Chapter 12
Nagtataka na rin si Devon kung bakit dalawang linggo nang di ito nakakatanggap ng sulat kay James. Naisiip tuloy nitong dahil sa naganap sa party kina Fretzie kaya nanlamig ang binata sa kanya. Ang hindi nito alam ay matamang sinusubay-bayan ni James ang bawat kilos nito. Lagi siya nitong sinusundan tuwing breaktime maging sa uwian. Madalas na ginagabi ng uwi si James sa kanila dahil inaantay nitong magpatay ng ilaw si Devon sa pagtulog. Nakuntento na si James na mahalin si Devon sa ganong paraan. Pero sa tuwing uuwi ito sa sariling bahay at matutulog ay dala nito ang bigat ng kanyang kalooban at madalas ay nakakatulugan nang may luha sa kanyang mga mata.
Isang linggo nalang at graduation na. Abala na lahat ng mga graduating class sa mga rehearsals para sa graduation rites. Naataasan ang Glee Club na umawit ng national anthem pero hindi na sumasama si Devon sa anumang practice. Kinausap daw kasi ng Mommy ni Devon ang Glee Club adviser para maexcuse ang dalaga. Nalungkot si James ng malaman iyon. Akala niya ay pagkakataon na iyon para makasama muli ang dalaga. Kaya naisipan uli nitong magpadala ng sulat.
Dear Baby,
I’m so missing you. In a week we’ll be graduating and I wanted so bad to celebrate our graduation with you but I guess we just really can’t. I’ll be strong, Baby. I can wait for you and I promise you that. So, please wait for me too. I love you so much and I can endure all the pain just to see you smile.
Always and forever,
Your James
Tumakbo sa CR si Devon matapos mabasa ang sulat na iyon ni James. Damang dama niya ang sakit na nararamdaman ni James at iyak siya ng iyak sa banyo. Nang mahimasmasan ay naghilamos ito at lumabas. Naisip niyang ito na siguro ang tamang panahon.
Dear Baby,
I miss you more. I’m hurting too. I just can’t stand being away from you. I’m taking this chance again and try to be your girlfriend. I love you so much. I couldn’t dare think about the chance that you might get tired someday waiting without any commitment from me and then be with someone else who could love you freely. I’m giving in. I want you to be my boyfriend again…. Even in secret. I love you.
p.s. let this be a secret between us. NO ONE should know.
Always and forever,
Your Devon
Dali dali nitong inabot ang sulat kay Ivan at ibinilin dito na ibigay ito kay James. Pikit matang nanalangin si Devon at humingi ng tawad sa langit sa ginawa niya. Pero sadyang malakas ang puso niya, alam niyang taliwas ito sa napagkasunduan nila ng ina pero ayaw na niyang magsuffer. Kung magsasuffer siya gusto niyang maging masaya ang puso niya kahit papano. Nung una’y inakala niyang kaya niyang panindigang hindi maging nobyo si James at panghawakan ang pangko nito pero napag-isip siya sa sinabi ni Fretzie noon. Lalaki si James, at dapat niyang initindhihin na hindi sumusugal sa wala ang mga ito. Kaya sinarado na ni Devon ang takot sa ina at sinunod ang sigaw ng puso niya.
Abot hanggang tenga ang ngiti ni James sa pagkakabasa sa sulat ni Devon. Naguluhan naman si Ivan sa inakto ng binata at bigla bigla ay niyakap siya ni James.
“Thanks, dude! Your classic approach did the job. You’re awesome!” sabay apir nito kay Ivan na naguguluhan pa rin sa inaakto ni James.
“You’re welcome. What was that for? Are you two together again? Is that what it says in the letter.” Pangungulit ni Ivan kay James.
Biglang natauhan si James at naalala ang huling bilin ni Devon, “No, dude. I’m just happy that she responded. This is the first time that she did. That’s what I’m thanking you for.” Masiglang banat ni James kay Ivan.
“I have to go, Smith. Thank you so much! I owe you, big time!” sabay tapik sa balikat ni Ivan at iniwan itong mangha pa rin sa reaksyon ni James.
waaaaaaaaaaaaaaa gusto q ang chap na etich!........
ReplyDeletetyeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet sa wakas bumigay na din si Devon..
ReplyDeleteahahah kelangan lang pala na matagal tagal magparamdam ni James bago sumagot si MM.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
good job DD :D