Chapter 21
“Manang, can you please make a special lunch today? Devon will visit.” Excited na bati ni James sa kasambahay.
“Ang aga mo ata ngayon, senyorito. Excited kayo sa pagbisita ni Ma’am Devon ha. Namimiss ko na rin ang batang iyon ilang linggo na ring di ko siya nakikita. Sige po, magluluto ako ng masarap ngayon.” Sagot ng kasamabahay nila at iniwan na si James.
“Well, good morning son! You’re early today.” Masiglang bati ni Mr. Mathew sa anak.
“Hi Dad! Yup, I am. Devon will visit today.” Wika ni James at binigyan pa ng boyish smile ang ama.
“You are really in love. By the way, go to your room. I have something there for you. Graduation gift perhaps.” Ngiting wika ng ama nito at dali-dali namang umakyat ang binata sa kwarto niya at halatang excited makita ang gift mula sa ama.
“Wow! You really did it! It’s amazing! I love it, Dad. Thanks!” sabi ni James sa amang nakasunod sa kanya matapos nitong makita ang regalo mula sa ama.
“You’re welcome. It’s because I know you’re lazy. At least now, you can just stare at them. It’s nice right? “ sabay tapik sa balikat ng anak.
“It is.” Ngiting-ngiting pinagmasdan ni James ang frame na puno ng larawan nilang magnobyo. “Can I put it in this wall?” masiglang tanong nito sa ama habang turo ang pader sa ibabaw ng kama niya. Sumang-ayon naman si Mr. Mathew.
“So, I’ll finally see my daughter-in-law, again?” wika ni Mr. Mathew na parang excited din sa pagdalaw ni Devon. Tumango naman si James sa tanong ng ama.
*****
“Ma, bakit andyan pa ang maleta ni Papa? Hindi pa po siya nag-aayos ng gamit?” takang tanong ni Devon ng maabutan ang mga magulang sa hapag.
“Umupo ka dito at may pag-uusapan tayo.” Paanyaya ng ama nito sa kanya. Umupo naman sa tabi ni Mang Greg si Devon na medyo may kaba sa dibdib nito.
“Maleta mo iyan at hindi sa akin. Pupunta tayong Davao ngayong araw.” Diretsong sabi ng ama nito.
“Pa, magbabakasyon tayo? Surprise po ba ito? Anong oras po ang lakad natin? May lakad po kasi kami ni Vanessa ngayon, isasauli po ang toga.” Gulong wika ni Devon. Iniisip niya din si James na malamang mag-aantay nanaman sa wala.
“Di mo ba pwedeng paki-usapan si Vanessa na siya nalang ang magpabilik ng toga mo? Di ba dadaanan ka na naman niya kamo dito. Ipasuyo mo nalang at kailangan nating umalis ng maaga papuntang airport.” Wika ni Aling Linda at ikinabagsak naman ng balikat ng dalaga.
“May problema ba Devon? Ayaw mo bang makasama kaming magbakasyon?” tanong ng ama na nahalata ang pagbabago ng reaksyon ng anak.
“Syempre gusto po, Pa. Nagulat lang po ako sa surprise nyo.” Tipid na sagot nito.
“Kaya nga surprise di ba? Sige na, kumain ka na’t mag-ayos pag katapos nang makalarga na tayo.” Wika ni Mang Greg.
Natapos na silang kumain at pumasok sa kwarto niya si Devon. Di nito malaman kung pano sasabihin sa nobyo na hindi siya makakarating. Pangalawang beses na niya ito hindi sisiputin pero wala naman siyang magawa.
“Baby, I’m really sorry. I won’t make it today. Pupunta kaming Davao ngayon para magbakasyong pamilya. Sorry kasi ngayon ko lang din nalaman. I’ll make it up to you. I promise. I love you!” pagkasend ng text message ay agad nag-ayos si Devon. Inisip nalang nito na sandal lang naman sila sa Davao at makikipagkita siya agad kay James pagkauwi galing doon.
*****
“So, son. What time will Devon be here?” tanong ni Mr. Mathew sa anak na naka-upo sa sofang nakatulala.
“She won’t be coming, Dad. They’re going on a vacation in Davao.” Simangot na wika ni James na hindi tumitingin sa ama.
“But I thought…” di na pinagpatuloy ni Mr. Mathew ang sasabihin at nilapitan ang anak, “You, okay? There’s always a next time.”
“I’m so hyped up about this. I’ll see her, Dad no matter what.” At mabilis na tumayo sa kinauupuan ang binata at nilayasan ang ama. Kinuha nito ang susi ng kotse sa kwarto at inutusan si manang na pagbuksan siya ng gate.
...xciting!....susunod kaya c james sa davao?....weeeeeeee nxt chap nah teh...ganda much!
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
ReplyDeletenaku mukhang madrama ang mga susunod na mangyayari.. tyeeeeeeeeeet naiimagine ko na yung pagalis nila Devon tapos dadating si James
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
sis asan na ang next chaptersssss..
grabe mabibitin ako nito. sana mamaya meron na..
thanks! :D
sis, bakit parang nababasa mo ang jutak ko? hihihihi! kaloka ka! pero apir uli tayo jan!
ReplyDelete