Saturday, May 21, 2011

Trial and Error: XXVIIb

Chapter 27b

“Yes, I’ll still meet James later.” Tipid na sagot ni Devon at napahalukipkip na si Kyra sa sagot ng pinsan.  Gusto sanang panindigan ni Kyra ang pagiging kontrabida pero alam nitong hindi biro ang nararamdaman ni Devon ngayon kaya hindi na siya tumutol pa.

Nang kinagabihang iyon, nakipagkita na si James kina Brett at Ivan sa Greenbelt. Ang alam ni James ay gigimik silang tatlo.

“So, where are we going tonight? There’s a new club in Taguig and I heard it’s phenomenal.” Wika ni James kina Ivan at Brett.

“You know what, there’s something different about you, dude. I just can’t put my finger on it.” Wika ni Brett at kumunot naman ang noo ni James sa narinig mula sa bestfriend.

“Sorry, dude. We’ll pick the place this time since we haven’t seen you in like ages.” Wika ni Ivan dito at inakbayan, “Let’s go! By the way, James, we didn’t bring a car so we’ll use yours. Give me the keys.” Pagdudutong ni ivan at parang walang pakeng hinagis naman ni James ang susi ng kotse niya. 

Walang umiimik sa loob ng sasakyan na parang nagpapakiramdaman sila nang may mapansin si James.

“Are we going to Devon’s old house? What are you two up to?” kunot noong tanong ni James na nasa backseat ng sasakyan niya.

“We’re not going to Devon’s old house. No one’s there.” Mabilis na tugon ni Brett kay James.

“Whatever, guys. If this is your way of fun… whatever!” Wika ni James sabay sandal sa kinauupuan niya.

Narating na nila ang lugar at takang taka naman si James kung bakit sila naroroon. Bigla itong kinabahan at parang nag-aalangang lumabas ng kotse pero lumabas na rin ito. Gusto na rin niyang malaman ang pakana ng mga kaibigan pero kinukutuban na siya.  Nang mapasok nila ang lugar nakita niyang may nakaset-up na dinner table for two sa tapat ng bench kung saan naganap ang unang break up nila ni Devon. Nasapo nito ang dibdib, di niya malaman kung anong mararamdaman ng makitang lumalakad papalapit ang babaeng laging tumatakbo sa isipan niya nitong mga nakaraang araw. Tinapunan niya ng matipid na ngiti si Devon. Halatang pilit rin ang ngiti ng dalaga sa kanya pero nang magkatagpo sila isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito kay James. Kabado man ay nilakasan ni Devon ang loob para magawa iyon.

“The birthday girl is here. Shouldn’t I be the one surprising you since it was your birthday the other day?” hinawakan nito sa balikat si Devon para makita nito ang muka ng dalaga.

“I know.  I’m just so happy to be here.”  Sagot ni Devon na may tikom na ngiti. “I hope you’re hungry. Our friends prepared something special for us.” At hinawakan ni Devon ang kamay ni James. Di malaman ni Devon pero parang ang lamig ng kamay ng nobyo at lalo naman siyang kinabahan.

Nagsalo sila sa pagkain pero halata sa muka ni James na parang may hindi tama sa nangyayari. Hindi na napigilan ni Devon na mapuna hindi lang ang malamig na kamay ni James pati na ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.

“Looks like you aren’t pleased that I’m here.” Wika ni Devon na nakayuko habang ginugulo ang natitirang pagkain sa plato nito gamit ang tinidor.

“Of course, I am.” Alangang sagot ni James, “I’m just really surprised that you’re here. I wasn’t able to buy you any gift because I didn’t know you were coming.” At pinagmamasdan nito si Devon sa ginagawa.

“I missed you.” Biglang tingala ni Devon at hindi nito inaasahang nakatingin pala sa kanya si James kaya nagtama ang kanilang mga titig. Para namang may kumurot sa puso ni Devon nang hindi makita ang dating kislap sa mga mata ng nobyo sa tuwing makikita siya nito noon.

“I missed you too.” Sagot ni James na parang napalunok pa bago ito sabihin.

“Do we have a problem, Baby? Please tell me.” Lakas loob na wika ni Devon na nasa bingid nanaman ng pag-iyak. Naalarma naman si James sa tono ng pagtatanong ni Devon.

“Problem? Why would you ask such a thing?” at iniwas nito ang mga mata sa dalaga.

“I asked you first. So please, don’t make me look stupid.” Wika ni Devon na nanginginig na ang boses.

“What do you want to hear from me? It’s as if you already have your own answer to that question.” Iritang sagot ni James na ikinabigla ni Devon. Ni sa hinagap hindi nito naisip na sa loob ng halos magtatatlong taon nila ni James na pagsisinghalan siya nito kaya tuluyan na siyang naiyak. Naiinis din siya sa sarili kung bakit para sa lalaking ito’y parang ang dami niyang reserbang luha na tinalo pa ang anggat dam.

“What now? Why are you crying? Please stop crying.” Hindi malaman ni James kung pano papatahanin si Devon. Nagulat naman si Devon sa ginagawang pagpapatahan ni James, ramdam niya ang pagbabago ng pakikitungo nito kahit wala pang dalawang oras silang magkasama. Alam ni Devon na may mali talaga.

“I saw you this afternoon with someone else. Will you please explain that to me. Is she your new Baby?” wika ni Devon habang patuloy na umiiyak. Nasapo naman ni James ang noo sa narinig.

“I’m sorry.” Mahinang wika ni James pero hindi pa rin niya tinitignan si Devon.

“Don’t just sorry! Explain it to me, so that I could tell my heart what to do!” napasigaw na si Devon sa sakit na nararamdaman na nagpalingon naman kay James sa kanya.

“Her name is Rica. I’m sorry I thought I can keep my promises to you. I thought I can make it without you by my side.” Hirap na pagpapanimula ni James at akma namang tatayo na si Devon dahil di nito inakalang magagawa ito ng nobyong pinagkatiwalaan niya’t inasahan niyang tutupad sa usapan nila pero pinigilan siya ng dalawang kamay ng binata at pilit siyang pinaupo.

“Let me finish.  You can hate me all you want but at least let me explain myself.” Wika ni James at napaupo na nito si Devon na patuloy pa rin sa pag-iyak at matalim na tinitigan si James.

“There’s this month that I wasn’t able to contact you, Dad had a stroke, I was so devasted, I thought I ‘d lose him. I was so scared for my Dad’s life, I didn’t tell you because I know you won’t be able to come here and I don’t want to disturb you.”

“But I’m your girlfriend, James. Your issues are my issues too.” Sagot ni Devon kay James pero nagpatuloy ito.

“No one else knew about it, until Rica visited me at home and found me there crying on our front porch so I told her. She was my companion all through out Dad’s illness until he recovers.” Gusto nang kumawala ni Devon sa mahigpit na hawak ni James sa mga kamay niya ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin ng binata pero malakas ito kumpara sa kanya.

“So, this past three months you are fooling around with that Rica and you don’t have the balls to tell me!” gigil na gigil na wika ni Devon pero patuloy pa rin ang luha niya sa pag-agos.

“I didn’t plan this, I didn’t plan to hurt you. But that time I needed someone by my side, physically, else I might have been gone and we might not have this conversation. I know it may sound selfish of me but I remembered what my Dad told me when he was struggling to survive stroke that I should live my life to the fullest. It got me to thinking, with what we have right now do you think we are living our lives to the fullest? Are you happiest when I’m not around? Do you feel fulfilled knowing that you are lying to your parents about us? You know the answers to those questions. We’re both young and we can do more than tying down ourselves with each other and hurting your parents with our lies.” Pagpapatuloy ni James at hindi naman na mahanap ni Devon ang boses bagkus ay puro luha ang lumalabas sa kanya.

“I plan on telling you about Rica. I didn’t tell you earlier because I wasn’t sure yet about my feeling for her.” Dun na nagpantig nang husto ang tenga ni Devon.

“I get it! You love her because she’s here! You love her because I can’t be with you! Pero James, nakipaghiwalay na ako sa’yo dati! Nakipaghiwalay ako sayo dito, dito sa lecheng park na ito! Binalikan kita dahil nangako ka sa akin na hindi ka bibitiw! Pero anong ginawa mo?” nagpumiglas na ang isang kamay ni Devon at pinunasan nito ang mga luha. Galit na galit siya kay James.

“I didn’t plan on this. It just happened. I don’t expect you to understand.”

“Tarantado ka pala e! Wala kang karapatang magexpect sa akin na maiintindihan ko ang kagaguhang ginawa mo sa akin! Nag-uusap naman tayo, bakit hindi mo sinabi sa akin agad para hindi ako mukang tanga ngayon dito! Minahal kita ng buong buo! Nagtiis din naman ako! Umasa ako na tulad ko paninindigan mo ang pangako mo sa akin. Pero sinungaling ka!”

“I deserve that, I guess. I loved you, you should know that. I loved you with all my heart. Perhaps, I changed and my heart did too. I’m really sorry.  I guess our trial and error has come to its conclusion. I’m letting you go, Devon. I’m sorry for wasting 3 years of life with a jerk like me.” Wika ni James na napabuntong hininga ng pagkalalim-lalim, naaawa na rin siya kay Devon pero alam niyang iyon ang tanging paraan niya para maitama ang pagkakamali, ang umaming naging mahina siya. Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Devon pagtapos nito pero inisip na rin niyang kahit papano ay hindi na makukulong ang dalaga sa relasyon nila at hindi na rin ito magsisinungaling sa magulang niya.

“You don’t know the pain I’m feeling right now! I placed you in the pedestal thinking that you’re different from all the other guys. But you just let me down. Pinagmuka mo pa akong tanga.” Pinahiran nito ang mga luha at siniguradong wala nang lalabas sa mga mata niya, “Let go of my hand! I don’t ever wanna see your face again! I’m sorry that I trusted you but most of all I’m sorry that I loved you.” Nang bitawan ni James ang kamay nito ay dali-dali siyang tumalikod sa binata at tumakbo. Kahit hindi alam ni Devon kung san siya pupunta ay wala na siyang paki-elam. Gusto niyang mapag-isa, gusto niyang mag-sisigaw sa galit.

Gusto sanang sundan ni James si Devon pero kailangan niyang panindigan ang ginawa niya. Tapos na sila ng dalaga, alam niyang iyon na talaga ang huli nilang pagkikita. Tumayo na rin sa James sa kinauupuan at tinungo ang kotseng ipinarada nina Brett sa entrance ng park.

Nang makapasok si James sa sariling sasakyan ay dun na lumabas ang luhang kanina niya pa inaantay na lumabas. Napasubsob siya sa manibela at pinaghahampas ito. Batid niyang nasaktan niya ang babaeng minsan niyang sinamba at handang paglaanan ng buhay niya pero naisip niyang ayaw na niyang patagalin ang paghihirap nilang dalawa. Alam niyang hindi naging madali kay Devon ang set-up nila at gusto rin niyang magkaroon ng buhay ang dating nobya sa labas ng lihim at mali nilang relasyon.  

End of flashback…
“Sorry, Kyra. Hindi na mauulit. Pangako, last ‘to.” At pinahid ang luha niya at tumayo sa kinauupuan.

“Korek, tama na ang emote! Wala namang camera dyan para magMTV ka.Pag ako tinanong nanaman ng mama mo kung bakit para ka nanamang umiyak e baka masabi ko na sa kanya ang totong dahilan dahil ubos na ang excuses ko.” pagpapatawa ni Kyra sa pinsan.

Masakit din para ditong makitang nagkaganun ang pinsan niya pero lagi lang siyang naroon para suportahan ito. Saksi siya sa pinagdaanang paghihirap ni Devon matapos makipaghiwalay si James dito. Mahirap na nga iyong dinadalang problema ni Devon hindi pa niya mailabas pag nasa sariling bahay siya dahil baka mahuli siya ng ina niya kaya doble dobleng pasakit ang dinala nito. Pero bilib din si Kyra sa pinsan dahil kahit ganun ay hindi ito masyadong pinanghinaan ng loob bagkus ay pinagtuunan nalang nito ang pag-aaral.

4 comments:

  1. wow!...na iyak aq..nuh bey galit aq kay james at rica....tsk!.......kaya mo yan devon!afected much aq...

    ReplyDelete
  2. dahil dyan..chapter 11 na ng puso? di ba friend? hahahahaha!

    ReplyDelete
  3. tyeeeeeeet kakaiyak naman ang chapter na 2!!


    napakahina mo pala james eh! hmmmp tseeee!

    ReplyDelete