Monday, May 16, 2011

Trial and Error: XXII

Chapter 22
“Shit!” nahampas ni James ang manibela nang makitang paalis ang  sasakyan nina Devon sa bahay nito. Pinaharurot nito ang sasakyan pagkatapos at sinundan ang kotse. Mabilis na pinindot ni James ang number ni Devon sa cellphone niya. Nawala sa isip nito na kasama nga pala ni Devon ang mga magulang sa sasakyan kaya malamang hindi sinasagot ng dalaga ang tawag niya. Nafufrustrate na si James pero patuloy pa rin siyang nakasunod sa sasakyan.

Nakarating na sila sa airport, ipinarada ni James ang kotse niya mga tatlong kotseng layo kina Devon. Di malaman ni James kung bababa ba siya sa sasakyan o aantayin nalang si Devon na pumasok sa terminal. Sandali lang ang inantay ni James at nakita na nitong naglalakad ang pamilya nina Devon nang biglang may kumatok sa bintana niya.

“Sir, may inaantay po ba kayo? Bawal po kasing mag-antay dito ng matagal.” wika ng guard matapos ibaba ni James ang bintana ng kotse.  

“No worries, I’m going. Thanks!” sagot ni James at guard at pinaandar nang muli ang kotse. Sinubukan niya uling tawagan ang dalaga at nagbabakasali siyang masagot na nito ang tawag pero nakauwi na siya’t lahat sa bahay nila ay di pa rin niya nakontak ang dalaga.

“Son, be patient.  It’s just a vacation. I think it wouldn’t take long.” Alalang bungad ng ama kay James pagkapasok nito sa bahay.

“Thanks Dad! I’ll just be in my room.” At mabilis na umakyat sa kwarto niya.

*****
Nakarating na sila Devon sa Davao. Dumiretso sila sa tahanan ng Tita Lani niya na pinsang buo ni Aling Linda.  Naroon lahat ng mga kamag-anak nila na parang handang handa sa pagdating nila.  Dinumog sila Devon ng mga tanong at kamustahan ng mga tao dun na ikinabigla ng dalaga.  Napansin naman ng Tita Lani niya iyon kaya sinamahan siya sa tutuluyang kwarto. Pinagpahinga muna siya at iniwan sa kwarto. Iyon naman ang naging signal ni Devon para matawagan ang nobyong naiwan sa Maynila.

“Naku naman! Nasan na iyon?” taranta’t inis na bulong ni Devon sa sarili.  Naibaliktad na niya lahat ng gamit niya pero hindi niya makita ang kanyang cellphone. Hindi tuloy malaman ni Devon kung naiwan niya ba iyon sa banyo sa kwarto niya at iyon ang kanyang pinapanalangin.

“Ito ba ang hinahanap mo?” pang-gugulat ni Aling Linda sa anak. Hindi malaman ni Devon kung pano lilingunin ang ina.  At nang magkalakas ng loob ay hinarap niya ito.

“Nahulog ata itong salamin mo sa sala. Ingatan mo yan at mahal magpagawa ng salamin ngayon.” Sabay abot ni Aling Linda sa anak ng salamin nito. Para namang nabunutan ng tinik si Devon, akala niya’y iyong cellphone na niya ang nakita ng ina. Nagpasalamat siya pagkakuha ng salamin na bihira naman niyang gamitin at iniwan na rin siya ng ina.

Bigla namang naalala ni Devon na naiwan niya nga ang cellphone sa ilalim ng unan nito. Inis-inis siya sa sarili at inihiga nalang ang pag-aalala na baka kinokontak na siya ni James. Inisip niyang hindi naman siguro sila magtatagal sa Davao.

Matapos makapagpahinga si Devon ay sinamahan na niya ang pamilya sa baba.  Nabawasan na ang mga tao at naabutan niyang nasa kusina ang mga magulang kasama ang Tita Lani niya at ang pinsang si Kyra.

“Nakapagpahinga ka ng maayos?” masiglang tanong ni Tita Lani sa dalaga na humihikab pa. Tumango naman si Devon at nginitian ang tiyahin. 

“Oo nga pala, Devon. Excited ka na bang mag-aral dito?” wika ni Tita Lani na ikinabigla nang lahat lalo na si Devon. Nainis naman si Aling Linda sa kadaldalan ng pinsan at binulungan ito at sinabing wala pang alam si Devon.

“Ano po? Ma, Pa, dito po ako mag-aaral?” gulat na gulat na wika ni Devon. Hindi siya handa sa ganitong rebelasyon. Hindi niya alam kung anong tatakbo sa utak niya ngayon. 

“Oo, anak.  Kaya rin tayo pumunta dito para makapag-submit ka na ng requirements.” Seryosong wika ng ama nito. Gulong-gulo ang utak ni  Devon, gusto nyang magwala pero alam niyang wala siyang karapatan. Marahil ito na iyong napagkasunduan nila ng ina.  Naninikip nanaman ang dibdib nito at pilit na pinipigilan ang mga luha. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang mga magulang para pagdudahan siya. Kaya kinompose niya ang sarili at…

“Papauwiin nyo pa naman po siguro ako sa Manila bago magsimula ang klase para makapag-paalam sa mga kaibigan ko, di po ba? Sana naman po, baka po matagalan bago ko po sila makasama uli.” nanginginig na ang boses na wika ni Devon at nagkatinginan naman ang mag-asawa.

“Pag-iisipan namin iyan.” Mabilis na sagot ni Aling Linda na ikinagulat naman ni Mang Greg. Tinitigan nito ang asawa at parang nais nitong salungatin ang sinabi ng huli pero isang matalim na tingin ang ibinato ni Aling Linda dito.

“Sa ngayon ay asikasuhin natin ang pagpasok mo sa eskwelahan dito.  Kung matatapos agad ay sige uuwi tayo sa Manila para makapagpaalam ka sa mga kaibigan mo. Kaibigan lang ha.” Ngiting sagot ng ama sa dalaga na nagbigay naman ng kaunting ngiti sa anak at niyakap siya nito.  Di makapaniwala si Aling Linda sa sinabi ng asawa ang balak kasi niya’y manatili na si Devon sa Davao hangang magsimula ang klase.

Ramdam ni Mang Greg ang lungkot ng anak sa narinig kaya inalo niya ito. Papunta silang garden at pinaupo ang anak. Nang maka-upo si Devon ay kumawala na ang mga luha nito.

“Pasensya na anak sa naging desisyon namin ng Mama mo.  Tandaan mo lang na wala kaming hangad kundi ang mapabuti ka.” Malumanay na wika ni Mang Greg sa anak.

“Naintindihan ko po kayo, Pa. Kasalanan ko po naman po ito. Pero bakit naman po dito sa Davao? Itatapon nyo po ako dito?” hikbing wika ni Devon. Naawa naman na ang ama sa nakikitang pag-iyak ng anak pero kailangan niyang magpakatatag dahil iyon na ang desisyon nila.

“Pasensya na talaga, anak. Wag mong isiping tinatapon ka namin dito dahil lilipat na din tayo dito sa mga susunod na buwan. Hindi ka namin iiwang mag-isa dito. Tumahan ka na, sisiguraduhin kong makakapag-paalam ka sa mga kaibigan mo sa Maynila.” At inalo muli ni Mang Greg ang anak na ngayon ay unti-unti nang tumatahan.

3 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    HangDami na palang chapters na na-post.

    thanks sis ha. inuna ko muna mag-post nang comment bago magbasa dahil excited much. :))

    ReplyDelete
  2. :)) ayus lang. i love reading your comments :) pagpaumanhin mo na ang typos at grammatical errors - di ko na naproof read e (todo explain lang. lol)

    thanks thanks! sana mag-enjoy ka mare.

    ReplyDelete
  3. tyet past midnight na dito, di ko pa din to maiwan. grabeng pagpipigil na talaga to para di ko basahin ang last chapters...

    Galing mo magsulat!

    ReplyDelete