Chapter 42
Nagmamadaling bumaba ng office si James at kahit malayo ang opisina ni Brett ay pinuntahan niya ito.
“Dude, ready to head out?” tanong ni James kay Brett na nasa kabilang linya.
“Yes, I am. Why?” takang tanong ni Brett sa mukang excited na excited na si James.
“Great! I’m downstairs, meet me here.” Mabilis na sagot ni James na ikinagulat ng kausap nito.
“What?! I’m already packing up but James I’ll be meeting Fretz tonight.”alanganing sagot nito sa kaibigan.
“That’s even perfect! Unless you two are going out on a date but don’t worry I don’t mind. I’m waiting.” At sabay tinapos ni James ang call nang di naririnig ang sagot ni Brett.
Wala pang ilang minuto ay nakita na ni James si Brett na paparating na napapakamot sa ulo nito.
“Someone’s a little excited.” Pang-aasar ni Brett kay James na napansing palakad lakad sa lobby. “What are you up to, dude?” tanong Brett kay James at nilingon naman siya na sobarng ngiting ngiti.
“Nothing! Let’s go! You don’t want your wife to wait that long.” At hinatak nito si Brett na sumama din naman at pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinagtatrabahuan ng dalaga.
Nagulat din si Fretzie na makitang kasama ng asawa niya si James pero natatawa rin siya sa inaakto ng binata. Naisipan nilang kumain sa labas at ililibre daw sila ni James kaya hindi naman tumanggi ang dalawa. Nahihiwagaan na rin sila sa inaakto ng binata.
“Alright! Who are you, and where is my bestfriend?” nangingising turan ni Brett kay James na nakikipagkulitan kay Fretzie. Napukaw naman agad ang atensyon ni James at natawa sa sinabi ng kaibigan.
“Okay! Wanna hear some great and awesome news?” ngiting wika ng binata at nagtaas pa ng isang kilay sa dalawa.
“Napromote ka, James? That really is an awesome news! Congrats!” excited na hula at bati ni Fretzie at matinding iling naman ang sinagot ni James dito.
“Even better, guys! Devon called me earlier and told me that she already confessed to her mom about us.” Ubod tamis na ngiting wika ng binata sa magnobyo. Tuwang tuwa naman si Fretzie sa narinig.
“We have been waiting for this to happen. Devon was crying when she told me. I feel her happiness. I know she always wanted to have her mom as her confidant. I wish I was there to hug her mom and thank her personally for accepting us.” Dirediretsong wika ng binata na parang may hinahabol sa bilis ng pagsasalita.
“That’s so great! So, do I also hear some wedding bells? Go to Davao and introduce yourself to Tita Linda as her only daughter’s boylet.” Natatawang wika ni Fretzie at natawa na rin ang dalawang binata.
“See, that’s the thing! I was actually thinking of storming out of my office as soon as she told me but she said that her mom is not yet ready to see my face.” Ngiwing wika ni James, “So, I’ll probably wait ‘til she warms up into the idea that she will be seing more of my face when I marry Devon.”
“Naks! Level up na kayo! Pero James if I were you, I’ll go to Davao and court her mom. I mean how will she get used to your face if she’s not seeing you. Just be sure to bring lots of gifts.” Kinikilig na wika ni Fretzie at napapatango naman si Brett sa sinasabi ng nobya nya.
“But what if Devon gets mad? She doesn’t want those kind of surprises.” Puno nang agam-agam na wika ni James.
“Naku, hindi magagalit iyong si Bessy. Trust me James, she’ll find it sweet.” Wika ni Fretzie.
“I’ll think about it.” Ngiting wika nit okay Fretzie.
***
“Uy, balita ko umamin ka na daw kay Tita Linda. Pinagchichismisan ka ng magpinsan sa bahay namin. Nacorner pa nga ako ni Detective Lani, malamang daw may kinalaman ako sa paglilihim mo. Kinabahan pa nga ako nung una kasi ang pagkakadinig ko paglilihi buti pina-ulit ko.” Wika ni Kyra kay Devon na naabutan niyang mag-isa sa sala at nanunood ng tv.
“Hala! Anong sinabi mo tungkol sa lihiman? Naku pinsan, pasensya na baka napagalitan ka pa.” pagpapamaumanhin ni Devon sa pinsan.
“Ay ano ka! Edi sinabi kong natural may kinalaman ako dun. Dahil ateng, kung hindi mo ako kinasangkapan malamang baliw ka na ngayon. Mahirap iyong may jowa ka tapos may problema kayo tapos wala kang magpagsabihan tapos uupo ka sa isang sulok na yakap-yakap mo ang mga binti mo tapos niyuyug-yog mo ang katawan mong parang rocking chair sa kakaisip sa problema mo tapos madadatnan ka ng mga taong nasa ganung sitwasyon, wala sa tamang pag-iisip, saklap lang. Di ba?! Yan na yan mismo ang sinabi ko sa magpinsang dragon. Kala ko nga liliyaban ako sa sinabi ko e, pero nagthank you ang Mama mo sa akin. Wagi tayo dun!” makulit na pagpapaliwanag ni Kyra at di naman na mapigilan ni Devon ang matawa sa eksplanasyon ng pinsan.
“Loka ka talaga! Pero tama salamat talaga. Kaso ayaw pa ni mama na masilayan ang kagwapuhan ng jowa ko e. Di pa daw siya ready.” Wika ni Devon.
“Hindi kaya may HD ang nanay mo kay James? Natakot na baka mahalata mong may kaagaw ka pala sa nobyo mo sa katauhan ni Linda Soriano.” natatawang wika ni Kyra at nahampas naman siya ni Devon. Panandaliang ininda ni Kyra ang hagupit ng kamay na balak ng pinsan pero dahil sanay na siya dito ay balik tawanan naman sila.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaa kakalurkey si Kyra!....panalo talaga ang FF mo fwnd!.....
ReplyDeletehandsdown.. wala talaga kong masabi ang galing galing mo. :D
ReplyDelete