Chapter 9
Halos isang dipa ang layo nina Ren at Monette sa paglalakad. Nawiweirduhan na rin si Ren sa ayos nila.
“Nahihiya ka bang kasabay ako?” biglang tigil at lingon ni Ren kay Monette. Di naman namalayan ni Monette na tumigil at nilingon siya ni Ren kaya nakailang mabilis na hakbang na siya at sumakto ang muka niya sa nakaharap na si Ren. Napahawak bigla si Monette sa matitikas na balikat ni Ren at napahawak din ang binata sa magkabilang siko ni Monette.
Pakiramdam ni Monette ay sila lang ang taong naruroon at napatitig sa brown eyes ng binata ganun din naman ang huli at napangiti ito. Ang ngiting iyon ni Ren ang nagpagising sa lutang na diwa ni Monette at bigla nitong inalis ang mga kamay sa balikat ng binata kaya binitawan na rin ng huli ang mga siko niya. Napakamot naman sa ulo si Ren at halatang nagblush.
Inayos ni Monette ang bag sa balikat niya, “Ano nga iyong tanong mo? Pasensya na bigla bigla ka naman kasi kung magtanong. May iniisip ako e.” wika nito sa binata na nginitian naman siya’t inulit ang tanong.
“Sira ka. Bakit mo naman naisip na ikinahihiya kita? Yang gwapo mong yan. Baka nga kanina pa ako gustong sugurin nung mga nadaanan nating babae kanina e.” mabilis na wika ni Monette na nagpangisi sa kaharap na binata. “Susme naman Monette. Pakataklesa mo talaga.” Naiinis na isip ni Monette.
“Pakahonest mo. Salamat.” Natatawang tugon ni Ren at tinalikurang muli si Monette at nagsimulang maglakad. “Ano ba iyon? Hindi wala lang sa kanya iyong sinabi niya. Palabiro lang talaga siya.” Pagpapaalala ni Ren sa sarili. Habang si Monette naman e tinawanan nalang din ang sinabi ng binata pero napangiwi ng tumalikod na rin ito sa kanya at tinuloy ang paglakad.
“Sadya bang mailap ka, Ren? Para ka lang usa noon e. Kating kati na akong makipagfriendship level sa’yo pero di kita mabasa.” Wika ni Monette na nakatingin sa batok ni Ren.
“Mahiyain talaga kasi ako, Monette. Inoobserbahan ko ang mga tao sa paligid ko. Hindi ako basta basta nakikipag-usap lalo kung di ko kilala. Hindi ka ba ganun? Ni hindi ka nga bumabati sa mga tango ko dati e.” walang lingong sagot ni Ren.
“Sa totoo lang, palakaibigan talaga ako. Pero nasense ko kasi sayong ayaw mo ng bagong friends kaya hinayaan lang kita. Di ko naman syempre ipipilit ang sarili ko sayo noh. Ano ako, magfifeeling close sa taong ayaw naman sa akin.” Wika ni Monette habang kumakampay ang mga kamay sa tagiliran.
“Sino namang nagsabing ayaw kitang maging kaibigan. Humahanap lang ako ng tiyempo kaso naman nahusgahan mo ako agad. Pero okay ka, Monette. Natutuwa ako’t nagkausap tayo nung isang gabi kahit na sa napakapangit pang sitwasyon.” Sabay lingon uli ni Ren at nginitian ang dalaga. Tinugunan din naman ni Monette ang ngiting iyon at pakiramdam niya’y napakahaba ng hair niya dahil sa kanya ibinabato ni Ren ang mga mapupungay niyang tingin. “Magtigil ka umiral nanaman ang pagka-asyumera mo. Malamang sayo lang siya titingin e ikaw lang naman ang kausap niya.” Pambabara ni Monette sa isipan niya.
“Naku e nagpapasalamat lang talaga ako sayo at sinagip mo ang pagkababae ko nung gabing iyon. Salamat uli ha.” Saad ni Monette at idinampi at isang kamay sa braso ng binata. “Muscle. Bongga! Naggigym siguro ito.” Isip ni Monette at napatingin naman si Ren sa kamay na iyon ni Monette at napangiti. Napansin naman agad ni Monette iyon at sabay binawi ang kamay. “Pumisil ka pa kasi! Dampi lang e. Tsk!” naiinis na sigaw ng utak ni Monette at nagSorry sa binata.
Napansin naman ni Ren na ang pagblush ni Monette.
“Nabighani ka naman sa biceps ko. Pwede mo uling hawakan kung gusto mo.” Natatawang wika ni Ren. “Naramdaman kaya niya ung kuryenteng dumaloy sa katawan ko? Parang ngayon ko na lang uli iyon naramdaman. Tumigal ka! She didn’t feel it. It’s just in your head.” Pagsuway nito sa isip niya.
Isang malakas na hampas naman ang binigay ni Monette kay Ren nang marinig ang sinabi nito. Napa-igik naman ang binata sa hagupit ng mga palad ni Monette at nasapo ang natamaang braso.
“Masakit ha. Pero malamang mas nasaktan yang kamay mo. Pino ng muscles ko noh?” pangungulit pa ring turan ni Ren kay Monette.
“Masyado naman ata tayong kompyansa sa sarili natin niyan. Nagulat lang ako dahil pwede palang magkamuscle ang isang payatot na tulad mo. Minsan ba naisip mong kumain man lang ng magkalaman ka?” nangingising bawi ni Monette kay Ren.
“Nagsalita naman ang may laman. Payat ka rin kaya.” Sagot ni Ren at tumabi na sa paglalakad kay Monette.
“Tsk! Gusto kong magpataba e.” sagot ni Monette at tinignan pa ang sariling braso. Namangha naman si Ren sa sinagot ni Monette.
“You are the only girl I know who said she wanted to get fat.” Bulalas na Ren at nabigla rin sa sinabi. Samantalang si Monette ay natigilan ng marinig ang napakagandang accent at di malaman kung kay Ren ba talaga nanggaling iyon. Napalinga pa siya sa likod niya atsaka bumaling kay Ren at pinakatitigan ito.
No comments:
Post a Comment