Friday, May 6, 2011

Trial And Error: I

Chapter 1
Isang malakas na sampal ang natamo ni James galing kay aling Linda.
“Bastos ka! Lumayas ka sa pamamahay ko!” bulalas ni aling Linda na nanginginig sa galit.  Habang si Devon ay gulat pa rin sa nangyari at di mawari kung panong pagsusumamo ang gagawin sa ina para ipaliwanag ang nasaksikan nito kanina lamang mga labing limang minuto ang nakalipas.
Flashback….
Isang taon nang magnobyo si James at Devon na parehong graduating sa high-school.  May pagka-istrikto ang magulang ni Devon lalo na ang ina nito kaya lihim ang relasyon nilang magnobyo. Nang araw na iyon ay mag-isa lang si Devon sa bahay dahil nasa conference meeting si aling Linda. Saktong medyo may konting hidwaan sila ni James kaya naisipan nyang tawagan ito para makapag-usap sila at maayos ang problema.  Dumating si James sa tahanan ng mga Soriano, pinapasok siya ni Devon at sinara ang pinto. Nakaupo sila sa sofa at nagusap tungkol sa problema nilang kung tutuusin ay napakasimple lang naman na umabot ng isang linggong hindi pagpapansinan.
“Baby, I promise you I won’t argue with you again about you being close to Ivan” pagpapaliwanang ng binata habang matiim na nakatitig sa mapangusap na mata ni Devon.  Ramdam naman ni  Devon ang sinseridad ni James at napapangiti sa naririnig.
“Just promise me as well that you’ll let me know if you have plans of going somewhere with him” pagdudugtong ni James, “I know he’s your bestfriend and he came into your life first. You also know how jealous I can get and as much as I wanted to ignore what other people are saying… I have pride” gusto na sanang sumagot ni Devon pero nagpatuloy pa rin sa pagpapaliwanag si James.
“I won’t ask you to stay away from him because that wouldn’t be fair to you but please think how I would feel with your actions towards him.  But again, I’ll keep an open mind and I know I’m not making sense now” wika nito sabay hawak sa muka ni Devon at tinitigan ng pagkalagkit-lagkit, “I’m just threatened, okay?  I love you so much and I think it’s normal for me to be jealous but I’ll keep it to minimal.” Pagtatapos ni James
“Naintindihan ko, may mali din ako. Dapat may boundaries ang closeness namin ni Ivan lalo pa’t nandito ka na sa buhay ko. Thank you for letting me know how you feel. At least ngayon, di na ako nangangapa kung bakit mo ako iniwasan nitong mga nakaraang araw”, sagot ni Devon na medyo nanginginig na ang boses dahil sa pagpipigil ng luhang gusto nang kumawala dahil sa naramdamang pangungulila.
“Sobra kitang namiss” naluluhang saad ng dalaga habang nakayuko na siya namang pagkilos ng isang kamay ni James para itaas ang mukha nito sabay sabing, “Hush, don’t cry…I miss you more, Baby” at di na rin napigilan ni James ang pangungulilang nararamdaman at siniil niya ng halik si Devon.  Nadala sila ng pangyayari unang pagkakataon sa loob ng isang taong relasyon nila nagawang maghalikan ng ganon kapassionate.  Namalayan nalang nilang nasa kama na sila ni Devon pero ni hindi pumasok sa isip nino man sa kanila na may magaganap sa kanila sa araw ding iyon nang biglang may narinig na sigaw at balibag ng gamit ang dalawa.
“Anong ginagawa nyo?!” sigaw ni aling Linda na nanginginig at namumula na sa galit.
Biglang bumalik sa huwisyo ang dalawa at dali-daling bumangon sa pagkakahiga sa kama at akmang hihingi ng tawad sa ina si Devon nang PAAAK!!! Dalawang mag-asawang sampal ang ibinigay ni aling Linda kay Devon. Gulat at tumutulo na ang mga luha ng dalaga na ang tanging nasambit ay nahihiyang, “Sorry” sa ina. Samantalang si James ay umawat nang makita ang pagsampal sa nobya.
“Ma’am, let me explain” pagsusumamo ni James na ngayo’y nakaluhod na sa harap ng ina ni Devon.
“Sino kang demonyong lalake ka?! Ni hindi ko alam na may boyfriend pala ang babaeng ito” halos mapatid ang litid ni aling Linda sa pagsigaw. Sabay sampal kay James.
Maluwag namang tinanggap ni James ang sampal na iyon kung iyon ang paraan para hindi na pagdiskitahan pa ni aling Linda si Devon.
“Bastos ka! Hindi mo na ginalang ang pamamahay ko! Lumayas ka sa pamamahay ko!” pagtataboy ni aling Linda kay James. Tinignan ni Devon si James na tila nangungusap na umalis na lang at siya na ang bahala.  Huminging muli ng patawad si James kay aling Linda bago lumisan.
“Wag na wag mong ipapakita ang pagmumuka mo dito kundi ipapupulis kita!” huling bulyaw ni aling Linda sabay baling ng galit kay Devon.
“Ipadodoktor kita!” mariing saad ng inang galit na galit at tila nanlulumo pa rin sa nasaksikan.
“Ma, wala pong nangyari sa amin ni James. Patawarin nyo po kami.” Pagpapaliwanag ni Devon na patuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
“Hindi! Ipadodoktor kita bukas na bukas rin! Hindi ka pa nga tapos ng High-School umaasta ka nang ganyan! Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote mong babae ka!” umiiyak na wika ng ina.
“Sorry po. Wala po talagang nangyari. Maniwala po kayo sa akin” na pilit hinihimas ang inang hinahawi naman ang bawat dampi ng kamay ng dalaga.
“Wag mo muna akong kausapin. Hinding hindi ko makakalimutan ang nakita ko kanina. Hindi ko matanggap na magagawa mo iyon sa akin! Nagsinungaling ka na nga tungkol sa relasyon nyo tapos iyon pa ang gagawin nyo! Dito pa sa loob ng pamamahay ko!” nanggigigil na sabi nito sabay pasok sa kanyang kwarto.
Naiwang luhaan si Devon  sa sala at di makaling kinumyus-kumyos ang mga palad. Minabuti na rin nitong  pumasok sa kanyang kwarto at hinayaang kumalma ang ina.  Nagsisisi si Devon sa nagawa, hindi nya sinasadyang umabot sa ganong sitwasyon.  Iniisip nya kung ano ang mangyayari sa kanilang magnobyo at patuloy na nagdarasal na sana hindi masyadong lumala ang sitwasyon.

No comments:

Post a Comment