Chapter 18
Hindi pa sumisikat ang araw at wala pang tilaok ng mga manok na panabong ng kabitbahay pero si Ren ay gising na gising na. Parang turumpong inimis ni Ren ang mga gamit at nilagay sa maleta. Mabilis na nilock nito ang pinto ng kwarto at bumaba ng apartment. Agad siyang sumakay sa itim na magarang kotseng nag-aantay sa kanya.
Ilang oras ang nakalipas at narating ni Ren ang bahay ng mga McKinley sa Lucena. Tirik na ang araw, at kahit nakaupo lang buong byahe si Ren ay halatang halata ang pagkapagod nito. Pagkahinto ng kotse ay agad bumaba si Ren at binitbit ang kinuhang maleta ng driver sa trunk.
“Manang, get his things and put them in his room.” Wika ng dalagang pusturang pustura’t nakaabang sa bukana ng pamosong pintuan ng mga McKinley.
“Hindi na po. Kaya ko na. Salamat, Manang.” Mabilis na wika ni Ren at tinitigan ang nakatatandang kapatid na sumalubong dito.
“You know you can speak english here. Your tagalog sounds weird.” Wika ni Andrea at ginulo ang buhok ng kapatid. Inis na napatingin si Ren dito at inayos ng isa niyang kamay ang nagulong buhok.
“You look so thin, baby brother. Are starving yourself to death? If mum sees you, she’ll be furious.” Wika ni Andrea na nagsimula nang pumasok sa loob ng bahay.
“Amazing! After 2 years, this is what I get. Not even a Hi?” bulong ni Ren habang naglalakad kasunod ng kapatid.
Nang marating ni Ren ang kwarto niya’y inilapag na nito ang maletang bitbit. Bigla rin namang pumasok si Andrea sa loob at umupo sa kama nito.
“So, are you graduating yet?” kaswal na tanong ni Andrea habang nakatingin sa kapatid na binubuksan ang maleta.
“Not yet but I only have half a year to finish. You?” walang lingon-likod na wika ni Ren habang inaalis ang mga damit sa maleta pero di rin naman siya sinagot ng kapatid. “By the way, I won’t be staying long. I just came because of mum’s so-called-situation. I don’t wanna miss out on my studies again.” Seryosong wika ng binata.
“I know. You don’t have to worry. I think two weeks of your time is enough to make mum feel better.” Wika ni Andrea.
“Where is she anyway? Is she in a hospital?” wika ni Ren at hinarap ang kapatid na babae.
“Of course not, silly. What do you think mum has? She just misses you and just wanted to see you. She’s in her room.” Ani Andrea.
“Really now? I hope I won’t regret this meeting.” Matigas na wika ni Ren.
“Isn’t that too harsh, son?” biglang wika ni Mrs. McKinley sa anak. Nagulat naman si Ren at napaharap sa ginang na nakatayo sa may pinto ng kwarto niya. Lumapit naman din si Ren dito para magbeso.
“Aren’t you exaggeratedly thin!” bulalas ni Mrs. McKinley pagkatapos mahalikan ng anak at hinawakan ang braso nito.
“I just told him that, mum.” Sabat naman ni Andrea.
“The story of my life.” Sigaw ng utak ni Ren at nginitian nalang ang ina.
“I promise son, you’ll gain weight here. Mum will take care of you even if you left us.” Wika ni Mrs. McKinley na may paawa effect pa sa anak. Binigyan naman siya ni Ren ng tipid na ngiti.
“You all very well know why I left.” Bulong na sagot ni Ren at nginitan ang ina.
“You haven’t forgiven me yet.” Wika ng ina nito at sinapo ang isang pisngi ng binata. “Go change and let’s have lunch. You must be starving.” At iniwan na ni Mrs. McKinley ang magkapatid at bumaba sa kusina.
Nakangiting namang nakatingin si Andrea sa kapatid na nagpakunot ng noo ng binata.
“Why are you smiling like that?” takang tanong ni Ren sa kapatid.
“I was just wondering, how on earth were you able to decide to finally visit us? I thought from our last conversation you’ll be giving me a hard time convincing you but here you are. I’m just amazed and I hope you could stay longer.” Wika ni Andrea at akma sanang magsasalita pa si Ren para umapila sa huling sinabi ng ate niya, “I know! You won’t be staying longer than what we’ve agreed upon. Tell me, how is this possible?” tanong uli ni Andrea at namangha sa ngiting binato ng binata sa kanya.
“A friend made me realize that you’re still my family no matter what. But I’m telling you Ands, I can forgive but I won’t forget.” Wika ni Ren at naalala naman ang dalagang naiwan sa Maynila. Naisip niyang magpaalam dito pero wala na siyang oras at di rin naman niya alam kung pano makocontact si Monette.
“A friend or a girlfriend? It sounded different when you said FRIEND.” Panunukso ni Andrea at natatawa dahil napansin niya ang pagngiti ng binata matapos magsalita.
“Shut up! She’s just a friend.” Bulalas ni Ren at napahagalpak na ng tawa si Andrea. Nilapitan naman ni Ren si Andrea at kinilit sa tagiliran nito at nagharutan na sila sa kama.
No comments:
Post a Comment