Chapter 39
Nagpaiwan si Devon sa Maynila ng isang araw at ipinaalam nalang nito sa ina na makikipagkita lang siya sa mga dating kaibigan. Lubos naman ang pagpapaalala ni Aling Linda kay Devon na huwag gagawa ng kalokohan at siguraduhin nitong mga kaibigan lang ang kakatagpuin, sinigurado naman niya sa ina na mga kaibigan lang ang kikitain kahit na labas sa ilong ang sagot nito.
Dumiretso sila ni James sa clinic ni Dra. Sanchez ng Sabadong iyon. Nanlumo si Devon nang malamang wala na talaga ang bata at tuluyan na itong natunaw nang iniinom na gamot. Niresetahan naman siya ng doctor ng vitamins para mapunan ang naawas na folic acid dulot ng treatment.
Tumuloy muna sila kina James pagkatapos ng checkup. Ang nadatnan lang nila sa tahananan ng mga Reynolds ay ang kasambahay. Nang masilayan naman siya ng kasambahay nina James ay buong giliw itong niyakap dala nang pananabik sa dalaga. Ipinagluto pa ito ng matanda ng paborito niyang spaghetti. Ilang oras pa ang lumipas at dumating din naman si Mr. Mathew galing sa isang business meeting.
Nasa kwarto ni James ang magnobyo at masuyong pinagmamasdan ni Devon ang pictures nilang magnobyo na pinaframe ng ama nito habang si James ay nasa banyo.
“Is this is my long lost daughter-in-law?” wika ni Mr. Mathew na nasa nakaawang na pintuan ng kwarto ni James. Napalingon naman si Devon na may ngiti sa mga labi. Nang makita si Mr. Mathew ay agad na tumayo ito at tinakbo ang ginoo at niyakap.
“Tito! I missed you so much! How’s your health?” puno nang galak na wika nito kay Mr. Mathew. Sakto namang palabas ng banyo si James at bigla itong kinabahan sa narinig na tanong ni Devon sa ama.
“I missed you too. It’s been awhile since you’ve been here. Wait, what about my health? Look, I’m doing great!” masiglang wika ni Mr. Mathew at biglang sabat naman ni James.
“Dad, can Devon stay here for tonight? She’ll be flying to Davao tomorrow and I don’t want her to stay alone in a hotel.” Pag-iiba ng usapan ni James. Naguluhan naman si Devon sa ginawa ni James pero hindi na rin niya inintindi. Inakbayan naman si Devon ni Mr. Mathew.
“But of course. If you want she can live with us.” At tinignan si Devon at nginitian. Sinuklian din naman ng ngiti ni Devon ang ama ni James, “Ah, that smile! I missed that. Well, I’ll ask Manang to clean the guest room but for the meantime let’s have dinner.” Yakag nito sa dalawa at bumaba na sila para maghapunan.
Natapos na silang maghapunan at nagkwentuhan pa sila ng kaunti nang makaramdam ng antok si Mr. Mathew. Niyaya na niyang matulog ang dalawa at sumunod naman ang mga ito sa kanya paakyat.
Nasa guest room na si Devon at nakahigang nakatalikod sa pinto para matulog nang bumukas ang pinto. Dahan-dahan namang pumasok si James at tumabi sa nakahigang si Devon.
“Can hubby sleep here with you tonight?” malambing na wika ni James at pumwesto na sa kama kahit hindi pa sumasagot ang nobya.
“Sure. You can sleep here but nothing else.” Walang lingong sagot ni Devon at agad agad ay niyakap siya ni James.
“You think tomorrow perhaps, you can marry me?” bulong ni James kay Devon. Nang marinig naman iyon ni Devon ay napaharap siya nang tuluyan kay James.
“Tomorrow? I don’t think that’s possible. We need a lot of paperworks plus my dream is to walk down a very long aisle oh I take that back not too long aisle.” Wika nito sa nobyo at pinisil naman ni James ang ilong niya.
“Okay. I’ll give you the grandest wedding you’ve ever imagined. I want you to be the happiest bride in the world when that day comes. But are you sure you don’t want to get married tomorrow? You know my Dad can pull some strings for us.” Pangungulit ni James.
“Please not tomorrow. Let me tell my parents first about us then we’ll decide when we will get married.” Ngiting sagot nito sa binata at binigyan niya ng isang mabilis na halik sa labi ito. Bigla naman siyang tinitigan ng nakakapanloko ni James.
“You ha, I’m tempted but it won’t happen.” Natatawang wika ni Devon at nahampas pa ang braso ng binata. Sobrang nasaktan si James sa malabakal na kamay ng nobya at nahimas ang braso at tinalikuran ito. Taranta namang yumakap si Devon sa nakatalikod na James at sinuyo ito.
“I’m so sorry, Baby. Hindi naman malakas yun ah.” Malambing na wika ni Devon samantalang nangingisi naman si James sa pagpapaguilty sa nobya. Nang silipin siya ni Devon ay nakita nito ang ngiti ng binata at nahampas nanaman siya.
“Ouch! That really hurts.” Munting daing ng binata at nagpout pa ng labing tumingin kay Devon. Pinisil naman ng huli ang pisngi ni James at nagkatawanan sila.
“Seriously, Baby. What’s our plan now? Do you think we can tell your parents about us and what happened to you?” wika ni James. Natigil naman sandali si Devon sa pagtawa at napatingin sa kisame.
“I don’t think I can tell them about what happened to our baby. Baka hindi nila kayanin. I can’t, James.” Tulalang wika ni Devon at niyakap siya ni James.
“You know that we can’t forever keep that as a secret. We are already keeping a lot of secrets from them.” Halos bulong na wika ni James.
“I know that. But I don’t want my mom to hate me forever.” Lungkot na saad ni Devon.
“I’ll be with you when you tell them. I’ll take all the slaps for you.” maagap na sagot ni James.
“I can take whatever physical pain from my mom but not the emotional torture. But I promise you, as soon as I get back to Davao I’ll tell them about us. I’ll tell my mom.” Wika ni Devon at tinapunan ng tingin ang nobyo. Nakita naman ni Devon ang alinlangan sa muka ng nobyo pagkasabi nito.
“Can you hold off on that thought? I’m not saying that we tell them immediately. I need to prove myself first to your mom. I need to finish my studies and have a decent job when I face her. If you want, I’ll tell her myself.” Seryosong sagot ng binata.
isang salita lang ang 'bitiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnn' naman bilis bilisan ang pag-gawa ng nxt chap!.....demanding na demanding na tlaga aketch eh noh!....kilig naman nito magkatabi matulog!....yeeeeeeeeeeeeey!naiihi aq!.... :)) wewelgahin talaga kita pag-waley pa rin ang nxt chap!.........
ReplyDeleteNapatumbling naman ako sau. Easy lang, friend. Tutulog muna ang lola at madaling araw na.
ReplyDeleteBukas na ung bang chapters.
Maraming salamat talaga sa pangangarag at comments mo. Lol!
Mabuhay ka!