Chapter 24
Mabilis na nagpaalam si Monette sa ina at sa mga Romualdez na tutuloy muna ito sa mga pinsan sa kabilang barrio. Pagkakuha ng gamit ay nagpaalam na rin it okay Lenny at sinabihan itong magkikita nalang sila kinabukasan sa pupuntahan nilang reunion.
Halos hapon na at hindi na masyadong kainitan kaya naisip ni Monette na maglakad nalang papunta sa mga pinsan. Nang makaramdam ng pagkahapo ay tinungo nito ang isang waiting shed at umupo dito.
“Napakaliit lang talaga ng mundo. Bakit ba naman kasi si Jay ay si Ren din? Sana naman hindi na ituloy ng mga magulang nila ang planong pagpapakasal sa dalawa. Igugunaw iyon ng mundo ko. I swear!!!” pakikipag-usap ni Monette sa sarili.
Biglang may sasakyang dumaan na napakabilis kaya lahat ng alikabok sa kalsada ay nagising nito’t napunta sa muka ng nagpapahingang si Monette. Busit na busit na sinundan ng tingin ni Monette ang kotseng dumaan at pinagpag ang suot na palda.
Napansin naman ng nagmamaneho ang babaeng dumungaw sa waiting shed mula sa rearview mirror nito bigla nitong inaapakan ang brake ng kotse ng makumpirmang kilala niya ang dalagang nasa waiting shed. Agad na inatras nito ang kotse at tumigil sa babaeng nakasimangot. Ibinaba nito ang passenger’s window.
“Monette?” sigaw ni Ren na nasa driver’s seat. Nagulantang naman si Monette nang marinig ang pangalan niya at dahan-dahang sinilip ang nagmamaneho ng kotse. Biglang nabitawan ni Monette ang bitbit na bag nang makitang si Ren ang lalaking tumawag sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ni Ren kay Monette na tulala pa rin.
“Nak ng patola!!! Bakit ba ako nagpalda ngayon? Syet! Kumalma ka!” bulalas ng isip ni Monette.
“Ano, ummm, ikaw! Anong ginagawa mo dito? Tagal mong nawala. HInahanap ka ni bossing hindi ka man lang nagpaalam.” Pilit na pagiiba ng topic ni Monette at napangisi naman si Ren sa narinig.
“Really? Change topic! You’re so predictable, Monette.” Wika ng isipan ni Ren.
“I asked you first.” Simpleng sagot ni Ren.
“Syet! Ayan nanaman ang accent nay an. Buti nalang nakashades ka at di ko nakikita ang mga mata mo. Tsk!” bulong ng utak ni Monette.
“Because…. Sinamahan ko ang dyosa kong umuwi dito. Masama?” mataray na sagot ni Monette sa binata. Pagkasagot ni Monette ay inayos naman ni Ren ang kotse para maiparada ito at lumabas ng sasakyan.
“Oh my gawd! She’s wearing a skirt! She looks so radiant with the sun rays beaming on her dark skin. Snap out of it!” pagsuway ni Ren sa isipan niya at napangisi.
“I guess her parents didn’t know that you two are gay. You are actually wearing a skirt.” Nangingisi pa ring wika ni Ren na nagpapuot kay Monette sabay irap nito. “It actually suits you.” Pahabol ni Ren at nagblush naman si Monette sa nadinig pero hindi pa rin nito nilingon ang kausap na binata na ngayo’y nasa tabi na niya.
“So, saan ang punta mo niyan. I bet hindi ka magstay sa DYOSA mo kasi hindi nga alam sa kanila?” tanong ni Ren dito.
“Oo! Bawal ako dun magstay. Dun ako sa mga pinsan ko pupunta.” Iritang sagot ni Monette. “Pakamalas talaga’t kailangan pang ngayon kami magkita.” Bulong ng isip ni Monette.
“Tara! Ihatid na kita. Mukang pagod ka na e.” ngiting wika ni Ren sabay tanggal ng shades niya at pinakatitigan ang dalaga. Bigla din namang napatingin si Monette sa binata at di namalayang napatagal ang titig nito’t isang pitik ang narinig niya.
“Hindi ako sa sinag ng araw matutunaw kundi sa mga tingin mo. Kung hindi ko lang alam na tibo ka, iisipin kong may gusto ka sa akin.” Pangungulit ni Ren na nagpalaki ng mga mata ni Monette. Biglang isang malakas na hampas ang isinagot ni Monette sa hirit ni Ren at napa-igik ang binata.
“Shet! I forgot how hard you hit. That hurts, Monette.” At hinimas ang brasong natamaan. Nakunsensya naman si Monette at napahimas na rin sa braso. Kuryente! At biglang inalis ni Monette ang kamay sa braso nang nakangising si Ren. Bigla namang kinuha ni Ren ang bitbit na backpack ni Monette at walang anu-ano’y kinuha nito ang kamay ni Monette at iginaya papunta sa kotse niya. Hindi malaman ni Monette kung pano pipigilan ang kasiyahang nadarama pero halos magmuka na siyang natatae sa pagpigil.
Pinagbuksan siya ni Ren ng pinto at pinapasok sa loob ng kotse. Umupo na rin si Monette sa passenger’s seat at pagkasara ng pinto niya’y agad ding umupo si Ren sa driver’s seat at tinignan siya.
“Is she blushing? She’s not. But why is my heart beating this fast.” Bulong ng isipan ni Ren at napahawak sa dibdib niya. Napuna naman ni Monette iyon at nabahala.
“Anong nangyayari sayo, Ren? Okay ka lang?” alalang tanong ni Monette at napatingin naman si Ren sa kanya at nginitian ito. Iniwas agad ni Monette ang mga mata niya sa binata at umayos ng upo.
“Tara na. Alis na tayo. Sa susunod na bayan lang ako.” Wika ni Monette na iwas pa rin ang paningin sa binata. Ilang sandali pa’y hindi pa rin nagiistart ang kotse kaya nilingon na niya si Ren.
“May balak pa ba tayong umalis? Kasi pwede ko namang lakarin.” Mabilis na wika ni Monette at biglang kumilos si Ren kaya napasandal muli si Monette sa kainuupuan at bigla nalang na nasa harap na niya ang muka ng binata at nakatitig dito nang… Click! Nagulat si Monette at agad ding bumalik sa ayos si Ren at nagsuot na rin ng seatbelt.
“Hindi ka pa kasi nakaseatbelt.” Ngiting wika ni Ren pero nakatingin lang sa kalsada at pinaandar na ang kotse.