harharharhar
ganun talaga ang natural na makati kahit gang FF naguumalpas. hahaha! APIR!
ReplyDelete