Chapter 20
“Daddy, may sasabihin ako sayo tungkol kay Devon at Mr. Mathew.” Wika ni Aling Linda na halatang balisa habang nakahiga na sila para matulog.
“ Devon at Mr. Mathew? Anong meron? Mukha namang kanina lang sila nagkakilala ng anak mo. Anong gusto mong sabihin?” puno nang pagtatakang hinarap nito ang asawa.
“Pinaglihiman kasi tayo ng anak natin. Nagkanobyo siya at iyon ay anak ni Mr. Mathew.” Napaupo na sa kama si Aling Linda pagkasabi nito. Gusto niyang pagtakpan ang ginawa ng anak sa ama dahil alam nitong lubos na masasaktan ito sa maririnig pero kailangan na niyang kumilos. Alam niyang iyon lang ang makakapagpapanatag sa kalooban niya.
“Kaya ba nakapagdesisyon kang ilipat ng eskwelahan si Devon?” gulat na wika ni Mang Greg.
“Daddy, tandaan mo desisyon nating dalawa ito. Hiningi ko ang opinyon mo.”
“Oo, pero iba ang dahilan na sinabi mo sa akin. Mommy, baka nakakalimutan mong may isip na ang anak mo. Ano bang masama kung nagkanobyo siya sa edad na iyan?”
“Hindi mo ako naiintindihan. Naglihim si Devon at nahuli ko sila ng lalaking iyon dito sa bahay na naghahalikan sa kwarto niya mismo!” galit na wika ng ginang na mistulang binalikan ng mga pangyayari na pakiramdam nito’y kahapon lang ito naganap.
“Ano?! Bakit mo hinayaang humantong sa ganun, Linda? Nasan ka?” napatayo mula sa kama si Mang Greg na animo’y gusto nitong lumabas sa kwarto. Maagap namang pinigilan ni Aling Linda ang asawa’t kinwento ang buong nangyari.
“Ano na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Mabuti’t nakarating ka kaagad at hindi na lumala ang kaganapan. Sana pala’y hiningi ko ang numero ni Mr. Mathew para makausap ko siya ngayon. Bumili ka ng ticket papuntang Davao ngayon. Dadalhin na natin siya doon baka kung ano pa ang maisipan ng mga yan.” Seryosong wika ni Mang Greg.
“Di mo na kailangang kausapin si Mr. Mathew. Wala naman na sila ng damuhong anak niya. Pwede bang ipagpabukas na lang natin ang pagbili ng ticket? Magpahinga na muna tayo.” Wika ni Aling Linda. Pero parang walang naririnig ang asawa’t tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Hindi maisip ni Mang Greg kung bakit nagawa ng anak ang bagay na iyon. Nasa balkunahe siya at nagmumuni-muni.
“Pa, ano pong gingawa nyo dyan?” tanong ni Devon mula sa likuran ng ama.
“Wala, nag-iisip lang. Halika’t mag-usap tayo.” Yakag nito sa anak. Lumapit naman agad si Devon at yumakap sa ama.
“Ang laki mo na. Pagpasensyahan mo ang Papa at kailangan kong magtrabaho sa ibang bansa para bigyan ka ng magandang kinabukasan.” Wika nito sa anak.
“Pa, dapat nga po akong magpasalamat sa pagsasakripiso niyo ni Mama para sa akin. Alam ko pong mahirap ang sitwasyon niyo.” Ngiting wika ng dalaga sa ama.
“Salamat naman at naiintindihan mo ang sakripisyo naming ng Mama mo. Kay asana magiging maingat ka lagi. Unahin mo ang pag-aaral mo. Hindi tayo mayaman, Devon, iyon lang ang tanging maipapamana naming sa’yo, ang iyong edukasyon. Kaya sana wag mo kaming biguin. Wag mo munang unahin ang pag-ibig dahil bata ka pa rin.” Sersyosong wika ng ama nito habang nakatingin kay Devon.
“Pa? May problema po ba kayo?” tanong nito sa ama.
“Alam ko na lahat, ija. Sinusubukan kong intindihin pero sana wag mo kaming suwayin ng Mama sa desisyon namin.”
Ikinagulat ni Devon ang sinabi ng ama at parang nahiya ito dito, “Pa, I’m so sorry po. Hindi na po mauulit iyon. Pinapangako ko po sa inyo na mag-aaral po akong mabuti.”
“Alam ko. Kaya patunayan mo sa aming makakapagtapos ka ng pag-aaral. Pagkatapos nun ay malaya ka naming hahayaang mag-mahal ng kung sinong gusto mo.” At binigyan ng tipid ng halik sa noo ang anak at nagpaalam na itong matutulog.
OHMYGAWD MUKHANG HINDI NA MAGKIKITA SINA JAMES AND DEVON!! huhuhu
ReplyDeleteapir, mare!
ReplyDelete