Chapter 7
“Punasan mo na ang luha sa mga mata mo. Tama lang ang ginawa mo bata ka pa naman, Devon. Marami pang pwedeng mangyari sa mga buhay nyo. Hindi ito katapusan ng mundo.” Matigas na wika ni Aling Linda habang binabaybay ang daan pauwi sa kanila.
“Yes, Ma. Wala na po kami. Sana mapatawad nyo po ako pati si James.” Tugon ni Devon sa ina habang pinupunasan ang mga mata.
“Alam mong hindi ganun kadali iyon, Devon. Basta sinabi ko sa’yong kahit kalian ay hindi ko matatanggap ang mestisong hilaw na iyon. Alalahanin mo ang pinag-usapan natin Devon.” Sagot ni Aling Lindang paparada na sa garahe ng kanilang tahanan.
“Pumayag akong makapag-usap kayo pero ako ang masusunod kung san ka magkokolehiyo. Nakausap ko na ang Papa mo tungkol dun pero hindi ko sinabi ang nagawa nyo. Ayokong atakihin sa puso ang Papa mo. Malinaw?” wika nito at tuluyan nang pumasok sa bahay.
Nagtatrabaho sa ibang bansa ang ama ni Devon bilang isang Civil Engineer. Sa kasalukuyan ay nasa New Zealand ito at every three months lang kung makauwi ng bansa. Lumaking Daddy’s girl si Devon kaya nangamba din siya kung sakaling malaman ng Papa niya ang nangyari. Kaya laking pasasalamat na rin niya at inilihim ito ng ina sa Papa niya.
“Yes, Ma. Salamat po.” Mahinang sagot nito habang nagmumuni-muni kung san siya maaaring ipatapon ng ina sa kolehiyo. Ang mahalaga ay makakapagtapos siya ng pag-aaral para may mapatunay siya dito tulad ng sinabi ni James kanina nung nag-usap sila.
Sa hapag ay di pa rin makatingin ng diretso si Devon sa ina. Ayaw niyang ungkatin ang nangyari kahapon nang basagin ng mommy niya ang katahimikan.
“Devon, ginagawa ko ito para sa kinabukasan mo. Ayoko matulad ka sa iba na maagang nabubuntis at hindi nakakapagtapos pagkatapos ay iiwan lang ng lalaki. Iba na ang generation niyo ngayon.” Pag-papaalala ni Aling Linda sa anak.
“Ma, naiintindihan ko naman po. Wala naman po talaga sa isipan namin ang mga ganong bagay ni James.” Sagot nito na parang nagpa-init naman ng ulo ng ina nang marinig ang pangalan ni James.
“Devon! Wag na wag mong mabanggit ang pangalan ng lalaking yan sa pamamahay ko. Kung hindi siguro ako dumating ng maaga malamang naisuko mo na ang bataan mo.” Inis na bulyaw ni Aling Linda kay Devon.
“Sorry, Ma. Di na po mauulit.” At tinuloy na nito ang pagkain.
“Bibigyan mo pa ng justification ang nangyari gayong maling mali naman kayo. Tapusin mo na yang kinakain mo at matulog ka na. Ihahatid kita sa school bukas.” Ani nito at tinapos na rin ang pagkain at tumayo sa hapag.
Naiwan si Devon sa lamesa at patuloy na naiinis sa sarili dahil sa kinahinatnat nila ni James. “Sana kayanin naming panindigan ang pinangako namin kanina. Pakiramdam ko naman kakayanin ko iyon pero si James baka impossible. Bahala na.” pakikipagusap nito sa kanyang isipan at tinapos na rin ang pagkain at niligpit ang lamesa.
ahaha ikaw naman kase Devon eh! alam mo naman na galit si mommy kay James.. DD na lang kase ang sabihin mo para hindi magalit si mommy :D
ReplyDelete