Chapter 15
Nagvibrate, nataranta naman si Devon at tumakbo sa banyo niya. “Ano ba naman ito? Lagi ba akong magiging ganito tuwing magpaparamdam ang cellphone na ito. Tsk!” at sinara niya ang pinto ng cr.
“You ready to sleep?” basa ni Devon sa text galing kay James. Agad niyang sinaulo ang number at nagreply dito, “Yes. Goodnight Baby. Love you much.” Binura ni Devon ang message gaya ng bilin ng nobyo.
“Ok. I’ll leave now. Sleep tight. Love you more.” Nanlaki naman ang mga mata ni Devon nang mabasa ang text. Takang napadungaw ito sa bintana ng cr nila at nakita nga ang paalis na sasakyan ni James. Napa-iling nalang ang dalaga at ngumiting isipin na binabantayan siya ni James kahit nasa bahay na siya. Naisip niya tuloy kung kelan pa nagsimulang magbantay sa James sa kanila. Sana hindi napansin ng mama niya ang kotseng iyon. “I saw ur car! Drive safely. Love you.” Pagkasend ay agad binura uli nito ang mensahe at lumabas na ng cr.
“Devon!” sigaw ng ina nito na ikinataranta niya at di malaman san ilalagay ang cellphone kaya isinilid niya nalang ito sa ilalim ng unan niya. “Ma, bakit po?” sigaw pabalik ni Devon.
“Darating ang papa mo mamayang madaling araw para sa graduation mo.” Ngiting sabi ng ina na sumilip sa kanyang kwarto. Wala namang mapagsidlan ang kaligayahan ni Devon nang malamang darating ang papa nito.
“Talaga, Ma! Yehey!” masiglang wika ni Devon.
“Wag ka nang sumamang sumundo, ako nalang. Maglock ka ng mga pinto ha at wag magiimbita ng kung sino habang wala ako.” Babala ng ina habang nanlalaki ang mga mata.
“Opo naman, Ma. Matutulog na nga po ako e.” hiyang wika neto. Batid niyang matatagalan pa talaga bago magkatiwala ang ina sa kanya. Pero naisip niya maibabalik pa ba iyon kung ganitong sinusuway nanaman niya ang ina. Napailing siya sa naisip na pinagtaka ng ina nito.
“Bakit umiiling ka dyan? May gusto ka bang sabihin?” sabi ni Aling Linda sa anak.
“Ah Ma, wala po. Sige po, mag-ingat po kayo mamaya sa biyahe. Good night na rin po.” Lumapit na si Devon sa ina para humalik.
“I love you, Ma.” Wika nito at nginitian naman siya ng ina at sinabing mahal din siya nito.
Nang maisara ng ina ang pinto ay agad namang pumwesto na si Devon sa kama at natulog.
Nagising ng maaga si Devon at kinatok ang kwarto ng Mama at Papa niya. Binuksan naman ng ina niya ang pinto.
“Good morning. Ang aga mo.” Bati ng ina nito kay Devon. Para namang may sinisilip si Devon sa likod ng kanyang ina.
“Tulog pa ang papa mo. Lutuan na kita ng pagkain mo.” Tugon ng ina nito at lumabas na sa kwarto para ipagluto ng agahan ang anak.
Nang makapasok na si Devon sa eskwela ay naramdaman nanaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone. Dali dali itong pumunta ng restroom.
“Good morning, my girlfriend. Just saw you. See you later.” Basa nito sa text habang nangingiti ay nireplyan niya ito agad. “Good morning, to the most handsome stalker. See you later.” Sabay send at bura sa messages. Bumalik na sa classroom si Devon.
“Bessy, you look blooming. Para kang di nakipagbreak.” Bungad ni Fretzie na hinahanda na ang clearance paper.
“Ito naman, blooming naman talaga ako. Pero andito na kasi si Papa, Bessy.” Wika nito sa bestfriend na si Fretzie. Pero sa loob loob niya’y gusto niya talagang ishare kay Fretzie na sila na uli ni James pero kailangan niyang ilihim dito ika nga ni James, risk free.
“So, Tito Greg is home for your graduation. That’s sweet.” Pananabat ni Brett na hawak na rin ang clearance paper niya. “Where’s your clearance paper, Devon? We should get started so we could finish early and we could go home early too.” Pagyayaya ni Brett kay Devon na siya namang dumukot sa bag nito ng clearance paper niya. Pagyuko nya’y bigla namang nahulog ang cellphone niya sa bulsa. Tarantang pinulot ni Devon ang cellphone at agad isinilid ito pabalik sa bulsa ng palda niya.
“May cellphone ka na uli, Bessy? I bet pinabalik ni Tito Greg yan para macontact ka niya.” Bulalas ni Fretzie. Di malaman ni Devon kung anong isasagot. Wala ito sa tinuro ni James.
“Hindi, flashlight lang ito. Nagblack out kasi sa bahay kanina nakalimutan ko lang iwan sa bahay. Ano, taralets! Parang nakita ko si Miss Dimaanong dumaan. Let’s go!” mabilis na pagsagot ni Devon kay Fretzie at pag-iiba ng usapan. Kibit balikat naman ang magnobyong sina Fretzie at Brett at sinundan nalang si Devon.
Pagdating sa faculty room, nakita nina Fretzie at Brett si Ryan na nakapila sa table ni Mr. Reyes kaya pinuntahan nila ito.
“What’s up, guys!” at umapir ang Ryan kina Fretzie at Brett. “Hey, Devon! James is here!” sabay turo ni Ryan kay James at siniko naman siya ng huli. “I’m sorry, sorry! I forgot. Don’t come here, Devon.” Pagtataboy kunwari ni Ryan kay Devon na hindi rin naman lumapit. Binigyan lang nito ng makahulugang tingin sina Ryan at James. Sinundot naman ni Ryan sa tagiliran si James, “Yihee! You’re like blushing.” Panunukso ni Ryan kay James.
“Stop it, Ryan. I’m gonna punch you in the face.” Pagbibiro ni James kay Ryan.
“What’s that, James.” Paninita ni Mr. Reyes sa nagbibirong si James.
“Nothing, Mr. Reyes. I was just kidding. See, I love this guy.” Sabay hatak at akbay ni James kay Ryan.
“Yuck! Stay away from me,James. I told you the gayuma is now working.” Mabilis na inalis ni Ryan ang kamay ni James sa balikat niya.
“Shut up, Ryan!” natatawang sabi ni James. Nagtawanan naman sina Fretzie at Brett. Samantalang si Devon e nangingisi rin sa pwesto niya.
*******
“Ilan na lang ang kulang mo, Bessy” tanong ni Fretzie kay Devon habang naglalakad sila papuntang gym para magpapirma sa PE teacher nila.
“Hmmm… mga 3 nalang ang akin Bessy. In fairness to the world ha, nakarami agad tayo ngayong umaga. Pagtapos sa PE diretso na tayo sa canteen para magpapirma ha.” Wika ni Devon habang iniikot ikot ang ballpen sa daliri nito.
“Such a talent, Devon.” Bati ni Brett. “Know what, let’s jam after we finish this clearance paper. I have my guitar.” Pagpapatuloy nito.
“That’s a great idea! Let’s just hope we finish early. Kelan ka kaya matututong magtagalog? Sana pag-isipan nyo yan ni James pag-aralan. Nakakanosebleed na kasi kayong dalawa e.” parang wala sa sariling pagkakasabi ni Devon. Nagkatinginan naman sina Fretzie at Brett sa sinabi ni Devon.
“Sandali nga Bessy. Nag-uusap na ba uli kayo ni James? Pwede na uli o binalikan mo na kahit ayaw ni Tita?” pangungulit ni Fretzie kay Devon. Di na malaman ni Devon ang gagawin, pakiramdam niya ay nahuli siya sa sarili niyang bibig. Pero hindi dapat malaman ng iba, sigaw ng isip niya.
“Lahat na lang may ibig sabihin sa inyo. Mga malisyoso’t malisyosa talaga kayong dalawa, kaya kayo bagay e. Bakit Bessy, ayaw mo bang makausap ng diretsong tagalog yang amerikano mong boyfriend. Ang tagal tagal nang nasa pinas niyan di pa rin nagtatagalog. Minsan tuloy gusto mong magjoke di ka makapagjoke.” Tukso ni Devon kay Fretzie.
“Oo nga, Bun. Pwede bang mag-aral kang magtagalog para naman makahirit ako ng joke sa’yo. Tagatawa nalang kasi ako lagi e.” natatawang turan ni Fretzie kay Brett na ngingisi na sa dalawang magbestfriend.
“Ey-wan kow sa inyow” at binilisan ni Brett ang lakad papuntang gym. Nagulat at nagkatinginan naman ang magbestfriend.
“Narinig mo iyon Bessy?!” sabay na sabay na bigkas ng dalawa, “Ang super cuuuuuuute!” pagpapatuloy ng mga ito.
“Bun, wait! Ulitin mo! You’re so cute.” Paghahabol ni Fretzie kay Brett. Natatawa pa rin si Devon sa narinig mula kay Brett naisip niya si James kaya mapipilit nyang magtagalog. Super cute siguro nun. Nangingising sumunod na rin si Devon sa lovebirds.
Natapos agad sila sa gym kaya nagkayayaan na sa canteen. “Tara na, maglunch na rin tayo dun para minsanan.” Wika ni Fretzie na nakahawak sa braso ni Brett.
“Sorry, I can’t. May dadaanan kasi ako mamaya.” Tugon ni Devon at nilingon naman siya ni Fretzie.
“Hoy, Bessy. Kahapon di ka rin namin nakasabay maglunch. Graduation na bukas, last lunch na natin tong magkakasama dito sa school. Hihindian mo pa ako.” Sabay pout ni Fretzie ng kanyang mga labi.
“Bessy, pasensya na talaga ha. Magmeryenda nalang tayo mamaya. Promise di ako mawawala.” Pagpapaliwanag ni Devon.
“Devy! I’m glad I found you.” Humahangos na wika ni Ivan na nagpatigil naman sa magkakaibigan.
“Fun run lang, Man?” natatawang bati ni Devon kay Ivan.
“Funny, Bes!” sagot ni Ivan na hinihingal pa rin. “You’re mom called me. She told me to tell you that they’ll pick you up in 15mins. You’re having lunch with them. Actually , we we’re invited as well.” Sabay tingin ni Ivan kina Fretzie at Brett.
“Talaga?” excited na wika ni Fretzie. “Kita mo na, Bessy. The universe is conspiring talaga para makasama ka naming maglunch.” May kasama pang pagtaas-taas ng kilay itong si Fretzie kay Devon. Si Devon naman ay naguluhan. Hindi niya malaman kung pano na ang lunchdate nila ni James.
“Perfect” malamyang saad ni Devon, “O pano magkita nalang tayo sa gate in 10mins. Magbanyo run muna ako. Thanks, Man ha. Tawagin mo na si Trish para kasama siya.” At mabilis pa sa alas kwatro na tinungo ni Devon ang restroom.
“Baby, I’m sorry I won’t make it to lunch. Mom texted will eat out.” Mabilis natext ni Devon kay James. Inantay niyang magreply ang nobyo pero di ito sumagot. Tinry niyang tawagan pero di ito sumasagot. Dali siyang lumabas ng restroom at tinungo ang classroom nina James at sakto namang nakita nito si Ryan.
“Hey, Ryan!” tawag nito sa binata at lapit naman agad ang huli sa kanya.
“What’s up, ketchup?” masayang bati ni Ryan kay Devon.
“This is a secret again. Please tell James, I can’t.” mabilis na sabi nito kay Ryan na parang naguluhan sa sinabi ni Devon.
“Just tell him, I can’t. That’s it. Okay? Thanks Ryan. I’ll bring something for you later.” Sabay tapik sa balikat ni Ryan at umalis. Napakamot naman sa ulo si Ryan.
“Sorry, I’m late. Are we all here?” tanong ni Devon sa mga kaibigan na nag-aantay sa may gate ng school.
“I texted Trish, she said she can’t come. So, I think this is us.” Wika ni Ivan na siya namang pagdating ng sasakyan nina Devon.
“Hi Tita! Hi Tito, Welcome back po!” bati nila sa kadarating lang na mag-asawa.
“Hello! Sakay na para di tayo mahuli sa reservation.” Paanyaya ni Mang Greg sa mga kaibigan ni Devon. Nagmadali namang sumakay ang magbabarkada.
hala!...asan kaya c james???.........nxt chap na agad!...
ReplyDelete