Chapter 4
Napabaliktwas sa kinahihigaan si Ren nang biglang tumunog ang cellphone nito. Sinagot nito ang tawag na pupungas pungas pa.
“Sorry, I wasn’t able to call you back last night. I was so exhausted from work.” Salaysay ng binata habang nahikab. “I’ll let you know when but most likely not in the near future. Tell her to be patient with me” sagot nito sa kausap sa kabilang linya in his normal Australian accent.
“Is that all? I can’t stay long. I need to prepare for an early class today. Talk to you soon.” Pagtatapos ni Ren sa tawag sabay buntong hinang binuksan ang radyo. Pagbangon nito ng tuluyan sa kama ay biglang pumasok sa utak niya ang naganap kagabi.
“Nakakaaliw pala ang Monette na iyon. Pero hindi ako dapat maging close sa kanya, mahirap na.” mahinang sabi nito sa sarili at tuluyan nang lumabs ng kwarto at direstong banyo para maligo.
Makalipas ang ilang minuto, isang malakas na katok ang nagpagising ng tuluyan kay Ren. “Bro! Pwede bang pa-ihi ako saglit di ko na matiis e?” sigaw ni Kian mula sa labas ng banyo.
“Bukas naman ang pinto. Pasok! Wag mo lang tatangkaing silipan ako ha?” sigaw nito pabalik kay Kian.
“In your wildest dreams, pare. Hindi ako ikaw!” resbak ni Kian sabay pasok sa banyo at diretsong wiwi na rin. “Bro, may narinig ako kanina nung dumaan ako sa kwarto mong australianong nagsasalita. Ikaw ba un?” tanong ni Kian.
Nagulat si Ren, ganun ba kalakas ang boses niya kanina? “Ano?! Anong australiano, ako? May sapak na ba talaga ang pag-iisip mo? Ung Radyo siguro un.” Depensa ni Ren sa kaibigan. “Di ka pa ba tapos dyan? Ilang drum ba ng tubig ang nainom mo at ang tagal mo ata?”
“Ito na tapos na. Ang selan mo talaga. Baka nga radyo ung narinig ko. Impossibleng ikaw iyon. Kasi kung ako ung may ganung accent di na ako titigil sa pagsasalita. Pang-attract ata iyon ng chicks.” Sabay flush ni Kian at labas ng banyo, “Salamat, bro! Ang kinis mo pala!” pagbibiro nito at sara ng pinto.
“Ungas! Sino ngayon ang bading sa atin?!” sigaw ni Ren sa makulit na kaibigan. “Muntikan na iyon” bulong nito sa sarili at pinagpatuloy ang pagbabanlaw.
Paglabas ng banyo ay agad nag-ayos si Ren at dumiretso sa hapag kainan. Nilantakan nito ang pandesal na nakahain sa lamesa. Madaling tinapos ni Ren ang huling pandesal niya at uminom ng tubig. “Kian! Di na kita antayin ha at may dadaanan pa ako sa registrar’s office.” Sigaw nito at kinuha ang bag mula sa sofa.
“Sige! Kita nalang tayo sa school. Sabay tayong maglunch ha? May utang ka sa aking pares!” pahabol ni Kian sa papalabas nang si Ren. Habang si Ren ay taas lang ng isang kamay ang itinugon.
*****
“Monette! Anong nangyayari sayo?” histeryang pang-gigising ni Lenny kay Monette.
“Ano? Bakit, anong meron?” nagulat at napabangon bigla si Monette sa higaan niya.
“Wala naman, friend. Ginigising lang kita baka kasi effective e. Mukang umubra naman sayo. Bangon na. Baka malate ka nanaman.” at hinablot ang kumot mula kay Monette.
“Salamat, dyosa! Nagising ang diwa ko dun. Pero dyosa, wala akong pasok ngayon e. Wrong timing ang experiment mo.” Nahihikab na sagot ni Monette sabay upo sa ulunan ng kama niya. Nasapo ni Lenny ang noo, “Gosh! Oo nga pala. Sensya na friend. Naexcite kasi ako e.”
“O sya, gising naman na ako, nagluto na ba si Ate Nelia ng agahan? Kung hindi pa ako na.” akmang tatayo na si Monette sa kama pero pinigalan siya ni Lenny. “Naku, friend okay na. Naisipan ko kasing magStarbucks ngayon for a change. Gusto mong sumama dun tayo mag-agahan. My treat!” masiglang sabi nito kay Monette. “Ay, teka! Next time nalang siguro bumalik ka na muna sa tulog mo. Nakunsensya naman ako sa nagawa ko.”
“Okay lang?” tanong ni Monette at mabilis namang tumango si Lenny. Ngumiti si Monette at bumalik sa pagkakahiga.
“Sige, friend. Mauna na ako. Planuhin mo na lang muna ang second move mo kay prince charming. Alis na rin ako. Bye!” pagpapaalam ni Lenny kay Monette at tuluyan nang iniwan ang huli.
Nakaalis na si Lenny pero di pa rin makabalik si Monette sa pagtulog. Iniisip niya ang huling sinabi ng kaibigan. “Ano nga kayang magandang plano ang gagawin ko? Alam ko na, aantayin ko siyang maunang pumansin sa akin mamaya sa trabaho. Papapaka Maria Clara muna ako.” Iyon ang hudyat para ipikit nitong muli ang mga mata.
ka luka!...ano ba kasi ang secret nitong c Ren!...
ReplyDeletehmmm alam mo hbang bnbsa q to tawa aq ng tawa...hahaha..n knkilig at the same time..ahahah....thnk u po kce nkpgupdate n kau...sna po lgeng my update..pls....
ReplyDelete