Chapter 45
Dalawang taon na ring legal sila James at Devon sa mga magulang nito. Naging maayos naman ang lahat sa dalawa kahit paminsan-minsan ay nagkakatampuhan sila. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, dahil sa tuwing magkakaproblema ang dalawa ay kay Aling Linda na tumatakbo si Devon at natutuwa naman si Devon sa mga payo ng ina kaya siguro lalo pa silang naging matatag ni James. Hindi na pinalipat pa ni Devon si James sa Davao kahit pa gustong-gusto na ng binata. Iyon nalang siguro ang isang hadlang sa kanilang relasyon pero nakakatuwang isipin na walang bumibitiw sa dalawa.
Lumuwas si Devon sa Maynila upang umattend sa binyag ng kanyang unang inaanak sa barkada. Sabay silang pumunta ni James sa selebrasyon.
“Thank you for coming, Bessy. Ikaw talaga ang inuna ko sa listahan ng mga ninang.” Masayang yakap ni Fretzie kay Devon.
“Hindi ko ata mamimiss ang event na ito. Napakacute ng inaanak ko.” Wika ni Devon sabay pisil sa mapupulang pisngi ng anak nina Fretzie at Brett.
“What’s up!!!!!” sigaw ni Ryan at napukaw nito ang atensyon ng lahat. Sinalubong naman si Ryan nina Brett, Ivan at James at pinaghahampas ang bagong dating.
“Hey, Devon! Where is your cousin Kyra? I gave up on Jenny she’s back in Korea. Do you think you can fix me up with your cousin?” pangungulit ni Ryan kay Devon na bitbit na ngayon ang sanggol.
“Sorry, Ryan. Kyra doesn’t like cockroach.” Natatawang sagot ni Devon at nagkunwaring sumimangot naman si Ryan.
“Yah, Devon. Where’s Kyra? I thought you’ll bring her with you. I miss that tactless girl.” Nangingising wika ni Ivan.
“Hmmm…. So, you like my cousin ha. But anyway, where’s Trish?” makahulugang turan ni Devon kay Ivan.
“I said I miss her and didn’t say I like her.” Mabilis na sagot ni Ivan at inakabayan naman siya ni Ryan.
“Very good answer, friend. Because I don’t want to compete with you with Kyra. I don’t want your ego to get hurt when Kyra says Yes to my gwapo face.” Wika ni Ryan na nagbubeautiful eyes pa. Wala naman nang tigil sa kakatawa ang buong barkada sa mga pinagsasabi ni Ryan.
“Seryoso, Man. Where’s Trish?” tanong muli ni Devon kay Ivan na halatang iniiwasan ang tanong.
“We broke up a year ago. She’s in the states now and I heard she already have a fiancé. It’s that easy for her to replace me.” Wika ni Ivan at akto namang yayakapin siya ng buong barkada, “Before you do that mushy thing. I’m okay. You don’t have to give me that group hug. I’m fine.” Natatawang wika ni Ivan.
“Ah, Fretzie, do you think you and Devon can go to the Mall later? I think you two need some catching up. We’ll take care of your precious baby Nicole.” Wika ni James at nagets naman agad ni Fretzie ang pinapahiwatig ni James.
“Oo nga, Bessy. Man, do you wanna come with us? Parang nung highschool lang pag tinatakasan natin si Tita Linda pag weekend para makapagmall tayo at makanood ng sine.” Excited na wika ni Fretzie at ngiting ngiting sumang-ayon naman ang dalawa.
Nang matapos ang event, ay mabilis na yumakag ang tatlo. Halos hindi sila magkandamayaw sa kulitan papunta sa mall lalo na nang makarating sila dun. Hindi naman mapakale si Fretzie at kanina pa kating-kati na masolo si Ivan kaya niyaya nila si Devon na magkape at pinainom nila ng kape si Devon at sandamakmak na tubig. Nang makaramdam ng pagka-ihi si Devon ay inexcuse nito ang sarili sa dalawa.
“Man, we actually have a plan.” Bulong ni Fretzie kay Ivan. Naging attentive naman si Ivan sa pakikinig sa plano ng kaibigan.
Nakabalik na si Devon galing CR ng magyaya si ivan na maglibot muli. Nagtataka naman si Devon kung bakit sa area na iyon ng mall sila pumunta e parang wala naman silang mabibili dun na kailangan ng kahit sino sa kanila.
“Devy, let’s go to that shop.” Pag-aanyaya ni Ivan. Nagtaka man si Devon ay sumunod na rin siya.
“Are you buying a gift for someone, Bes?” tanong ni Devon kay Ivan na sinisilip ang mga paninda.
“Actually, yes. I might actually pursue Trish again. I mean I know she’s engaged and all but who knows. You know how fickle minded Trish can be. She could change her mind in a blink of an eye.” Wika ni Ivan at nangingisi naman si Fretzie na tumitingin din ng display.
“Iba ang fighting spirit mo, Bes. Pero bakit dito ka pa bibili din a lang sa states?” takang tanong nito sa binata.
“Naku, Bessy, ang dami mong tanong. Halika dito. Di ba maganda iyong cut ng diamond na yan?” sabay turo nito sa isang 1.5 carat princess cut diamond ring sa display.
“Ay masyadong malaki ang bato, Bessy. Baka maka-attract lang yan ng holdaper. Mas maganda iyon oh.” Sabay turo naman ni Devon sa isang blue sapphire and diamond ring. Nangingisi naman si Fretzie at tinawag nito ang saleslady.
“Miss, pwede bang macheck iyang ring na may blue sapphire.” Wika ni Fretzie sa saleslady at agad namang kinuha ng babae ang singsing mula sa display at iniabot kay Fretzie pero nginusuan nito ang saleslady para ibigay ang singsing kay Devon.
“E bakit sa akin?” gulat na wika ni Devon pero kinuha din ang singsing mula sa saleslady.
“Ikaw naman. Para susukat lang. Ayaw mo ba nun? Para naman matry mong may suot na engagement ring? Sige na isukat mo na.” excited na wika ni Fretzie at lumapit naman si Ivan sa dalawa. Kahit naman puno nang alinlangan si Devon ay sinukat na rin niya ang engagement ring na sa kanyang mga mata ay ang pinakamagandang engagement ring na nakadisplay roon.
Manghang-mangha naman silang tatlo ng masukat ni Devon dahil saktong sakto ito sa daliri niya.
“Oh my gosh! Bessy, I fits you perfectly! Di ba Ivan? At ang ganda, bagay na bagay sa daliri mo. Kelan ka kaya magkakaroon ng sarili mong engagement ring ano?” wika ni Fretzie at siniko naman siya ni Ivan habang si Devon ay parang namagnet na sa kakatitig sa daliri niyang suot ang blue sapphire and diamong ring.
“Di naman kami nagmamadali, Fretz. Pati kahit ano naman ang ibigay sa akin ni James masaya na ako.” Sabay tanggal ni Devon ng singsing sa daliri niya at ibinalik sa saleslady. “Are you done, Ivan? Didn’t find anything that will suit Trish?” baling ni Devon kay Ivan at umiling naman si Ivan. Nang makita ni Ivan ang pagsensyas ni Fretzie ay dali-daling inilabas ni Ivan si Devon sa shop at hindi nito hinayaang makalingon at mabilis namang kumilos si Fretzie.
wedding bells naaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh......babasahin q pa ung iba....weeeeeeeeee mamaya na aq mag.cocoment teh
ReplyDelete