Chapter17b
“Okay lang, wag mo nalang ulitin. Nakakadiri e.” pilit na wika ni Monette dahil batid niya sa sarili na nagustuhan niya ang ginawa ng binata sa kamay niya.
“Yan din ang problema sa pagiging mayaman ano?”, pag-iiba ni Monette sa usapan,” Hindi nagiging kuntento sa yaman at gusto pang lalong yumaman o di ka gagawa ng drastic measures para lang masagip ang kayamanan. Kaya ako masaya na rin ako sa simple kong buhay. Sorry Ren ha. Hindi ko alam na ganyan pala ang pinagdadaanan mo kaya ka pala hindi agad agad nakikipagkaibigan.” Wika ni Monette at binigyan naman siya nang tipid na ngiti ng binata.
“Ganun nga siguro. Kaya nga naging masaya na rin ako sa buhay ko ngayon. Iba rin iyong pakiramdam na galing sa sarili mong paghihirap ang pantustos mo sa sarili.” Ani Ren.
“Oo naman. Pero Ren, nakakaproud ka. Bihira sa mga mayayaman ang tumataliwas sa gusto ng mga magulang dahil takot din silang mamuhay sa di nila nakasanayan. Pero sana dumating iyong panahon na maging maayos din kayo ng pamilya mo.” Wika ni Monette at hinawakan ang balikat ng binata’t nginitian ito.
“Salamat, Monette. Pasensya na kung nasobrahan ako ng kwento. Pakiramdam ko kasi ikaw ang tamang taong pagkwentuhan ko nito e. Di nga ako nagkamali. Salamat uli. Pre.” Ngiting wika ni Ren na nagpasimangot naman kay Monette ng maranig ang huling sinabi nito.
“Bakit? May mali ba akong sinabi. Please wag ka nang magalit sa akin uli. Pinahirapan mo akong matulog nung huli e.” wika ni Ren at biglang natigilan sa huling sinabi.
“What the?! Why’d you say that? Stupid!” namumulang tengang pagbubulyaw ni Ren sa isip niya.
“What?!!! Nahirapan siyang matulog. Why?” tarantang wika ng utak ni Monette.
“Nahirapan! At bakit? Ano naman ako sa’yo’t nahirapan kang matulog nung nag-away tayo.” Panunukso ni Monette.
“Umm, ang ibig kong sabihin… Hindi kasi ako sanay na may kaaway. Iyon! Iyon nga mismo.” Windang na wika ni Ren at napatango nalang si Monette bilang pagsang-ayon pero batid niyang may ibang dahilan ang binata at di nito mapigilang kiligin.
“Akala ko, nagiging bading ka na e at magkakagusto ka na sa katulad ko.” Pangungulit ni Monette.
“Sira! Sa ganda ng girlfriend mo malabong mahulog ka sa akin kahit na maging bading pa ako.” Wala sa isip na wika ni Ren. “Seriously, Ren?! What’s happening to you?” bulyaw nanaman ng utak ni Ren.
“Nakita mo na girlfriend ko? Paano? San?” tarantang wika ni Monette at nananalanging sanay hindi tama ang hinala niya.
“Hindi pa, pero di ba ikaw na mismo ang nagsabing maganda siya. Baka gusto mo na akong ipakilala sa kanya. Tutal naman napakabigat ng kinwento ko sayo at buddies na tayo ngayon. Ano sa tingin mo? Pwede ko na ba siyang makilala ngayong gabi?” wika ni Ren na pangisi-ngisi.
“Please, let her say no.” munting panalangin ni Ren.
“Tse! Hindi mangyayari yang sinasabi mo. Saka na iyon. Pati diba hindi kita pinilit magkwento. Kaya wala akong utang sa’yo.” Mabilis na sagot ni Monette.
“Oh, galit ka nanaman. Nagbabakasakali lang. Tara na’t magmamadaling araw na. Hindi na uwi nang matinong babae iyan.” Natatawang wika ni Ren at tumayo.
“Ako? Babae? Gusto mo talagang maghalo ang balat sa tinalupan?” taas isang kilay na wika ni Monette kay Ren at natawa naman ang huli sa kanya.
“Sabi ko na e. Mahahighblood ka nanaman e. Biro lang. Halika na.” at inalok ang isang kamay para maitayo si Monette. Wala naman sa sariling kinuha ni Monette ang kamay na iyon at tumayo. Pagkatayo nya’y naitapak ni Monette ang isang paa sa nakaumbok na bato at nabuwal. Maagap naman siyang nasalo ni Ren. Pagtingala ni Monette ay tumambad sa kanya ang mga kulay tsokolateng mata ng binata at napangiti ito’t ganun din naman ang binata. Bigla namang may sumitang mga naglalakad sa kanila kaya natauhan silang pareho at tinulungan na ni Ren si Monette na tumayo ng maayos.
“Imbyerna galore si kuya! Sumitsit pa e, moment na iyon! Asar!” wika ng utak ni Monette.
“That was close!” sapo sa dibdib na bulong ni Ren.
“Ano iyon?” biglang tanong ni Monette na inaayos ang sarili.
“Wala. Tara na.” wika ni Ren at inalok nanaman ang kanyang kamay sa dalaga. Napatingin naman si Monette sa mga kamay na iyon at binaling ang paningin sa binatang nag-aantay sa kamay niya.
“E ano yan?” sabay turo sa nakalahad na kamay ni Ren. Biglang bawi naman ni Ren nang matauhan sa ginawa.
“Grabe na!!! Ibang level na ako! Tsk! Kung di lang ako nagpapanggap, Ren. Nakapalupot na ako sayo ngayon. Siyaks!!!” sigaw ng isip ni Monette habang si Ren naman ay napangisi at napakamot sa ulo.
“I’m loosing my senses here. Stop acting like a boyfriend and walk!” pagdidikta ni Ren sa sarili’t nagsimula nang maglakad.
“Uy, antay!” sigaw naman ni Monette at hinabol si Ren.
sis!!!anubeh!!kinikilig ako ng bongga!!next chap na!!
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa di pa nga aq maka get over kanina ito na naman ang isa pang kilignezzzz na scene!............bongga ka friend!.....nxt chapey nah!!!!!!!!!...........
ReplyDeletepa sigaw ulit!.........waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh