Chapter 25
“Mommy, hayaan mo na si Devon. May tiwala ako dyan, hindi gagawa ng kababalaghan ang anak natin.” Ngiting sambit ni Mang Greg sa nakaready nang si Devon. Nakarating na sila sa Maynila kahapon at pinakiusapan ni Devon ang mga magulang kung pwede na siyang makipagkita sa mga kaibigan kinabukasan at kahit alangan si Aling Linda ay wala rin itong nagawa dahil pumayag ang ama nito.
“Devon, wag kang makakalimot ha? Umuwi ka ng alas-sais kundi susunduin kita.” Seryosong wika ni Aling Linda sa anak. Nilapitan naman siya ng anak at humalik dito at nagpaalam. Hinalikan din ni Devon ang ama sa pisngi at masayang nagpasalamat at nagpaalam sa mga ito.
Nakalabas na ng bahay si Devon pero hindi pa rin mapakale si Aling Linda at kinuha ang susi ng kotse.
“At san ka pupunta? Dumito ka lang. Magbonding naman tayong dalawa. Hayaan mo na si Devon ngayong araw at matatagalan yun bago niya muling makita ang mga kaibigan.” Sabay hatak nito ka Aling Linda at kiniliti ang asawa.
****
“Oh my gawd, Bessy!!!! Is that really you?” masayang bati ni Fretzie kay Devon at agad nagyakapan ang dalawa. “I missed you so much!” gigil na wika ni Fretzie.
“But I miss you more.” Biglang labas ni James mula sa kanilang kusina na hindi matatawaran ang ngiti sa mga labi nito ultimo sa mga mata. Nag-hiyawan naman ang magbabarkada at tinukso ang dalawa. Bumitiw naman na si Fretzie sa pagkakayakap kay Devon at nag-give way kay James.
Isang mahigpit na mahigpit na yakap ang ibinigay ni James kay Devon at pinasway-sway pa niya ang dalaga na animo’y nagsasayaw lang sila. Kilig na kilig naman ang magkakaibigan.
“James, Devon is turning blue.” Kantsaw ni Ivan na nanonood din sa dalawa. Bumitiw na rin sila sa isa’t isa at binigyan ng matipid na halik ni James si Devon sa pisngi na ikinablush nito.
“Man! I miss you din.” Bati ni Devon kay Ivan at niyakap ito sandali.
“How about me?” wika ni Brett at niyakap din siya ni Devon.
Sa bahay nila James nila naisipang magkita-kita dahil dun daw ang neutral grounds. Wala nang mga oras na iyon si Mr. Mathew dahil nag out of town ito. Si manang naman ay abalang nagaayos ng kakainin ng magbabarkada.
Nang makakain ay lumabas si Devon sa garden at tumingin sa langit. Iniisip nito kung pano niya sisimulang sabihin sa mga kaibigan ang plano ng mga magulang niya. Inisip din niyang kung hindi niya pa sasabihin ngayon ay baka maubusan na siya ng pagkakataon. Nang matapos makapag-isip ay bumalik na rin ito sa loob at nadatnan ang mga kaibigang nasa sala na.
“How’s Davao, Devy?” unang tanong ni Ivan.
“It’s nice there. Ito nanaman tayo, duguan nanaman tayo sa englisan neto.” Pagpapatawa ni Devon at nagtawanan ang magbabarkada. “I think I won’t be bleeding there since all my relatives are pure Filipino. But yes, it’s nice there but not as nice as here because here I have you guys.” Ngiting wika ng dalaga na parang tinutukso nanaman ng mga luha niya. Pinakikiusapan naman niya ang mga itong wag siyang pangunahan at baka hindi siya magkalakas ng loob na magsabi ng dapat sabihin.
“Marami bang cute na boys dun, Bessy?” maarteng wika ni Fretzie at mahinang tinapik ni Brett ang hita ng nobya, “Bakit ba, just asking. Ito naman, pagdiretso na ang dila mo sa tagalog saka mo ako pagbawalan magtanong tungkol sa boys” pang-iinis nit okay Brett at nginusuan naman niya ng huli at sabay hawi paharap ng bangs niya.
“Mas maraming cute dito.” Ngiting wika nito at sinulyapan si James na papalapit sa kanya. Inakbayan siya ni James at pinaupo kasama ng mga barkada nila.
Nagkwentuhan sila ng mga naganap sa kanila at natuklasan ni Devon na hindi masyadong gumimik si James ng mga panahong wala ito. Wika nga ni Fretzie na napaka-good boy daw ni James habang wala siya. Ito namang si Ivan ay nakipagcool off kay Trish dahil sa inasal nito pero syempre dahil mahal na mahal ni Ivan ang dalaga ay balak naman niyang makipag-ayos dito. Tawanan at kulitan ang naganap ng hapon na iyon. Si James naman ay hindi inaalis ang mga kamay sa balikat ni Devon at sweet na sweet ito dito. Napabaling naman si Devon sa relo niya at napunang alas-tres na pala ng hapon at ilang oras na lang ay uuwi na rin ito.
“I have something to say.” Pag-iiba ng tono ni Devon na nagpabago din ng mood sa sala ng mga Reynolds. Napatingin naman ang lahat sa kanya na parang nagtaka sa pagbabago ng tono nito. Parang gusto namang bawiin ni Devon ang nasabi pero wala na siyang magawa at nagsisimula nanamang mamuo ang santol sa lalamunan niya.
“What is it, Baby? You sound serious. You’re scaring me.” Concerned na wika ni James at hinawakan naman ni Devon ang isang kamay ni James at pinisil ito. Nabahala na ng husto si James sa maaring sabihin ng dalaga.
“I’ll be studying in Davao.” Napayuko si Devon at tuluyan nang napaluha. Gulat ang lahat sa sinabi nito at di malaman kung sino ang unang magrereact. Napatayo si Fretzie sa kinauupuan at lumapit sa kaibigan. Mangha paring nakatitig sina Ivan at Brett sa dalaga. Samantalang si James ay pilit kinakawala ang mga kamay sa pagkakahawak kay Devon pero mahigpit itong hawak ng dalaga.
“Baby, no! Please tell me you’re joking. Tell me you’re lying.” Pilit pa ring kumakawala sa hawak ng dalaga at hinarap ito. Naiinis na si James sa nararamdaman niya hindi niya malaman kung pano niya pipigilan ang dalaga.
“I wish I am.” Nakayukong pa ring wika nito na patuloy ang pag-iyak. Hinaplos naman ni Fretzie ang likod ng kaibigan at ramdam nito ang bigat ng dinadala niya.
“Is that your mom’s decision, Bessy?” wika ni Fretzie at tumango naman si Devon. Gigil pa rin si James at halos mabasag na ang mga ngipin nito sa pagtiim ng ganyang mga bagang.
“Why did you agree? I thought it’ll just be here in Manila. Why?” tanong ni James kay Devon at naluluha na rin. Walang naisagot si Devon kundi ang yakap niya. “You shouldn’t have said yes.” Hagulgol na wika ng binata na nakasubsob na ang muka sa balikat ni Devon.Wala nang masabi sina Fretzie, Brett at Ivan. Naaawa na din sila sa sinasapit ng magkasintahan pero wala rin silang magawa.
“I’m so sorry, James. If I could just say no, I would have done it. But this is my consequence, our consequence. Now, if you’d say you can’t go on with this anymore because of me being away from you, tell me now. I will accept it.” Napabitaw si James sa pagkakayakap kay Devon at tinitgan nito ang dalagang hilam ang mga mata.
“Do you think I’ll give you up that easily? I told you, I’ll make a way. I told you I won’t let go of you again. Why are you telling me these things? Do you think letting you go will be easier for me to bear?” wika ni James kay Devon na humihikbi pa rin.
“I’m sorry. Kung anu ano nang naiisip ko. But we can do this, right? I promise I’ll keep in touch.” Sagot ni Devon sa binata.
“I said we can. So, we can.” Seryosong wika ng binata at pinahiran nito ang mga luha sa mga mata ni Devon. “Don’t cry now. We’ll be okay. We can make it. I promise you that.” Napatingala si James at niyakap muli si Devon at napaiyak nanaman itong isiping lalayo ang nobya nito sa kanya. “I love you, Baby. I love you so much.” At hinalikan ni James ang bumbunan ni Devon. Napapikit naman ang dalaga at niyakap nito si James.
“I love you more, Baby.” Bulong ni Devon kay James.
...na-fefeel q ung pain nilang dalawa...ang bigat naman sa dib-dib.....:'(
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
ReplyDeleteang sakit sakit sa puso.. bakit kailangan ba talaga ilayo si Devon huhuhu
waaaaaaaaaaaaaahhhhh!
ReplyDeletepapasok ako bukas na maga ang mga mata :((
Lol! Thanks issy sa pagbasa at sa comments mo. Appreciate it! Hugs!
ReplyDelete