Saturday, May 7, 2011

Trial and Error: XI

Chapter 11
Natapos ang masalimuot na linggo para kay James at Devon.  Tatlong araw na rin nagpapadala ng sulat si James sa dalaga na tinatago naman ni Fretzie.  Naging normal naman na ang lahat maliban sa di pag-uusap at pagpapansinan nang dating magnobyo.  Naging usap-usap din sila sa campus dahil nasaksihan ng mga kaklase nila ang di pagkikibuan ng dalawa pero hinahayaan nalang nila ito. “Kulang isang buwan na lang naman.” Wika ni Devon.

Nang dumating ang sabado, kaarawan ng Mommy ni Fretzie at imbitado ang buong barkada.  Naroon na kina Fretzie sina Ivan, Jenny, Brett, Ryan, Trish, at James.

“Happy birthday, Tita!  You still look like Fretzie’s older sister.”  Sabay sabay na bati ng magkakaibigan na siya namang nagpablush kay Mrs. Briones.

“Kayo talaga, bolahin nyo pa ako. Kulang ata kayo? Asan ang kaloveteam mo James?” tanong ng ginang.

“Mi, di ba kinwento ko na po sa inyo. I told her James I hope it’s okay.” Wika ni Fretzie na nilingon si James matapos sabihin iyon sa ina.

“I’m cool with it.  We’re not allowed to see each other, Tita.” Malungkot na saad ni James sabay akbay naman ni Brett sa kanya.

“Ay, oo nga pala. I’m sorry, James. Sige kumain na kayo and enjoy.  Fretzie paki tulungan mo muna akong ayusin itong mga plates.” At hinatak si Fretzie na naging signal naman ng magbabarkada para atakihin ang buffet table.

“Anak, paano yan?  Nainvite ko kasi ang Tita Linda mo at nagconfirm siyang pupunta.  Nawala kasi sa isip ko.” Pabulong na wika ni Mrs. Briones habang inaayos ang mga plato. Natampal naman ni Fretzie ang noo sa pagkakarinig ng sinabi ng ina.

“Mi naman kaya ko nga po sinabi sa inyo iyong tungkol kay Bessy at James para dito.  I’m sorry to say this Mi, pero tumatanda na talaga kayo” pangising turan nito sa ina sabay mahinang kurot ng ina sa tagiliran nito.

“Naku e what shall we do?  Baka parating na iyong Tita mo. Siguro dun muna kayo sa likod ng mga kaibigan mo at balaan mo na rin si James.  I-entertain ko nalang ang Tita Linda mo para di niya mapansin na nandito si James.” Naguluhang wika ni Mrs. Briones at biglang tumunog ang doorbell. “Ayan na naku! Natataranta naman ako. Pati tuloy ako nadadamay sa complicated love story ng kaibigan mo.” Tarantang tinakbo ng ginang ang gate at nagbilin kay Fretzie, “Bilisan mo’t sabihan mo na sila at dalhin na sa likod. May nakaset-up namang table doon.”

Dali namang pinuntahan ni Fretzie ang mga kaibigan sa buffet table. “Guys, are you done?  Kailangan kasi nating pumunta sa likod.  Doon daw tayo sabi ni Mommy.” Nagmamadaling sabi nito.

“Fretz, I’m not yet done.  Can I just bring the whole serving plate outside?” pangungulit ni Ryan.

“Ryan talaga! Just get some and let’s go.” At hinatak na ni Fretzie si Brett papunta sa likod. Takang taka naman ang magbabarkada sa pagpapamadali ni Fretzie sa kanila pero sumunod na rin ang mga ito.

Nang makarating sa backyard, “Sorry guys ha.  Ako nalang ang kukuha ng food para sa inyo if you need more. Kasi si Mommy nakalimutan talaga, ininvite si Tita Linda.” Pagpapaumanhin ni Fretzie sa lahat.  Nanlaki naman ang mata ni James at di malaman kung tatayo ba siya sa kinauupuan at aalis o ano. Pinakalma naman siya ni Brett at Ivan at sinabing manatili muna. “Don’t worry guys, Mommy said that she won’t let Tita know that James is here.  So, James stay calm malay mo kasama niya si Devs.”  Wika nito pero namutla na talaga si James at di na makale.

“Maybe I should go.” Nanginginig na di mawaring wika ni James, “What now, James? Stay calm okay.  Fretzie said Tita will not know you’re here. So if you just stay here you’ll be okay.  You might bump into her while going out.” Mapuntong wika ni Ivan kay James na nagpatango naman sa lahat maliban kay Ryan na patuloy sa pangasab sa roasted chicken leg.

“Sorry guys but I’m really hungry.  James, just stay and if you can’t eat those food because of what you’re feeling right now, I’ll be glad to help you out” at akmang kukunin ang chicken sa plato ni James.  Tinapik naman ni James ang kamay ni Ryan at nangingisi na ang lahat sa ginagawa ng dalawa.

“Ryan, you should behave. Jenny is here, she’ll know the real you.” Pagbabanta ni James kay Ryan.

“Oh, I’m sorry Jenny. Do you want chicken? I can get James’ chicken for you.” Pangungulit pa rin ni Ryan sabay batok naman ni Jenny sa kanya. “Ewan ko sa’yo. Kumain ka na nga lang dyan.” At nagtawanan na ang lahat maliban kay James na balisa pa rin.

Samantala sa loob ng tahanan nina Fretzie, “Happy birthday, Mare.  Sinama ko si Devon kinukuha lang ang regalo namin sa’yo sa kotse. Nasan si Fretzie?” pagbati ni Aling Linda sa kaibigang si Mrs. Briones.

“Thanks Mare! You didn’t have to bring me present, pang mga bata lang iyon. Andyan lang si Fretzie at inaasikaso si Brett.” Kabadong wika ni Mrs. Briones at dinala na si Aling Linda sa kusina para kumuha ng pagkain na siya namang pagsunod ni Devon.

“Happy Birthday, Tita!” masiglang bati nito at inabot ang regalo kay Mrs. Briones.  Masaya si Devon dahil nakalabas siya ng bahay pero di niya mapigilang di umikot ang mga mata niya sa paligid para malaman kung nandoon si James sa party.

“Hi Devon! Thank you. Kumuha ka na ng pagkain at tatawagin ko si Fretzie para samahan ka.” Wika ni Mrs. Briones na nagpatalim naman sa mga mata ni Aling Linda.

“Ay, hindi na Mare.  Sasamahan niya ako.” Wika ni Aling Linda na mataman paring nakatitig kay Devon na nagyuko ng kanyang ulo.

“Eto naman. Pano tayo makakapag-usap kung kasama natin si Devon. Don’t worry barkada naman sila ni Fretzie, magbestfriend pa nga. Hayaan mo silang magbonding at tayong dalawa ay magbabonding din. Fretzie!” pangungumbinsi ni Mrs. Briones kay Aling Linda. Narinig naman ni Fretzie ang tawag ng Mommy niya kaya dali-dali itong pumasok sa kusina.

“Tita, okay lang po akong samahan si Mama. Kahit po magkwentuhan kayo di po ako makikinig.” Sabat ni Devon na pansin pa rin ang mapangusap na mga mata ng ina na animo’y nagsasabi sa kanyang wag siyang iiwan.

“I insist, ija. Birthday ko ngayon gusto kong makausap ang Mommy mo. Tara na Linda dun tayo sa sala.” Hatak ni Mrs. Briones kay Aling Linda na nakasunod pa rin ang mga mata kay Devon.  Sumama na rin si Aling Linda kay Mrs. Briones at dumating naman si Fretzie para samahang kumuha ng pagkain si Devon.

“Kamusta ka naman? Bakit parang napakaprotective mo ata kay Devon ngayon.” Panimula ni Mrs. Briones na halatang may gustong malaman nang makarating sila sa sala.

“Naku, Mare kung alam mo lang ang pinagdaanan ko sa batang yan ngayong linggong ito.” Pagsasalaysay ni Aling Linda.  Kilalang cool mom si Mrs. Briones, di katulad ni Aling Linda na may pagkastiff sa pagpapalaki ng anak.  Pero matalik na magkaibigan ang dalawang ginang kaya tuwing may problema ang sinuman ay nagsasabi sila sa isa’t isa.

“Hindi ko ikinatuwa ang nagawa ni Devon sa akin.” At isinalaysay ni Aling Linda ang nangyari, mangha rin si Mrs. Briones pero nakikinig lang siya kay Aling Linda kaya nang matapos ito sa pagkukwento saka siya nagsalita.

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, ano?” wika ni Mrs. Briones habang hinihimas ang balikat ng kaibigan na tumutumulo na ang luha. Niyaya na rin ito ni Mrs. Briones na umakyat sa kwarto nila para mas makapag-usap sila.

Nang makarating sa kwarto, inabutan ng tissue ni Mrs. Briones si Aling Linda, “Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ni Devon sa akin iyon. Naging mabuting ina naman ako, Karla.” Hikbing wika ni Aling Linda.

“Pagpasalamat na rin siguro tayo at hindi gumawa ng ibang milagro si Devon.  Pero Linda, wag kang magagalit sa akin ha. Alam kong naging mabuting ina ka at sobra nga akong humahanga sa pagpapalaki mo sa anak mo. Mabait na bata si Devon sa nakikita ko ay natakot lang iyong batang magsabi sayo na may nobyo na siya.  Tignan mo si Fretzie, nagsasabi naman sa akin, umakyat ng ligaw yang si Brett dito sa pamamahay ko.  Kasi hindi ko pinararamdam kay Fretzie na pinaghihigpitan ko siya.” Wika ni Mrs. Briones habang hinihimas ang balikat ni Aling Linda.  Kumunot naman ang noo ni Aling Linda sa sinabi ni Mrs. Briones.

“Parang sinasabi mong mali ako sa ginawa kong paghihigpit kay Devon?  Mare, ikaw na mismo ang nagsabi. Iba na ang kabataan ngayon.  Ayoko lang na mabuntis si Devon ng wala sa panahon.” Tiim bagang saad ni Aling Linda sa kaibigan.

“Hindi ko sinabing mali ka.  Ang gusto ko lang sabihin ay sumobra ka marahil sa paghihigpit sa kanya.  Magkaibigan tayo Linda kaya wag mong mamasamain ang sinasabi ko.  Tignan mo ha, dahil sa iba na nga ang henerasyon ng kabataan ngayon dapat din sa mga magulang na mag-adjust. Wag nating bigyan ng dahilan ang mga bata na maglihim sa atin.  Dapat tayong tumayong kaibigan sa kanila lalo sa mga ganitong edad nila. Vulnerable ang mga yan.” Pagpapatuloy ni Mrs. Briones na ginagamitan ng ng pagiging social worker niya sa pag-atake kay Aling Linda.

“Doon nga siguro ako nagkamali. Pero hindi pa rin tamang gawin nila iyon sa ganyang edad. Iyon lang naman ang pinupunto ko.” Sagot ni Aling Linda na nahihimasmasan na sa mga sinasabi ni Mrs. Briones.

“Tama ka doon. Hiwalay naman na sila di ba? Pag-aralan mong ibalik ang tiwala sa anak mo.  Pagkatapos ay ibahin mo ang approach mo sa kanya kung nung dati’y sobrang higpit ka, bawasan mo ito.  Magtanong ka lagi sa kanya, makipagkwentuhan ka.  Isipin mo ha, pag dumakot ka ng bungahin at hinigpitan mo ang hawak sa mga ito, may aalwas at aalwas pero pag hinayaan mo lang ang kamay mong nakalapat, walang mahuhulog na buhangin.” Pagtatapos ni Mrs. Briones at nginitian ang kaibigan.

“Salamat, Mare ha. Siya nga pala hindi dito sa Maynila mag-aaral si Devon. Kinausap ko na ang mga kamag-anak ko sa Davao at dun na siya magkokolehiyo.  Mas mainam siguro iyon.” Pagbubunyag ni Aling Linda na nagpanganga kay Mrs. Briones.

“Ano Linda? Itatapon mo si Devon sa Davao dahil sa nangyari?  Parang hindi naman ata tama iyon.  Di ba mas mababantayan mo siya kung kasama mo siya dito sa Maynila? Pag-isipan mong mabuti yan. Ipagkakait mo ang magandang edukasyon sa anak mo dahil lang sa pagkakamaling iyon. Baka lalong magrebelde si Devon niyan.” Manghang wika ni Mrs. Briones at napapa-iling sa narinig mula sa kaibigan.

“Karla, napagdesisyunan na naming mag-asawa ito. Magandang eskwelahan naman ang papasukan ni Devon dun.  Mababantayan naman siya dun.  Napag-alaman ko kasing kung dito sa Maynila mag-aaral si Devon e makakasama niya sa iisang school ang lalaking iyon.” Wika ni Aling Linda.

“E mukang nakapagdesisyon na kayo. Pero sayang, dun din papasok si Fretzie e.  Alam na ba ni Devon ito?” tanong ni Mrs. Briones na di pa rin makapaniwala sa plano ni Aling Linda.

“Alam niyang ako ang magdedesisyon kung san siya magkokolehiyo pero hindi pa niya alam kung saan. Kaya sana Karla, ilihim mo ito kay Fretzie. ” seryosong bigkas ni Aling Linda.

“Sana tama ang desisyon nyo.  Pasalamat ka at mabait ang anak mo baka kung ibang bata yan ay naglayas na. Basta babalitaan mo ako ha. Tara na sa baba at ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Salamat sa pagtitiwala, Mare.”  at inakay na nito si Aling Linda pababa sa sala.

Samantala, sa likod bahay nina Fretzie ay di nagkikibuan sina James at Devon.  Kabado si Devon dahil naroon ang Mommy niya sa sala.  Binulungan ni Devon si Fretzie na pupuntahan ang Mama nito sa sala para di na magkagulo nang.

“You’re uneasy being here.” Mahinang wika ni James at nakuha nito ang atensyon ng lahat. Tinitigan siya ni Devon at napansin ng dalaga ang lungkot sa mga mata nito. Para namang mababasag ang puso niya ng makitang patayo si James at di tumitingin sa kanya.

“Fretzie, there’s another way for me to go out, right?”  tanong nito kay Fretzie na siya namang tumango tanda ng pagsagot ng oo.

“I’ll just leave so you guys can enjoy the party.” Wika ni James at tuluyan nang tumayo. Sinenyasan naman ni Fretzie si Brett na samahan si James palabas.  Habang si Fretzie naman ay hinawakan si Devon para isinama sa loob ng bahay.

“We’ll distract your mom para di nila mapansin ang pagbukas ng gate. Tara bes.  Guys, dyan muna kayo ha.  Brett, sige na.”  sabay hatak kay Devon papasok sa bahay. Nagmadali namang kumilos sina James at Brett.

Di malaman ni Devon ang mararamdaman sa mga oras na iyon.  Ang sikip sikip sa dibdib na makitang nasa ganung sitwasyon sila ni James.  Iniisip niya tuloy kung kaya kayang panindigan ng binata ang pangako nitong pag-aantay.

5 comments:

  1. kah iyak naman!.....ganda talaga ng story!...

    ReplyDelete
  2. thank you so much!!!!! i love you to death na!

    ReplyDelete
  3. “You’re uneasy being here.” Mahinang wika ni James at nakuha nito ang atensyon ng lahat. Tinitigan siya ni Devon at napansin ng dalaga ang lungkot sa mga mata nito. Para namang mababasag ang puso niya ng makitang patayo si James at di tumitingin sa kanya.

    -------------------------------------

    ramdam na ramdam ko 2! tyeeeeeet! karukay ang sakit naman sa puso.

    ReplyDelete
  4. i know right, mare? dinama ko ring si James talaga ang nagsabi niyan. salamat sa pagtangkilik. :) love you na din. :))

    ReplyDelete
  5. Dami kong naalala sa ff mo, mare. Hahahah! Been a while since I last cried, pero napaiyak talaga ako sa story. Feel na feel ko ang sadness ng dalawa. Haaaaayyy! can't wait to read the time that they will be happy again.

    ReplyDelete