Chapter 5
Nasa starbucks na si Lenny at kasalukuyang nakatingin sa pastry shelf nang may mamukaan itong pamilyar na lalaki. Inantay ni Lenny na tumingin ito sa direksyon niya, nang makumpirmang ito ang kakilala niya ay walang atubiling lumapit ito dito.
“I knew it! I didn’t know you like coffee? That’s new!” pang-gugulat ni Lenny sa kakilala.
“Hey! Tagal nating di nagkita ah. Kape ba kamo? It’s green tea frap. Kamusta?” tugon ng binata sa kaibigang matagal nang di nakikita.
“I’m doing good. You look great, by the way. You live around here? I am! Maybe we should hang out some time to catch up on things.” Excited na pagiimbita ni Lenny.
“No, hindi malapit ang bahay ko dito. My school is. Oh no, I have to go I’ll be late for my first class. It’s so nice bumping into you again. See you” pagmamadaling sabi nito kay Lenny at bago pa makasagot ang kaibigan ay lumabas na ang binata sa coffee shop.
“Di man lang binigay ang cellphone number. Di pa rin talaga nagbabago si Jay.” Wika nang naiwan na si Lenny.
****
Alas onse na nagising si Monette. Bumangon na ito sa pagkakahiga. Inayos ang kama at saka naligo. Matapos maligo at makapag-ayos ay naisipan nitong dadaan muna sa mall bago dumiretso sa trabaho. Tutal natapos naman na niya ang mga blueprint na ipapasa bukas.
“Ano kayang mangyayari mamaya? Sino kaya ang unang papansin sa amin? Dapat hindi ako kaso kailangan kong magpasalamat sa kanya. Bahala na mamaya. This is it!” pakikipagusap nito sa sarili na siya namang napansin ni Ate Nelia ang kasambahay nila.
“Oist! Bakit kinakausap mo ang sarili mo?” paniningit nito sa nagmumuni-muning si Monette.
“Susmeyo, naman Ate Nelia. Pasintabi naman tayo ng konti, nakakagulat ho kayo e.” gulat na tugon nito sa kasambahay at nasapo ang dibdib sa nerbyos.
“Pasensya na. Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan e. Wala kang pasok ngayon ano? Lahat kasi ng boarders nasa school ikaw lang at ako ang natira dito.” Ani Ate Nelia.
“Opo, wala nga po akong pasok sa school pero sa trabaho meron. Kain tayo, Ate. Baka di ka nga lang masarapan sa luto ko kasi minadali ko yan e.” pag-aalok nito.
“Naku, hindi na. Tapusin mo na yang kinakain mo at ako na ang maghuhugas. May lakad ka ba?”pang-uurirat nito kay Monette na patapos nang kumain.
“Pupunta po muna ako ng mall, maglalakad-lakad bago pumasok sa trabaho.” At sunod sunod na sinubo ang natitirang ulam. Natulala si Ate Nelia sa ginawang pagsubo ng dalaga, “Ineng, hinay-hinay naman di naman aalis ang mall. Para ka talagang barako kung kumain, nakakatuwa ka. Ano nga ba iyong sinasabi mo sa sarili mo kanina. May kras ka sa trabaho, ano?”
“Chismosa talaga tong babaeng ito” wika ng isipan ni Monette at kinuha ang plato, “Asus, Ate Nelia sa tanda kong ito, ngayon pa ba ako magkakras? Deadmahin mo na lang kung anuman ang narinig nyo kanina. Hindi po ikauunlad ng bansang Pilipinas ang mga pinagsasabi ko.” Tugon nito kay Ate Nelia.
“Ito naman. Ito nga’t wala nang bayad ang pakikipag-usap ko sayo. O sya, kung ayaw mong magshare okay lang.” halatang may pagtatampo sa boses nito, “Amina ang plato at ako na ang maghugas. Lumarga ka na”
“Si Ate Nelia, MMK ka nanaman. Hayaan mo kung may makabuluhan akong kwento, ibabahagi ko po sa inyo. Wag nang magtampo.” At dumiretso ito sa lababo at hinugasan ang ginamit na plato. Nakatingin lang sa kanya si Ate Nelia at kating-kati pa ring malaman ang nasa isip ng dalaga.
“Ate Nelia, wala po iyon. Naduduling na po kayo sa kakaisip.” Pagbibiro nito sa kasambahay.
“Para ka kasing others, si Ate Nelia mo ito. Para na kitang kapatid. Pero di kita pipilitin. Mag-iingat ka sa lakad mo ha” at iniwan na si Monette sa kusina.
“Pambihira talaga iyon.” Bulong ni Monette sa sarili, “Sige Ate Nelia, alis na po ako. Mag-iingat kayo dito ha. Wag basta basta magpapapasok ng kung sino.” Sigaw nito kay Ate Nellia habang kinukuha ang bag at lumabas ng bahay.
“Wala na!” bulalas ni Ate Nelia, “Rodel, pasok na.” kinikilig na sutsot nito sa lalaking kanina pa nag-aabang sa gilid ng boarding house.
sino c JAY?????????xah ba c REN?.....waaaaaaaaaaaaaa
ReplyDelete