Sunday, June 5, 2011

Falling Slowly: Seven

Chapter 7
Natapos nang magmall si Monette at bumili lang ito ng hotdog sandwich habang papasok sa trabaho. Natatawa pa rin ito sa nangyari kanina at naisipang hindi na siya muling babalik sa mall na iyon. Naging successful naman ang lakad niya dahil dun ay nakaisip siya ng bagong plano para kay Ren.

Nasa pintuan na siya ng fast food, “This is really is it!” pagpapakalma sa kumakabog niyang puso habang hawak ang pintuan. Di malaman ni Monette saan una titingin pagkapasok at ang nangyari ay sa sahig nauwi ang mga mata nito.

Pagkatapos magtime-in ay dali-dali itong nagbihis sa locker room, nananalanging sana’y nandun na ang kanyang prince charming.

Pagkalabas ni Monette sa locker room ay agad umikot ang paningin niya sa paligid. Di pa man nakakalayo ang naiikot ng eyeballs nito ay nasipat na niya ang likod ni Ren. “Susme! Ano ka ba? Kumalma ka!” pagsuway nito sa puso niyang gusto na atang lumabas sa bibig niya. KInalma nito ang sarili at napagdesisyunang panindigang di pansinin ngayon si Ren.

Mukang nakaramdam naman ang isa na may nakatingin sa kanya kaya agad itong lumingon. Hindi inaasahan ni Monette na magtatagpo ang kanilang mga mata. Gusto sanang iiwas ng dalaga ang mga mata niya pero parang magnet namang nang-aakit ang mga mata ni Ren. Napangiti ng kaunti si Ren sa nakita at nataranta namang ngumiti nang pagkatamis tamis itong si Monette.

“What the hell?!” sigaw ng isip ni Ren, “That smile… such white teeth! Stop it, concentrate! This is not the right time!” pagsuway ni Ren sa sarili at itinaas ang isang kamay at bahagyang nagwave kay Monette.

“Naku ka naman! Bakit ganyan?” naibulalas ng isipan ni Monette at bahagyang bumuka ang bibig at binigkas ang “hi” tanda ng pagtugon sa kaway ng binata. Pinakalma nitong muli ang sarili at sinimulan na ang kanyang trabaho.

Sa gitna ng paglilinis at pagdadala ng pagkain sa lamesa ay di talaga maiwasan ni Monette na di sipatin si Ren na di naman nakakaligtas kay Ren.

“Ano ba itong lalaking ito? May mata ata sa likod.” Inis na bulong nito sa sarili.

“Ren! Bro!” sigaw ng isang binata kay Ren na siya namang nagpalingon kay Monette.

“Oh my gosh!!! Siya iyon!” at dali daling nagkubli si Monette sa pader malapit sa counter upang mapalayo sa nag-uusap na mga binata. “Talaga naman, magkakilala pa pala ang dalawang iyan. Tsk!” inis na sabi nito sa sarili.

“Sandali lang bro, parang may nakita akong babaeng pamilyar e.” wikai ni Anton habang sinisipat ang paligid.

“Naku, talaga ikaw basta babae madali mong makabisa ang muka. Baka mamaya hinahanap ka na ni Candice. Ano bang sadya mo dito?” pag-iiba ni Ren sa usapan.

“E hihiram sana ako ng susi sayo. Di ko kasi mahagilap si Kian kung sang lupalop nanaman siguro nagsuot. Nawala kasi susi ko, ipapaduplicate ko lang. Talaga naman kung minamalas ka. May usapan kami ni Candice ngayon e baka malate ako. Alam mo naman un, bro.” Pagpapaliwanag ni Anton pero wala pa ring tigil ang mga mata nito sa pagmamasid. “Tanda ko muka mo, saleslady.” Sabi ng isip niya.

“Ito ang susi ko. Bilisan mong ipaduplicate ha baka makalimutan mong ibalik yan ako naman ang di makapasok sa bahay. Alam mong mantika matulog si Kian. Closing pa naman ako ngayon.” Pagpapaalala ni Ren sa kaibigan.

“Of course, Bro. Trust me, mabilis pa ako sa alas-kwatro. Salamat ha! Life saver ka talaga, di tulad ng iba dyan!” sadyang nilakasan ni Anton ang huling sinabi at napatingin ang lahat sa kanya. Nagpaalam na ito sa kaibigan.
“Kapal din talaga nun. Ako na ngang pinagkamalang saleslady, pero teka! Namukaan niya nga ako. Patay naman.” Napakamot sa ulo si Monette at lumabas sa pinagtataguan.

No comments:

Post a Comment