Chapter 20
“E ano nanaman ang ginagawa mo dito? Wala si Ren.” Mataray na wika ni Monette sa kakapasok lang na si Anton sa fastfood.
“Alam ko namang wala siya dito e. Hindi nga umuwi iyon.” Mabilis na sagot ni Anton at di na pinansin ang pagtataray ni Monette. Halata namang nabahala si Monette sa sinabi ni Anton. “Oh, e bakit parang nag-aalala ka? May gusto ka sa kaibigan ko ano?” panunukso ni Anton.
“Alam mo kung di ka naman kakain dito at mang-iinis ka lang pwede ka nang umalis. May kasalanan ka pa sa akin ha.” Inis na sagot ni Monette. “Naku, nakalusot nga ako kay Ren mukang dito sa echuserong kaibigan niya hindi.” Wika ng isip ni Monette.
“Pakasungit mo. Actually, gusto ko talagang makausap ka para magsorry. Pasensya na at inatake ako ng kapilyuhan ko kagabi.” Wika ni Anton.
“Pagka ba tinanggap ko ang sorry mo di ka na manggugulo uli dito?” mabilis na sagot ni Monette.
“Ha? Ano, oo. Promise.” Alanganing sagot ni Anton.
“Dahil dyan, okay na. Pwede ka nang umalis.” Wika ni Monette pero seryoso pa rin ang muka.
“Sinabi mo yan ha. Quits na tayo. Sige, salamat…Ms. Monette.” At tinalikuran na nito si Monette.
“Sandali!” biglang pigil ni Monette sa papaalis nang si Anton. Habang si Anton ay hindi lumingon at napangisi sa paghabol ni Monette.
“Sinasabi ko na. Hindi nito natiis ang charisma ko e.” wika ni Anton sa sarili at nilingon si Monette ng punong puno ng confidence sa sarili.
“Ah, itatanong ko lang sana kung anong nangyari kay Ren? Ano kasi e tinatanong na siya ng bisor namin.” Nahihiyang wika ni Monette na napahawak pa sa ulo nito.
“Tinatanong ng bisor mo o gusto mo lang malaman? Kwentuhan kita isang araw, nagmamadali kasi ako e. Sige.” At dirediretso nang umalis si Anton at naiwan naman si Monette na inis na inis sa pambibitin ng binata.
“Buset talaga ang lalaking iyon. Punong puno nang hangin sa katawan. Sana naman walang nangyaring masama kay Ren.” Bulong ni Monette sa sarili at bumalik na sa trabaho.
Dumaan pa ang ilang araw at wala pa ring Ren na nagrereport sa trabaho. Ilang beses na ring dumadaan si Anton sa fast food para din makibalita. Nakagaanan na rin ng loob ni Monette si Anton at napapaladas na rin ang pagtambay nito sa fastfood. Nagkakabiruan na rin sila pero nangungulila pa rin si Monette sa nawawalang si Ren na walang kwentuhan na hindi nito nakakaligtaang isingit sa usapan si Ren.
No comments:
Post a Comment