Chapter 17a
Magkatabing naupo ang dalawa sa bench at tanging ang buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila. Halata na ang ilangang nagaganap sa dalawa dahil walang sinumana ng gustong magsimulang magsalita.
“How am I ever gonna start this conversation? Please Monette ask me a question. This is so hard.” Bulong ng utak ni Ren habang nakatingala sa maliwanag na buwan.
“Ano ito? Uupo nalang tayo dito? Sige na magtatanong na ako.” Wika ni Monette na wari’y nabasa ang utak ng binata. Umayos naman ng upo si Ren para makita niya ang muka ng kausap.
“The moon is making her features more beautiful.” Wika ng isip ni Ren at walang malay na napangiti sa dalagang nakayuko at sinasara ang zipper ng bag. Napansin ni Ren ang isang manipis na bugkos ng bugkos ng buhok na nakatakip sa isang mata ni Monette at inayos niya ito’t isinukbit sa isang tenga ng dalaga. Nang maramdamin iyon ni Monette ay agad itong tumingala at biglang binawi ni Ren ang tingin.
“Game! Pamilya mo ba ang kausap mo sa phone kanina? Kahit bulong iyon Ren, ramdam ko ang puot sa’yo.” Seryosong wika ni Monette.
“Oo, kapatid kong babae. Lumayas kasi ako sa amin at sinusubukang mamuhay ng mag-isa.” Sagot ni Ren na nakatingin pa rin sa kawalan.
“Napakagwapo naman nang anggulong ito. Sana sa akin ka nalang tumuloy nung lumayas ka. Magtigil ka!” pakikipagusap nanaman ni Monette sa sarili.
“Gano na katagal? Tsaka, bakit naman? Ako nga kahit gustong gusto ko sanang kasama ko ang pamilya ko hindi pwede kasi kailangan nilang magtrabaho. Samantalang ikaw, mukang galing ka sa mayamang pamilya pero natitiis mong di sila nakikita?” wika ni Monette at napatingin naman si Ren sa kanya at binigyan ng ngiwing ngiti.
“5 years? I have to make a choice. Kung nanatili ako sa puder nila, magiging bilanggo ako sa mapandikta nilang pamumuhay. That’s not the life I want.” Seryosong tugon ni Ren kay Monette. Iba ang pakiramdam ni Monette nang magsimulang magsalita si Ren na parang komportableng komportable itong iparinig ang nakakahumaling na accent niya.
“Hmmm. Sa sinasabi mo parang batas militar sa inyo. Kung di mo mamasamain para lang maintindihan ko, ano bang bagay na pinapagawa sayong ayaw mo at nagawa mong lumayas sa inyo?” wika ni Monette na halatang halata na sa muka ang pagkaconcern.
“Tutal nagsasabi na rin naman ako sayo, lubusin ko na.” ngiting wika nito kay Monette at tumango naman ang huli sa kanya. “Mga bata pa lang kami, may nirereto na silang babae para daw maging asawa ko in the future. Hindi ko iyon iniinda noon kasi mga bata pa naman kami e. Pero six years ago, 16 years old palang ako noon. Gusto nila akong maghomeschool dahil ayaw nilang makakilala ako ng ibang babae bukod sa nireto nilang babae. Magkacollege na ako nun, Monette. I hated the idea of arranged marriage especially when home schooling came into the picture just because they’re scared that I might fall for someone else. They didn’t even think about my own welfare.” Dirediretsong wika ni Ren. Mangha namang nakikinig si Monette.
“Natural na talaga sa mga mayayaman ang mga ganyang eksena ano? So, kung hindi ka nila pinagpapahomeschool, okay lang sayo ang arranged marriage? Wag kang papayag!” bulalas ni Monette at nagulat din sa huli nyang nasabi. Napangisi naman si Ren.
“I’d probably go with it for awhile but just until I finish studying ang get my own job. That was my plan but everything changed when on that same year they announced our engagement. I was only 16, we were both 16 years old and yet they are really trying their best to keep us together even in that age. I couldn’t stand it. So when the party ended, I got my things and went straight to a friend’s old apartment where I live now. No one in my family knew where I was, until they hired an investigator to follow me around. That was so hard for me. They even staged a kidnapping just so I’ll get scared and think that I need my family to save my life until I learned that my own family did that to me.” Nagpipigil na ng luhang wika ni Ren dala nang galit na nanumbalik. Awang-awa naman si Monette sa naririnig.
“Grabe naman iyon! Pinakidnap ka? Bakit dun ka pa rin tumutuloy sa apartment na iyon? Dapat lumipat ka na.” windang na wika ni Monette na gustong gusto nang aluin si Ren.
“I told them if they bug me again, they’ll never see me alive.” Matigas na wika ni Ren na ikinagulat naman ni Monette at napahawak sa kamay ni Ren.
“Naku! Yan ang wag mong gagawin, ni isipin wag mong iisipin. Nakakaloka ka.” Wika ni Monette pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa binata kaya si Ren ipinatong na rin ang isa pang kamay sa kamay na nakahawak sa kanya.
“That’s all I could think of. Because, you see if I die, they won’t have a chance of getting that girl’s family’s wealth. I am their only hope to save our family businesses and in keeping me alive would mean that they still have a shot on convincing me. But they are so wrong about that.” Gigil na wika ni Ren at di sinasadyang nahigpitan nito ang hawak sa kamay ni Monette kaya napa-aray ang huli. Nang marinig naman iyon ni Ren ay agad inalis ang hawak nito sa kamay ni Monette at wala sa isip na kinuha ang nasaktang kamay at binigyan ng munting halik. Nagulat naman si Monette at binawi ang kamay at tinitigan ng masama si Ren kahit na sa loob loob nito’y halos lumabas ang puso niya sa sobrang kakiligan.
“I’m sorry. I’m used to doing that to my sister. I’m sorry.” wika ni Ren na nakatitig pa rink ay Monette.
omg sis!!kiligness!!
ReplyDeletepa sigaw!.waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh OMG wala lang kinilig lang aq! :))
ReplyDelete