Chapter 31
Pinaupo ni Fretzie si Devon sa tabi ni James pero si Devon kahit na nakaupo na sa buhanginan ay nakahawak at nakatingin pa rin kay Fretzie.
“Bessy, mag-uusap lang kayo. Andun lang ako, okay? Bitawan mo na ako para matapos na ang usapan nyo.” Ilang sandali pa bago tuluyang bitawan ni Devon si Fretzie. Kahit nakailang hakbang na si Fretzie ay nakalingon pa rin si Devon dito.
“Congratulations! You made it.” Biglang wika ni James na nakatingin sa dagat.
“Salamat.” Tipid na sagot ni Devon sa binata at wari’y may sinusulat sa buhangin ang isang daliri nito.
“How are you? I know you haven’t forgiven me yet.” Wika ni James habang nilingon ang katabing dalaga na naglalaro pa rin ng buhangin.
“I think I’m okay. Thank you.” Tipid pa ring sagot ni Devon.
“I’m sorry about Rica. I’m sorry about everything. I know you’ve suffered a lot.” Nakatitig pa rin sa nakayukong si Devon na wika ni James.
“That’s okay! I think that Rica is crazy. Know what, it doesn’t matter. I don’t care about her, I don’t care about you.” Mahinang wika ni Devon. Napalunok naman si James sa narinig mula sa dalaga, masakit marinig iyon lalo pa sa babaeng pinangarap niya sa buong buhay niya.
“I just wanted to see you.” Balik tingin ni James sa dagat.
“You saw me na. Can I go now?” wika ni Devon nang hindi pa rin tumitingin sa binata. Halos maiyak-iyak naman si James sa naririnig mula sa dalaga pero tinatatagan niya ang loob niya. Alam niyang kasalanan niya ang lahat.
“Can you stay for a little while?”
“I’m afraid not. So, if you don’t have anything else to say. I should go now.” Papatayo na si Devon ng hatakin ni James ang kamay nito. Bilang tipsy si Devon ng mga panahon na iyon ay nabuwal siya at natumba sa nakaupong si James na ang ulo nito ay nasa dibdib ng binata kaya nang pagtingala niya ay nakita nito ang brown eyes ng binata na kahit madilim ay kitang kita ang pangungulila. Tatayo na sana siya pero bigla siyang niyakap ni James.
“I miss you! I miss you so much! I made the biggest mistake of my life.” Umiiyak na wika ni James. Napakapit na rin si Devon pero sandaling sandali ay parang bumalik ang lahat ng alaala at kumawala sa yakap ni James at tinitigan ito ng matalim at bigla itong sinampal.
Nagulat naman si James sa ginawa ni Devon pero nakita nito ang luhang umagos sa mata ng dalaga kaya niyakap niyang muli si Devon. Pilit pa ring kumakawala si Devon sa mga bisig ni James pero nagmatigas na ang binata.
“If slapping me will take away all your pain, then do so. Just please tell me what do you want me to do to bring that love back because I still love you.”
“Damn you, James. You thought it’s that easy for me to just forget all the nights that I cried myself to sleep?” hikbi ni Devon.
“If I could only take the pain away from you…”
“It’s too late”
“No, don’t say that. It’s not too late. Please give me another chance. Once I finished college, I’ll move here. I promise you that but this time I’ll do it. I will.”
“Enough, James. Ayoko nang umasa sayo. Nakayanan kong wala ka. Kaya ko habang buhay.”
“Don’t say that. Please don’t say that. I’m really sorry. Forgive me please.” At hinarap ni James si Devon na puno pa rin ng luha ang mga mata at hinawakan nito ang magkabilang pisngi habang nagsusumamong patawarin siya. Nakaiwas ang mga mata ni Devon sa binata kahit na pinapatingala siya nito. Hindi na napigilan ni James ang nararamdaman, alam niyang dahil sa mga luha ni Devon ay may pagtingin pa rin ang dalaga sa kanya kaya pinilit niyang halikan ito. Nung una ay kumakawala ang mga labi ng dalaga pero siguro dala ng pangungulila ay nagpatianod na rin si Devon. Naiinis si Devon sa sarili dahil kanina lang ay napakatatag niya. Gustuhin man niyang itulak ang binata ay wala na itong nagawa dala na rin siguro ng konting kalasingan at dumagdag pa ang kalasingan nito sa hininga at tamis ng halik ni James.
Nang maramdaman ni James na sinasagot na ni Devon ang mga halik niya ay inayos nito ang pagkakahawak sa dalaga at binuhat sya, napakapit naman ang dalaga sa leeg ni James sa pagkilos nito. Mabilis na kumilos si James kasing bilis ng pagkilos ng mga labi nila ni Devon at narating nila ang cottage ng binata. Walang inaksayang panahon si James at inihiga si Devon sa kama. Para namang nawala lahat ng pagaatubili ni Devon at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tinulungan pa niyang magtanggal ng damit ang binata ganun din naman si James na inilihis ang suot na bestida ng dalaga. Siniil uli ni James ng halik si Devon at nang mahawakan ni James ang muka ng dalaga ay naradaman nito ang mainit na pagdaloy ng luha ni Devon sa daliri niya kaya natigil siya sa paghalik at tinitigan ang dalaga.
“I’m really sorry, Baby. I’ll make it up to you.” Malambing na bulong nito sa dalaga na ang isinagot ay isang mapusok na halik na wari’y nagsasabi sa binatang kalimutan na ang nakaraan. Naluha na rin si James sa pagtugon ni Devon sa mga halik niya. Alam niyang hindi siya karapatdapat sa pag-angkin sa dalaga ngayon pero iba ang sinasabi ng puso niya. Kaya kumilos na rin ang mga kamay ng binata at puno ng pagmamahal na hinaplos ang kabuuan ng dalaga na napapaungol naman sa sensasyong nadarama ngunit patuloy pa rin ang pagagos ng mumunting luha. Bumaba ang halik ni James sa leeg, balikat at magkabilang dibdib ng dalaga, nasabunot naman ni Devon si James ng maramdaman bumaba ito sa pusod niya at pinabalik ang labi nito sa kanyang labi. Lalong lumalim ang halik na binibigay nila sa isa’t isa at humigpit na ang kapit ni Devon sa likod ng binata. Habol hiningang pinakawalan ni James ang mga labi ni Devon at tinitigan ang dalaga ng may ngiti sa kanyang mga labi.
“Promise me, you’ll marry me.” Naluluhang bulong ni Devon sa binata. Ngiting-ngiti namang sumagot si James dito ng matamis na, “I will marry you. I will.” At tuluyang naging isa ang dalawang kaluluwa na walang tigil sa bigkas ng pangalan ng isa’t isa. Sabay na sabay na natapos ang dalawa at nagkatitigan ulit at parehong ginawaran ng halik ang isa’t isa. Hinawakan naman ni Devon ang muka ni James at nagwika, “I love you so much! My love for you never went away though you hurt me so much.” At naluha nanaman si Devon. Para namang nadurog ang puso ni James sa narinig, “I’m so sorry. I won’t hurt you again. I’ll die first before I could do that again to you. I love you more. Always and Forever.” At pinupog nito ng halik ang dalaga. Niyakap naman siya ni Devon nang pagkahigpit higpit, kahit na lumuluha ang mga mata nito’y nakangiti siya dahil masayang masaya ang puso niya ngayon. “I love you” bulong ni James sa tenga ni Devon.
Nang alisin ni Devon ang yakap kay James ay gumulong ito sa tabi niya at masuyong tinrace ang muka ng dalaga. Tumingin naman sa kanya ang dalaga,
“Nakakainis ka! Ganun ganun lang, nakuha mo ko.” Nakapout na wika ni Devon pinisil naman ni James ang pisngi ng huli.
“Silly, we’ve waited 6 years for this.” At naluha si James isiping sa tinagaltagal ng paghihintay niya ay sa kanya naisuko ng dalaga ang kabuuan nito. Niyakap niyang muli ang dalaga at hinalikan ang noo nito.
“Thank you. Thank you for giving me another chance.” Titig nito kay Devon na nagpablush naman sa dalaga.
“Please don’t break my heart again.” At hinalikan nitong muli si James.
****
“Devon!” napabaliktwas sa kinahihigaan nito si Kyra ng hindi nito nakapa ang pinsan. Nilibot ng mata niya ang kabuuan ng cottage at may nakita siyang nakahiga sa kabilang kama. Tumayo siya’t tinabihan ang nakahiga doon sa pag-aakalang si Devon iyon.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaa super ganda!.........OMG!kasalan nah!....galing2x mo talaga!....weeeeeeeeeeee i luv u na talaga :))
ReplyDeletehihihihi! steady lang
ReplyDelete