Chapter 12
Kinabukasan ay hindi rin maintindihan ni Ren pero excited siyang makita si Monette. Alam niya na ang preference ng dalaga at pakiramdam niya ay pinagkatiwalaan siya ng husto nito o iyon lang ang tanging bagay na gusto niyang paniwalaan at ayaw entertainin ang idea na baka nga nahuhulog na siya sa dalaga. Pero hindi niya maitatanggi nang biglang pumasok ang muka ni Monette sa isip niya’y parang nabura ang masamang panaginip niya kagabi.
Nang matapos ang last class ng binata ay halos magmadali itong pumunta sa pinapasukang fast food. Nang makarating doon ay agad inilibot ni Ren ang paningin at dun niya nakita si Monette malapit sa counter at kausap ang isang crew.
“Monette! Ang aga mo ngayon ah.” Masayang bati ni Ren sa dalaga na halatang nagulat sa masiglang bati nito.
“Natural! Early bird talaga ako ngayon kasi wala iyong prof ko kanina.” Sagot ni Monette na halatang pinipilit palalimin ang boses.
“Umayos ka nga ng sagot mo. Alam ko na, matigas ka.” Natatawang wika ni Ren at binelatan naman siya ni Monette.
“Daming satsat neto. Magtime in ka muna baka malate ka.” Wika ni Monette sabay apir naman ng binata sa kanya.
“Hoy, Monette! Kelan pa kayo naging close nun ni tisoy?” tanong ng isang crew.
“Ngayon lang.” mabilis na sagot ni Monette sabay layas sa counter.
Naging busy naman ang lahat sa fast food kaya hindi nakapag-usap sina Monette at Ren. Pero si Monette kahit magkaganun ay nakakalusot pa rin ng sipat sa binata. Kahit sa konting silip sa paminsan minsang ngiti ng binata ay halos matunaw ang puso ni Monette.
“Miss, ito na po iyong order niyo. May kulang pa po ba?” tanong ni Monette sa babaeng customer. Matapos umiling ang kausap ay umalis na si Monette sa lamesa nito at tinungo ang likod ng fast food.
“Ano iyon, Monette?” biglang wika ni Ren kay Monette na busy sa pagaayos ng uniporme.
“Pambihira! Anong ano iyon? Bakit?” takang tanong ni Monette kay Ren.
“Asus! Iyong babae kanina. Tinititigan ka na e di mo man lang nginitian.”panunukso ni Ren.
“Anong babae?” kunot noong tanong ni Monette.
“Panggap ka naman dyan! Maganda naman iyong babae ah. Di pasado sayo iyon? Ganun ba kaganda ang girlfriend mo’t di ka na nakaka-appreciate ng iba?” pangungulit ni Ren at saka palang naalala ni Monette na sa paningin nga pala ng kaharap niyang binata ay binata din siya.
“Tsk! Linchaaak naman! Bakit ko ba nakalimutan ang drama ko? Kainis.” Busit na busit na pakikipagusap ni Monette sa isip niya.
“Ahhhh! Iyong kanina? Sus! Walang binatbat iyon sa dyosa ko…. Pre!” wika ni Monette. “Baduy mo, Monette! Pre?! Umayos ka!” at napangiwi sa naisip habang si Ren ay natawa sa nasabi niya.
“Naiintriga na talaga ako sa girlfriend mo. Kelan ko ba makikilala iyan?” pangungulit nanaman ni Ren.
“Naku Ren, walang pag-asa! Di mashowbiz ang jowa ko.” Naiinis na sagot ni Monette kay Ren.
“O e bakit parang napipikon ka? Pati, jowa? Teka nga, tibo ka ba talaga o bading? Ikaw ha, parang confused ka.” Sabay sundot ni Ren sa tagiliran ni Monette. Isang matalim na tingin naman ang isinagot ni Monette sa binata na ikinagulat ng huli.
“Sorry! Galit ka? Nagbibiro lang ako.” Wika ni Ren at hinawakan ang braso ni Monette. Nang maramdaman ni Monette ang mainit na palad ng binata sa braso niya ay para namang may kuryenteng dumaloy sa kanya at di niya napigilang pamangiti.
“Syet! Umayos ka! Kereng-keng na ito.” sigaw ng utak ni Monette sabay tapik sa kamay ng binata at iniwan itong nakatulala.
“What’s wrong with her? I don’t think I said something offensive or did I? But that smile!” inis na bulong ni Ren sa sarili matapos siyang layasan ni Monette. Inayos nito ang sarili at saka bumalik sa loob ng fast food at nagtrabaho nang muli.
_kasi naman eh....waaaaaaaaaaaaaa kaw talaga mon-mon pwo at least huh nagiging close na cla ni ren pa akbay2x efect pah!...........weeeeeeeeee galing mo talaga friend!......
ReplyDelete