Monday, May 16, 2011

Trial and Error: XXVI

Chapter 26
Paalis na si Devon paDavao dahil sa isang linggo ay magsisimula na ang klase nila. Sa loob ng halos isang buwan habang nasa Maynila pa sila Devon ay lihim na nagkikita ang magkasintahan kung papano nakakalusot si Devon ay di rin niya alam. Naisip ni Devon na pinagbibigyan siya ng langit para makasama ang nobyo sa nalalabi nitong oras sa Maynila. Walang sinayang na pagkakataon ang magnobyo na kahit nakasimba na si Devon sa umaga kasama ang pamilya ay sumisimba uli ito sa hapon para makasama naman si James.

Nang makalabas si Devon sa kanilang bahay para sumakay sa sasakyang maghahatid sa kanila sa airporta ay napuna na niya ang asul na sasakyan ni James. Alam niyang binabantayan siya ni James na makaalis at ngumiti ito sa direksyon ng nakaparadang kotse. Halos mabasag naman ang puso ni James ng masilayan ang ngiting iyon ng dalaga. Gusto nyang habulin si Devon at yakapin ito pero pinigilan niya ang sarili.

****
Limang buwan na ring nasa Davao si Devon pero hindi pa rin sumusunod ang magulang niya doon. Dinadalaw naman siya ng ina dalawang beses sa isang buwan.  Maayos din naman na siya sa school nila at nagkaroon na rin ng ilang kaibigan.  Marami ding gustong pumorma sa dalaga pero lagi nitong sinasabing may nobyo na siya na paulit-ulit namang pinagdududahan ng mga kalalakihan sa eskwelahan dahil wala naman silang nakikitang lalaking kasama nito.  Di naman naputol ang komunikasyon nilang magnobyo, kakuntsaba na nito ang pinsang si Kyra na gumawa pa ng account niya sa Skype para makapagusap sila’t makita ang isa’t isa. Malaking bagay ang technology sa magnobyo sa mga panahong iyon.

Si James ay ganun pa rin at laging kasama sina Brett at Fretzie. Minsan nga’y naiinis ito sa dalawa dahil sa kasweetang pinapakita at hindi nito maiwasang mamiss ang nobyang nasa Davao ngayon.

“You know, James, it’s rude to stare.” Bati ni Fretzie kay James na kanina pa nakatingin sa kanilang dalawang magnobyo na nakakunot ang noo.

“Sorry but please stop doing that in front of me. I’m missing Devon and you two are not helping.” Pakuway lalayas ng matawa si Brett.

“Oh come on, Baby. I’ll give you a hug.” Pangungulit ni Brett sa binata at akmang yayakapin si James nang matawa na rin ang huli sa inaakto ng kaibigan.

“Our sembreak is coming soon.” Pag-iiba ng usapan ni Fretzie. “Do you think, Devon will be here?” tanong ni Fretzie.

“I hope so but she said it might be negative.” Kibit balikant na wika ni James na halatang dismayado.

“So,what’s your plan about it?” tanong ni Brett.

“I don’t know. We’ll probably do Skype again.” Matamlay na sagot nito. Di naman maiwasan ni Fretzie na tignan ang dalawang binata sa harap niya.

“Mabuti pa si Bessy nakatakas sa mga englisher. Ako forever na atang duduguin. Kailangan ko na atang magparegister sa Red Cross” pagbibiro ni Fretzie at pinisil naman ni Brett ang pisngi ng dalaga, “You’re such a joker. Be patient with me, someday I’ll be able to speak fluent tagalog. You’ll see.” Wika ni Brett at nagpacute nanaman sa nobya niya.

“Cut it out, will you!” kunwaring inis na wika ni James at inunahan na ang dalawa sa paglalakad at sumunod naman ang mga ito.

****
Last day na ng school nila Devon at sembreak na. Naisip niyang ambilis lang din pala nang anim na buwan. Masaya siyang lumabas ng gate ng campus nang halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita.

“What are you doing here?” takbong bati ni Devon sa lalaking nasa kabilang kalye at halos hindi nito maalis ang ngiti sa mga labi.

“Surprised?” bati ni James sa kanya. Nilingon naman ni Devon ang paligid at ginawaran ng yakap ang binata. Inalis din naman agad ni James ang pagkakayap ni Devon at hinawakan ito sa kamay at niyakag na umalis sa lugar na iyon.

Dinala ni James si Devon sa hotel na pinag-iistayan niya. Pinaupo nito ang dalaga sa sofa at kumuha ng maiinom sa fridge. Mangha pa rin si Devon sa ginawang supresa ng nobyo at hindi pa rin maalis ang mga ngiti.  Iniabot ni James ang soda kay Devon at umupo sa tabi niya.

“Oh my gosh! You’re really here! I’m not dreaming!” pisil nito sa pisngi ni James sabay yakap. Sobra niyang namiss ang nobyo at halos masira ang ribcage ni James sa higpit ng pagkakayap niya. Di rin naman maalis ang mga ngiti sa labi ni James at inisip nitong nagtagumpay ang plano niya.

“You’re not dreaming, Baby. I’m really here. I’ll be here for four days.” At tinitigan nito si Devon. Pinagmasdan niyang maigi ang mga ngiti ng dalaga, ang tsinita nitong mga mata at hinaplos ang kanyang pisngi.

“I missed you so much. So when my last class ended I boarded the plane and went here.” Masayang wika ng binata.

“I missed you too.” Pagkasabi nito ni Devon ay hindi na niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ang nobyong nagpagulat naman dito. Ramdam ng isa’t isa ang pagkamiss kaya ganun na lang ang mga halik na binibigay nila sa isa’t isa. Parang nawala nanaman sila sa sarili at narating nila ang kwarto. Pakiramdam nila ay nasa langit sila ng mga panahong iyon at parang sabik na sabik sa isa’t isang hindi mapaghiwalay ang mga labing parang nagpapaligsahan sa bilis ng pagkilos.

“Stop!” pigil ni James kay Devon na parang natauhan. Dun na lang namalayan ni Devon na nakapaumbabaw na siya sa binata at namula itong umayos ng pwesto at umupo na lang sa tabi nang nakahigang si James. Napuna naman ni James ang hiya sa muka ng nobya kaya umupo na rin ito.

“I’m sorry.” Mahinang wika ni Devon na namumula na sa hiya.

“No, don’t be sorry. We both missed each other but we can’t get over ourselves.” Wika ni James at hinarap ang dalaga at hinawakang muli ang mga pisngi nito at tinitigang muli ang mga mata niya.

“You don’t know how badly I want you right now and how hard it is for me to control myself especially if you’re like that. ” pagpapatuloy ni James na lalong ikinahiya ni Devon, “No, don’t get me wrong. I love how you are right now. You look so amazing today and I’m really tempted. But your mom’s face keeps flashing into the scene and I can’t stand another consequence from her. This is already enough.” At ginawaran uli si Devon ng matamis ngunit saglit lang na halik. Inalalayan na rin nitong tumayo si Devon mula sa kama at dinala sa sala.

Kahit na napahiya si Devon ay nagpasalamat pa rin ito at ginalang siya ng binata. Dahil nung mga oras na iyon ay parang handa na siyang makalimot, marahil iyon ang ikinatatakot ng ina. Nahimamasmasan na ng husto si Devon at nagsimula nang magkwento si James tungkol sa nakakatawang biyahe niya papuntang Davao. Nagpadeliver sila ng pizza sa hotel room ni James at dun sila nagsalo ng hapunan. Pinaalam ni Devon kay Kyra na naroon si James kaya naisipan na din ni James na papuntahin ang pinsan nito sa hotel.

“My gulay! Akala ko nagjojoke lang ang pinsan ko, andito ka nga. Hello, I’m Kyra.” Kwelang bati nito kay James at natawa naman si James at naisip nitong pinsan nga siya ng nobya dahil sa kakulitan din.

“Hi Kyra, I’m James. First of all, I would like to thank you for introducing Devon to Skype. That really helps.” Nakipagshake hands si James at nginitian ng pagkatamis-tamis si Kyra.

“Aysus, wala iyon. Ikaw naman para namang di tayo nagkakausap sa skype ang pormal mo masyado. Uy, pizza! Peberit ko yan.” Pangungulit ni Kyra at natawa na si Devon sa kanya.

“Mahiya ka naman. Ano ka ba? Di ka muna makipagkwentuhan, lafang agad ang nasa utak mo.” Natatawang wika ni Devon at pinaupo na si Kyra sa sofa.

“Ito namang si pinsan. Joke lang iyon. Ngapala,James, gano katagal ka naman magiistay dito?” tanong ni Kyra habang kumukuha ng isang slice ng pizza tatapikin sana ni Devon ang kamay ng pinsan pero nangusap naman ang mga mata ni James na parang sinasabing hayaan na.

“Just 4 days.” Tipid na sagot ni James.

“4 days only? But why not forever?” tanong ni Kyra matapos maisubo ang pizza. Napangisi naman si James sa tanong na iyon.

“If only I could, why not. But I don’t want to complicate things. I think this is better for now. From now on, Baby, I’ll visit you here on sembreaks.” Ngiting baling ni James kay Devon na nakaholding hands pa rin simula nang pagbuksan ng pinto si Kyra.

“Naku! Mukang magkakaproblem ka dyan, James. Kasi Tita Linda and Tito Greg will be moving here in Davao in two months. But wait, have no fear, I am here. I’ll help you two. Okay?” at isinubo ang huling parte ng pizza niya at kumuha pa uli.

“That would be great, Kyra. Thank you. From now on, you’ll be my second favorite person in the world next of course to my Baby.” Wika nito at nginitian si Devon. Napansin ni Devon na halos masamid na ang pinsan sa tuloy tuloy na pagkain ng pizza kaya tumayo ito at kumuha ng maiinom.

“James, just let me know if you want to take Devon out.” At inabot nito ang inuming kinuha ni Devon sabay lagok.


"Ano ito, Kyra? Parang bugaw lang?" pagbibiro ni Devon sa pinsan at medyo nagpakunot sa noo ni James dahil di niya naintidihan ang huling sinabi ni Devon.


"Bakit, Devon, ayaw mo? Mabilis akong kausap." panankot ni Kyra sa pinsan.


"Ito naman kahit kelan mapagpatol. Biro lang. Thanks cousin! Love mo ko talaga." at niyakap nito ang pinsan.

Nagkwentuhan ang tatlo at nagkakabiruan na rin si James at Kyra. Natutuwa naman si Devon sa pinsan dahil nakuha nito ang loob ng nobyo na medyo pihikan sa mga bagong kilala. Nang malapit nang mag alas-otso ay napagpasyahan na ng magpinsan na iwan si James. Magkikita nalang sila uli sa mga susunod na araw

8 comments:

  1. hayyyy sana ganyan na lng cla,. kaso padating na rin ang parents ni devon mahihirapan na naman cla

    ReplyDelete
  2. Have no fear, bianca. Love will find a way. Char! Sense sa dami ng typos at salamat sa pagbabasa. Eksoekso!

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaaa kiligniszzzz al over my body!........go 4 it james ur da men!...kakalurkey c kyra ang kwela nya talaga....loe will find a way talaga....weeeeeeeee i want more!....:p

    ReplyDelete
  4. Bhaby Devon, natanong salamat talaga. Mahahug kita ngaun. :)) may tinatapos Lang ang Lola na deliverable susundan ko agad ito nang matapos na ang paghihiram ng dalawa. Choz!

    ReplyDelete
  5. asan ng nxt chap?......bz sa b-day ni bb Devz?.......hehehehehe

    ReplyDelete
  6. mininsanan ko na ang upload for fun.

    e asan na ang next chap ng PUSO.. chapter 11 na agad bilang tapos na ang debut ni devon. kamon! :))

    ReplyDelete
  7. weeeeeeeeeeeeeee ang bilis ng upd8 teh!.........dami qng babasahin....saka nalang aq mag susulat pag tapos na aq sa kakabasa sa FF mo...hehehe

    ReplyDelete
  8. yan na nga bang sinasabi ko e. wag kang madugas dyan. hahaha! sundan mo na ung chapter 11. baka ako pa ang masisi ng iba pang nagaabang kaya di ka makapagsulat. lol!

    ReplyDelete