Chapter 8
Naibalik na ni Anton ang hiniram na susi kay Ren. Buti nalang at nagbreak si Monette ng mga panahon na iyon. Naiayos na ni Monette lahat ng upuan at dumiretso na sa may locker para magpunch ng timecard niya.
“Mauna ka na.” biglang wika ni Ren kay Monette. Nagulat naman si Monette sa sinabi ng binata at takang takang tinitigan ito. “Maglalog-out din sana ako e, nauna ako sa’yo actually. Masyado lang mabilis ang pagkilos mo.” Ngiting tugon ni Ren sa takang-takang muka ni Monette sabay ngiti din.
Halos mahimatay naman si Monette sa mga ngiti ng binata at tinalikuran ito’t naglog-out na. Ikinagulat naman ni Ren ang ipinakita ng dalaga.
“Akala ko okay tayo. Galit ka ba?” tanong ni Ren sa nakatalikod pa ring si Monette. Bahagyang kumilos naman ang dalaga para bigyang daan ang paglog-out ni Ren.
“Bakit naman ako magagalit? E ako na nga ang nang-agaw ng pwesto mo sa PILA mo.” Sagot ni Monette pero hindi pa rin makatingin kay Ren. “Ano ka ba Monette! Pambihira naman parang may PMS ka lang sa hirit mo.” Inis na wika nito sa sarili.
“Ano ka ba? Okay lang. Kaya nga pinauna na kita.” Mahinahong tugon ni Ren pero nagtataka pa rin kung bakit parang iwas si Monette at pabalang ang sagot.
“Pauwi ka na rin ba? Gusto mo sabayan na kita baka maisipan mo nanamang dumaan sa may amin? Delikado dun kung mag-isa ka.” Pagbawi ni Ren na siya namang pagbaling ni Monette sa kanya.
“Sabay tayong uuwi?” paghagyang napangiti si Monette sa pag-aalok ni Ren pero bigla rin itong sumeryoso nang makitang napangisi ang binata sa tanong niya. “Hay naku, hindi na. Tinry ko lang naman dumaan dun sa may tinutuluyan mo kahapon.” Parang wala sa sariling sagot at tinungo ang locker niya. Nang buksan ni Monette ang locker niya ay saka niya naalala ang nasabi at halos mai-umpog ang ulo sa pinto ng locker. Samantalang si Ren ay nagulumihanan sa sinabi ng dalaga.
“Teka! Ibig sabihin, pinlano mo talagang dumaan sa amin kagabi? So, alam mong dun ako nakatira?” mapanuksong wika ni Ren at nilapitan si Monette sa locker nito. Pero si Monette halos maipasok ang ulo sa loob ng locker.
“Sinabi ko ba iyon? Syempre, nalaman ko nalang na dun ka nakatira kasi sinabi mo sa akin kagabi tsaka iba ang pinlano sa tinry.” Halos tirik matang sagot ni Monette at nananalanging sana’y makalusot siya sa sinabi.
Nahalata naman ni Ren sa tono ng pananalita ni Monette na parang hiyang-hiya ito. Pero natatawa siya sa inaakto ng dalaga.
“Ahhhh! Oo nga pala sinabi ko nga pala sa’yo na dun ako nakatira. E hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Hindi naman ako out of way sa tinutuluyan mo di ba? Nakadaan ka nga sa amin e.” hirit ng binata. Pero nagtataka din naman si Ren sa sarili kung bakit ito ginagawa.
“Syet! Di niya dapat ako mahalatang nacoconscious.” Sabi ni Monette sa sarili. “Mapilit ka, kuya. Para ka lang may Hidden Agenda. Sige na, sasabay na ako sa’yo.” At sinilip ni Monette si Ren.
“Wala po akong Hidden Agenda sa inyo. Sasabayan lang talaga kita. Talagang may pagka-malisyosa ka, Monette.” Natatawang wika ni Ren.
“Ay, oo naman! Assumera din ako kaya naku wag kang aasta ng ganyan sa akin. Mamaya niyan isipin kong may gusto ka sa akin.” ngising wika ni Monette sabay sara sa locker. Natawa naman si Ren, alam na niyang palabiro talaga si Monette.
“Ang dami na atang hanging pumasok sa ulo mo, Monette. Tara na nga. Masyado nang late e.” natatawang paanyaya ni Ren at kumilos na rin si Monette.
“Sana nga may gusto rin sa akin.” Wika ni Monette sa sarili habang nakasunod kay Ren.
No comments:
Post a Comment